Gusto kong isa siya sa unang makaalam, kasi kahit paano marami na kaming pinagsamahan. Halos araw-araw kaming magkasama at nasanay na rin sa presensya ng isa't-isa.

Umatras ang determinasyon kong ibalita sa kanya, bigla akong nakaramdam ng panghihina. Gusto ko kanina pero nagbago na ang isip ko. Maaapektuhan ko siya, ayoko siyang maapektuhan dahil sa akin at ayoko siyang masaktan.

Humigpit ang hawak ko sa handle ng pushcart at pinilit na ngumiti. "S-Sino'ng nag-utos sa'yo gawin 'to?" iniba ko ulit ang usapan.

Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Kinabahan ata siya kung ano'ng sasabihin ko.

Nagpatuloy na muli ito sa pagpupunas. "No one. I volunteered."

"Sure?" paninigurado ko.

Nagawa ko pang i-normal ang boses, kahit sa loob ko naninikip na ang dibdib ko.

Tumango ito at lumipat na ulit sa panibagong salamin. "Yeah."

"Walang nag-utos sa'yo na mga galing ng detention? Hindi nila ito disciplinary action?"

Tumingin na siya sa akin. "No, Vera. I decided to do this. Wala naman akong klase," paninigurado niya sa akin.

Tinulak ko na ulit ang cart palapit sa kanya para hindi siya mahirapan. "Siguraduhin mo ha? Baka hindi ka nakikinig sa akin at hinahayaan mo pa rin silang utus-utusan ka lang."

"I learned how to say no, since you scolded me."

Napatango-tango ako. "Very good. Baka hindi ka nagtatanda e," bumaba ang mata ko sa sahig. "'Wag ka nang babalik sa gano'n ha?"

"Of course. Magagalit ka sa akin," inosenteng balik nito.

Humugot ako ng malalim na hininga. "O-Oo. Magagalit ako sa'yo. Kapag hindi mo pa rin alam ipagtanggol sarili mo, hindi habang buhay nandito ako. Hindi kita mapag-tatanggol palagi."

Lumapit na siya sa cart at nilagay ang mga basahan doon, bago humarap ng tuluyan sa akin. "I won't. I won't make you feel bad," malalim at makabuluhan niyang sambit.

Nagsimulang magkarera ang puso ko.

Kahit papaano nabawasan ang pag-aalala ko, na baka hindi niya maipagpatuloy kung sino na siya ngayon kapag nawala na ako. Wala siyang ibang kaibigan na palagi siyang sasamahan, na maniniwala sa kanya. Kaya mabuti. Mabuti na alam niya nang tumayo sa sarili niya paa. Dapat kayanin mo, Juan. Kailangan kayanin mo, kahit wala ako.

Simulay muli ang ngiti sa labi ko. "Aasahan ko 'yan. 'Wag mo akong bibiguin, Juan."

Bumalik na rin ako sa klase matapos kong samahan si Juan na ibalik kung saan niya man nahiram, ang ginamit niyang panglinis kanina. Matapos ay dumiretso na rin ako sa last subject ko na pang hapon at kaklase ko si Jayen.

"Samgyup tayo?" yaya niya matapos ang klase.

Papayag na sana ako nang maalala ko ang session namin ni Juan. Sinuot ko na ang bag at sunod-sunod na umiling.

Sumimangot siya. "Na naman? 'Di ka na naman puwede?" reklamo niya habang palabas kami ng classroom.

"May pupuntahan pa ako. Bawi na lang ako."

"Ano ba 'yan. Baka ilang araw o linggo ka na lang dito tapos aalis ka na. Hindi pa tayo ulit nagbobonding—" tinakpan ko ang bibig niya agad nang mahagip na mata ko kung sino ang naghihintay sa labas ng classroom.

Pinandilatan ko na mata si Jayen. Sinabi ko sa kanya noong gabing kinausap ako ni Auntie, na pumayag akong pumunta ng Los Angeles, pero siya at si Moris pa lang ang nakakaalam. Ang ingay niya pa, muntik siyang marinig ni Juan!

That Juan Time Stopped (Published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon