nosy si Mommy

3.9K 106 4
                                        

Emily's POV
"Mom? I'm home."

"Emily, honey nandito ako sa kitchen."

Pumunta na ako sa kitchen, nakita ko na nag-bi-bake si Mom ng cookies. Humalik ako sa pisngi ni Mom at saka yumakap pa ako.

"Iha, maupo ka muna diyan at tikman mo itong cookies na binake ko."

Naupo na nga ako sa isang stool sa harap ng counter, hinainan naman ako ni Mom ng cookies at orange juice.

"Anak, may itatanong sana ako sayo."

Tumingin lang ako kay Mom, habang kinakain ko na ang masarap na cookie.

"Tanong ko lang, anong meron sa inyo noong anak ni Ashley Marin?"

Nakatingin pa rin lang ako dito, naghihintay ng susunod pang sasabihin nito.

"Nakita ko kasing hinatid ka niya nung isang araw."

"Mom, wala pong anumang namamagitan sa amin ni Hanna." Yun naman ang totoo, ni hindi nga daw kami mag kaibigan sabi mismo ni Hanna.

"Ay ganoon? Sayang naman."

Kita ko ang talagang panghihinayang sa mukha ni Mom, naguluhan naman ako.

"Mayaman ang mga Marin, kahit pa nga single parent iyong si Ashley ay malago ang mga negosyo nila, at saka maganda ang anak niya, parang iyong gilfriend mo dati, yung si Samara."

Talagang hindi ko maintindihan kung ano ang tinutumbok ni Mom.

"Pero kung wala naman palang namamagitan sa inyo, eh okey lang."

Dumaan ang mahabang katahimikan, akala ko ay tapos na ang pag-uusisa ni Mommy, pero mas nagulat ako sa sunod na sinabi at tinanong nito.

"Eh, ano naman iyong tungkol doon sa bunsong anak ng mga DiLaurentis? Tinawagan ako noon nung isang gabi, sabi sa bahay daw nila ikaw matutulog... Balita ko pa ay may gusto daw iyon sayo, ah."

Hindi ko alam kung saan kumukuha ng balita itong Mommy ko, dahil ngayon lang naman ito nag-usisa ng husto sa akin.

"Naku, Emily napakayaman ng mga DiLaurentis, top 5 sila na pinakamayaman sa buong mundo kahanay ng mga Gates. Isipin mo iyon kung magiging kayo at makatuluyan mo ang anak nila, para na tayong tumama ng ilang beses sa lotto, sweapstakes, at sa kahit ano pang mga sugal sa casino, pero mas maganda sana kung iyong anak na lalaki ang ma hook mo, dahil siguradong tagapagmana iyon, pero okey na din kung iyong babae, anak pa rin naman iyon at ang alam ko ay napaka ganda din noon, blonde, blue eyes, may dimple - pasok na pasok sa taste mo." Mahabang sabi ni Mommy.

Para namang nanliliit ako sa mga sinabi nito, dahil naiintindihan ko na ngayon kung ano ang ibig nitong sabihin.

"Mom, huli na kayo sa balita, galit sa akin si Alison at tingin ko, para sa kanya ay hindi na ako nag e-exist." Inis na tumayo na ako at umalis.

"Okey lang, aayusin natin yan, anak."

Narinig ko pa ang huling sinabi ni Mom, hindi ko na lang iyon pinansin, dahil hindi ko din naman alam kung ano na naman ibig sabihin noon.

=================
Alison's POV
Ilang araw ko ng hindi pinapansin si Emily, hindi iyon dahil sa hindi ko na ito gusto, napag-isipan ko lang na nakakahiya na nga ang mga ginagawa kong pagpapansin at pagsunod-sunod ko dito. Hindi bagay sa isang katulad ko ang maging isang stalker, at ayoko na talagang pababain pang lalo ang tingin sa akin ni Emily. Isa pang rason ay nagtatampo pa rin ako doon sa sinabi nitong insensitive ako, after ng mga ginawa ko, ganoon pa ang tingin nito sa akin, kumusta naman yun!

Naputol ang pag-iisip ko ng parahin ako ng guard sa gate ng school, nagtataka man ay ibinaba ko ang salamin sa tapat ko.

"Ma'am Alison, may nag deliver po nito kanina, para sa inyo daw po." Magalang na sabi ni guard, habang inaabot sa akin ang napakalaking bouquet ng pinaghalong tulips at orchids.

Kinuha ko na lang iyon saka inihagis ko sa back seat, nagulat naman ang guard sa ginawa ko, pero hindi ko na ito pinansin, sinarado ko na ulit ang bintana, hindi na ako nag thank you. Bakit pa? e paswelduhin lang naman namin yun.

Ipinark ko na ang kotse ko sa reserve parking space para sa akin, kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ako ng car, ila-lock ko na sana ito pero naalala ko iyong bouquet, kaya naman binuksan ko ang back seat, hindi ko alam kung sino ang nagpa deliver nito, yuyukuin ko pa lang sana para tingnan kung may card na kasama ng bigla akong ginulat ni Hanna.

"God! You're jumpy." Kumento nito.

Sa nagulat akong talaga, eh.

"Ano pa bang ginagawa mo diyan, Ali?" Tanong ng palapit na si Aria, kasunod nito sina Cece at Spencer.

"Hey, ang ganda naman nito."

Nilingon ko si Hanna, na hawak na ngayon ang bouquet at bago ko pa makuha iyon dito ay hawak na din nito ang card.

"Alison, smile always and stay beautiful..... Emily Fields?" Malakas na basa nito sa naka sulat sa card.

Dali-dali ko namang kinuha dito ang card at tunay nga iyong pagkakabasa ni Hanna, kinuha ko na din iyong bouquet kay Hanna at parang wala sa sariling nadala ko iyon sa dibdib ko, inamoy ko din yung mga bulaklak at napangiti ako. Isipin pa lang na galing ito kay Emily, kinikilig na ako, as in.

"Hala! Naloka na si Ali, nangiting mag-isa."

Hindi ko naman na pinatulan si Hanna, ngumiti lang ako dito.

"Nagagawa nga naman ng pag-ibig." Nakangiti ring sabi ni Spencer.

"Ali, wag kang obvious na kinikilig, it is so not  you." Pang aasar naman ni Cece.

"Bestfriend, I am so happy for you." Kinikilig ding sabi ni Aria sa akin na kumapit pa sa braso ko.

Maingat ko ng ibinalik sa back seat itong bouquet at magaan ang pakiramdam kong pumasok ng building, kasunod ko ang apat.

Nang makasalubong ko si Emily sa hallway ay hindi ko na napigilang ngitian ito.

"Thank you." Sweet pang sabi ko.

Mukha namang nagulat ito sa pag ngiti at sa sinabi ko.

Tapos tinapik pa ito ni Hanna sa balikat, sabay sabi ng -

"Nice one, Fields!"

Emison fan fic GxG (Completed)Where stories live. Discover now