CHAPTER TWENTY

Magsimula sa umpisa
                                        

''K. Stop that tension for now and let's continue the game!'' Sabad naman ni ate Martha kaya nagsitanguhan kami at bumalik sa paglalaro.

Natapos ang laro na pagod kami at panalo ang aking team. Nagsipag-upuan at higaan kami sa bermuda grass ng napakalawak na field habang nagpapahinga, umiinom ng tubig, softdrinks, kumakain ng chitcherya at nagkukwentuhan.

''Kailan pala balik natin sa school, guys?'' Ani ate Martha na pinapapak ang chitcherya habang nakahiga sa bermuda at nakapatong ang ulo sa binti ni kuya Durcan.

''January 3, ate Marge.'' Si Kirsten ang sumagot na kakainom lang ng tubig na siya namang nakaupo dito sa tabi ko.

''Wala pa nga'ng Christmas, pasukan na agad kayo? Ano ba naman, guys? Pagpahingahin din naman natin mga sarili natin paminsan-minsan!'' Iiling-iling na sagot ni Trakes na ngayon ay nakahiga rin at nakatutok na sa kung anumang pinagkakaabalahan sa kanyang cellphone.

Ate Marge rolled her eyes on him. ''I just asked, Trakes. Hindi ko sinabing gusto ko na ulit bumalik sa eskwela!''

''Excited lang na bumalik 'yan si Trakes sa eskwela dahil nami-miss na niyan mga chicks n'ya doon!'' Nakangisi namang pahayag ni kuya Arkadee na nasa tabi ni ate Ingrid.

''Sus! Nagsalita ang walang chicks. For all I know, mas marami ka pa kaysa sa akin, Ark, eh! Sus.''

''Uy!'' Natawa bigla si kuya. ''Hindi ah! 'Wag mo akong itulad sayo, ano ka ba! Haha.''

''Oo nga naman! Hindi kasinglandi mo si kuya Arkadee kaya tumigil ka, Trakes!'' Sali ko na.

''Hindi raw. Hindi mo lang alam!''

Masuring tinitigan ko ang kapatid ko, naghihintay ng sagot at eksplenasyon niya sa iginigiit ngayon ng loko-lokong si Trakes.

Maagap na umiling naman siya kasali pa ng kamay sa pagtanggi. ''That's not true, Meg. Your kuya Ark is good, never a liar, never a playboy. Always honest and loyal to you.''

I nodded in relief. Buti naman. Ayoko kasi talagang maging loko-loko s'ya tulad ni Trakes at ng iba pa dahil mas maganda iyong maginoo, mabait, at tapat, gaya ng kapatid na nakasanayan ko magmula pa mga bata kami.

''Hon, where are you going?'' Ani ate Ingrid kay Honey nang nakitang naglalakad ito papunta sa kung saan.

Honey turned her back to Ingrid. ''Diyan lang sa naglalaro ng Lawn Tennis, ate, manunuod lang saglit ako.''

''Sama ako!'' Mabilis na tumayo mula sa pagkakahalukipkip sa bermuda si Butch para sundan si Honey.

''Ako rin! Sports namin 'yan ni Honey no'ng high school eh kaya sama ako!'' Sumunod rin si Rhyme at nagulat nalang ang dalaga nang sunggaban niya ito ng akbay.

''Mabigat, Rhyme!'' Reklamo pa nito habang sinusubukang tanggalin ang braso ng binata sa balikat.

''Tss!'' Hindi naman nagpatinag si Rhyme at hindi talaga inalis ang braso sa balikat ng dalaga.

Wala naman nang nagawa si Honey kundi ang magpatanggay rito. After all, sasama at sasama pa rin naman siya kasi mahal niya.

Doon sila pumuwesto sa wooden bleachers para manuod ng mga naglalaro ng Lawn Tennis. Apat yung mga naglalaro. Dalawang dalagang mga kaedad lang din namin at dalawang mga batang lalaki.

Ilang sandali pa sumunod na rin kami ni Kirsten kasi naaliw na rin kami sa panunuod. Nang matapos ang game at nagpahinga ang mga naglalarong mga babae samantalang naghabulan naman ang dalawang batang lalaki at dahil sa kakulitan, nadapa yung isa.

''Oh my gosh!'' Naibulalas pa ni Kirsten sa gulat sa batang nadapa.

Walang pag-aalinlangan namang diretsong dinaluhan ni Rhyme yung bata at tinulungang makatayo.

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon