Magkaibigan nga sila ni Marcus.. Naguumapaw ang self-confidence. Pero hindi, maganda talaga siya kahit walang makeup. Siya yung tipo ng babaeng mas maganda pag walang ayos.

"To be honest, I classified Gatorade as one of my closest friends back in high school. Though ang ironic ng tandem namin kasi ako maingay tapos siya napakasungit."

"Playful siya." Oo, mas kumukulit siya. Pramis.

"Pag tinotopak." Tumawa siya na para bang may naalala siya. "Pero all in all, he's a very good guy. Alam ko namang alam mo 'yun."

Tumango nalang ako kahit di ko alam kung ba't ako nag-agree. Very good guy? Hindi ko alam. Pano ba mag-stereotype ng lalaki? How should I know? First boyfriend ko si Gatorade.

Katahimikan.

Tiningnan ko lang si Aly. Kung close friend sila, bakit niyang ginawang boyfriend si Gatorade at bakit hindi pa noong magkabarkada nila? Or may hidden feelings kaya si Aly kay Gatorade nun? At bakit pang 4th siya? Meaning college na sila nung nagkita ulit.

"Wala akong interest kay Gatorade. I really just see him as a friend." Nagitla ako sa sinabi ni Aly. Naconscious ako sa sinabi niya. Ganun nab ba talaga ako ka-transparent? "The questions are written all over your face."

I flushed.

"Let's just say na I did a favor for Gatorade kaya naging kami."

"Favor?"

"Yup."

Isa din 'to sa kakaibang ugali ni Aly. Open book siya pero somehow nagagawa pa rin niyang maging mysterious. Kung sa kwento, she always keeps you hanging kaya you'll be leave with options kung magtatanong ka or hindi.

"Hindi talaga ako makakapagtago sa lalaking 'to."

"Ha?" Ngumuso si Aly kaya napatingin ako sa likod ko. "Pano niya nalamang andito tayo?"

"Nagconclude yan na magkasama tayo at alam niya kung saan ako hahanapin." Bumalik ang tingin ko kay Aly. "Being an accountancy student triggers you to become a coffeeholic."

Nginitian niya ako at tumayo siya sa sofa. "Tara na. Magalit pa sakin si Gatorade, sabihin inaagaw ko girl friend niya."

Boyfriend Corp.Where stories live. Discover now