''God, Jefferson!'' Naibulalas din sa pag-aalala ng mga dalagang kasama ng bata.
''Are you okay, Jef? May masakit ba sayo? Ano?'' Alalang-alalang anang isa habang kinapa pa bawat bahagi ng katawan na pwedeng masaktan sa bata.
Siguro ay magkapatid ang dalawang ito dahil magkamukha naman.
''I'm okay, ate. Tinulungan n'ya naman po ako.'' Sagot ng bata tsaka itinuro si Rhyme.
The girl turned to him then she smiled. ''Salamat sa pagtulong sa kapatid ko.''
Tumango si Rhyme. ''Walang anuman.''
She extended her hand on him. ''Ako nga pala si Ivana, I'm his sister. Jefferson ang pangalan niya.''
Tinanggap iyon ni Rhyme. ''Rhyme.''
''Naglalaro kayo kanina ng volleyball?''
Rhyme nodded.
''Cool! Nakita nga kita kung pa'no ka kanina maglaro, ang galing mo!''
He laughed sexily. ''Hindi naman, tama lang!''
Tiningnan ko si Honey mula sa bleacher na mataimtim na pinanunuod ang dalawang ito ngayon. Hindi naman maipagkakaila ng kanyang mga mata ang bahid ng lungkot at selos sa nakikita ngayon.
''Magaling ka talaga! Siguro innate talent mo talaga ang volleyball 'no?'' She's still insisting.
''Hindi! Lawn Tennis ang sports ko!''
''Oww? Talaga? Great! Kung gano'n, let's play!''
''Game!''
''Sali ako!'' Honey suddenly exclaimed while raising her hand.
Napatingin kaming lahat rito at bahagya naman itong nailang nang mapagtanto ang nagawa. Pero sinalo iyon ni Butch para hindi siya magmukhang kahiya-hiya at enter-baboy.
''Ako din!'' He followed then he looked at the other girl whose handling the other lawn tennis. ''May dalawang free tennis pa naman kaya okay lang siguro kung hiramin namin, maaari ba, Miss?'' He asked the girl flirtatiously.
The girl with having blushed cheeks nodded. ''Oo naman, pwede!''
He then winked at her. ''Salamat!''
Hiniram nga nina Butch at Honey yung tennis ng mga kaibigan ni Ivana, samantalang ginamit naman ni Rhyme ang sa kapatid nitong si Jefferson. Nagsimula ang magandang laro nang pumabor agad ang ilang naunang puntos kina Honey at Butch, yeah, you heard it right, si Honey at Butch ang partners, samantalang si Rhyme naman at Ivana.
Napapangisi ako bigla nang hindi makatakas sa paningin ko ang bawat pagmumura at pagmamaktol ni Rhyme nang sa bawat puntos na makuha at pagsasaya nina Honey at Butch eh napapayakap ang mga ito sa isa't-isa. It's just actually a friendly hug, victory, sport, nothing more. 'Ni wala nga akong makitang mali at wala naman iyong malisya, sadyang seloso lang talaga si Rhyme pagdating sa lalaking napapaaligid kay Honey lalo na kapag may kakampi itong iba at karamay. Ang love nga naman, hay buhay!
''Shit!''
Mas naramdaman ko pa ang lalong pagtaas ng tensyon nang pumatas 10-10 yung scores ng parehong teams. Seryoso na nga halos sila sa paglalaro, lalong-lalo na si Rhyme na sa bawat pagpalo ng bola, eh parang may halong galit at apoy iyon, para bang dito niya ibinubuntong ang inis ng damdaming ikinikimkim sa mga sandaling ito.
''What the fuck!'' Tumigil sila sa paglalaro nang biglang sinugod ni Butch si Rhyme saka kinuwelyuhan ito sa kadahilanang tinamaan siya ng bola sa mukha ng malakas dahil sa paghagis nito. Halata pang sinadya nito ang ginawa!
BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Teen FictionMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...
CHAPTER TWENTY
Magsimula sa umpisa
