''Nami-mersonal ka na ah!'' Mainit na talaga ang ulo niya.

Kaagad nang lumapit sina Durcan at kuya Ark para daluhan at awatin ang dalawa. Kahit kaming mga babae ay nagsilapit na rin para makiawat.

''Inaagaw mo kasi ang pag-aari ng iba kaya dapat lang 'yan sayo, kulang pa nga kung tutuusin!'' Hindi naman patatalo na sagot ni Rhyme na ang init din ng dugo.

''Ano'ng inaagaw ko?! Gago ka talaga!''

Akmang magsusuntukan ulit ang mga ito ngunit mabuti na lamang at maagap si kuya Durcan na pinigilan si Rhyme sa braso at gano'n din si kuya Ark kay Butch.

Pumagitna na rin si ate Ingrid. ''Stop it, boys, will you!'' She exclaimed. ''Hindi tayo gumala rito para mag-away kayong dalawa. We're here because we just had to have fun and be sport, kaya pwede ba! Pwede tumigil na kayo!''

''I can't promise to avoid causing trouble at anyone or anywher kapag alam kong sinusulot ang pag-aari ko, ang akin ay akin lang!'' Pinal na salita ni Rhyme sabay hinila na si Honey palayo rito.

''Fuck that freakin' possessive idiot!'' Huling naimura din ni Butch sabay iwinaksi ang braso mula sa hawak ni kuya Arkadee tsaka lumayo na rin.

Kinagabihan, sa bahay sa hapunan, naimbitahan ang barkada nina mommy at daddy para sabayan kami sa hapagkainan kaya nakumpleto ulit kami. Nagkaroon ng kaunting interview si daddy kay Rhyme tungkol sa naging buhay ng huli sa Visayas dahil sa tagal rin nitong pamamalagi roon. Si mommy din, tinanong-tanong si Honey ng kung anu-anong mga bagay lang na maisipan niya.

Pagkatapos ng salu-salo'ng iyon, tumambay naman kami sa Veranda at nagsimula nang mag-inuman ang mga kalalakihan. Uminom rin ako ngunit isang baso lang tsaka tinabihan si ate Martha na kasalukuyang nakahiga sa duyan. Hindi ko rin maiwasang mapasulyap kina Kirsten at Trakes na nakaupo ngayon sa railings at mukhang may seryosong pinagdidiskusyunan. Si ate Ingrid naman at si Honey, naroon sa round table at nakikipag-inuman tsaka kwentuhan sa mga boys.

''Uuwi ka na bukas, Honey?'' ate Ingrid asked her.

Tumango si Honey. ''Oo pero sa hapon pa siguro, gusto ko pa kasing sulitin ang mga oras na nandito ako at kasama kayo kasi panigurado, pagkabalik ko do'n sa amin, mami-miss ko agad kayo.''

''We'll miss you too, Hon!'' Singit ni ate Marge.

''Oo nga naman, Hon! Balik ka rin dito kapag may time ka. Okay?'' ako naman ang nagsalita.

''Sige. Susubukan ko.''

''By the way, sa'n mo nga pala planong matulog ngayong gabi?'' ate Ingrid continued asking.

''Hindi ko pa alam, ate. Maybe, I'll check in for some hotel.''

''Sa amin ka nalang matulog, Hon. Marami pa namang bakanteng guest rooms sa bahay.'' Butch sincerely offered.

''She can't. Sa bahay ko s'ya matutulog.'' Seryosong deklara naman agad ni Rhyme.

Here they go with this again!

''Hindi na, guys. Salamat nalang. Masyado ko na kayong naaabala kaya 'wag na. But your offers are highly appreciated, kaya ko na ang sarili ko. Makaka-check in din ako ng pinakamalapit na hotel dito.''

''I'm all alone at my house, I want you there, Honey. I want you to stay with me, with my home. At least, just for tonight. please?'' Naging malamyos na ang boses ni Rhyme, and it's all persuasive but sweet this time.

Wala namang nagawa si Honey kundi pagbigyan ang hiling nito. After all, she loves him, and I know, she doesn't want leaving him alone.

Kinaumagahan nga, nagulat kami ng pamilya ko nang kumakain kami ng almusal at biglang dumating si Rhyme. Gulo-gulo pa ang buhok, halatang bagong gising, nagmamadali at puno ng pag-aalala ang itsura. Itinanong niya sa amin kung nandito daw ba si Honey or kung napadaan raw ba dito.

''Ah hindi mo ba alam? Umalis na s'ya, Rhyme, kanina pa. Dumaan nga rito para magpaalam sa amin na babalik na siya ng Visayas.'' ako ang sumagot.

So, hindi pala nagpaalam si Honey sa kanya. May problema kaya? May nangyari kaya kagabi habang naroon ito sa bahay niya? May hindi magandang pagkakaintindihan o ano?

''Umalis na? Bumalik na'ng Visayas? Oh damn!'' Frustrated siyang napasabunot sa kanyang buhok.

''Hindi man lang ba s'ya nagpaalam sayo?''

Bigo ang mukha na umiling s'ya sa akin at mamula-mula na ang kanyang mga mata. ''Hindi eh.'' Bumaling din s'ya sa mga kasalo ko sa hapag lalo na kina mommy at daddy. ''Pasensya na po sa abala.''

''It's alright, hijo. Ikaw ba, are you okay? Saluhan mo na muna kami dito, halika.'' Marahan paanyaya ni mommy.

''Your tita's right, Rhyme. Come on, join us here first.'' Sunod pa ni daddy.

''Huwag na po, maraming salamat nalang, tita, tito. Please, excuse me now.'' Puno ng lungkot ang huling tinig niyang iyon bago tuluyang lumabas ng bahay.

Ngunit syempre, hindi doon lang matatapos ang love story ng dalawa. Mahal naman nila ang isa't-isa kaya love found it's own way pa rin to meet their hearts' will.

Sumapit ang Christmas no'n at nag-iinuman kami sa bahay niya. Kumpleto kaming magkakabarkada. Wala kaming ibang mapag-usapan kundi ang tungkol sa kanilang dalawa ni Honey.

''Oh sincere at seryoso ka naman pala talaga, ba't hindi mo nalang sundan ulit do'n sa Visayas?'' Ani ate Ingrid.

''Oo nga, kung totoong mahal mo, susundan mo 'yon kahit gaano pa kalayo at kahit gaano ka pa katagal na maghihintay!'' Sermon din ni Kirsten.

''Sundan mo na, dude. Kahit interesado ako do'n, nagawa ko pa ring palayain dahil mas gusto ka niya. Laan na ang puso niya sayo pero 'wag mong hintayin na tuluyan ko na siyang masulot kasi panigurado kapag nagawa ko na 'yon, hinding-hindi ko na isasauli ulit sayo.'' Butch even spoke. Seryoso at may banta sa tono niyon.

''Fuck you, Butch! Babaliin ko 'yang ulo mo kapag tinangka mong gawin kahit isang beses lang 'yang sinabi mo! Susundan ko naman talaga si Honey pagkatapos ng Christmas at New Year, kung pwede nga kahit ngayon na gagawin ko, liliparin ko mula dito sa Cavite papunta roon sa Visayas para lang makita at makausap s'ya ulit kaya lang hindi muna pwede kasi hinihintay ko pa si kuya Royce at ang asawa nito sa pagdating nila dito ngayong Linggo, pero susundan at susundan ko talaga si Honey pagkatapos nito. Hindi ako papayag na hindi s'ya makausap o makita man lang, hindi ako makukumpleto.'' Puno ng kasiguraduhang saad ni Rhyme.

Natawa tuloy si Butch. ''Kailangan ko pa palang takukin ka para lang magkalakas ng loob ka ulit na sundan siya. Tsk!''

''Hindi ako natakot. Fuck you!''

Natawa na rin pati ako. ''Natakot ka man o wala sa banta ni Butch, at least, you still believe of following Honey, on obeying your heart's desire, and that's all that matters!''

''Susundan talaga ni lover boy. Mukhang takot na takot na maagawan eh!'' Nanukso naman si Trakes tsaka nakangising nakipag-high five sa kapatid niya pati na rin sa akin.

Sinapak ito ni Rhyme pero humagalpak lang lalo ito ng tawa.

At last, tinupad nga ni Rhyme ang sinabi niya. A week after, or after the holidays, nilisan na ulit niya ang Cavite para bumalik ng Visayas at sundan ulit ang puso niyang naroon. He can't let Honey go, he just can't lose his heart. Thank God.


If Only (On-Going)Where stories live. Discover now