[49] Like a Knife

Start from the beginning
                                    

Ngayon ay hinayaan lang ni Storm na matamaan siya ng unan sa mukha. Pagkatama ng unan sa kanya ay pareho silang natawa ni Jasmine at saka nagkatitigan.

"Ghad, how I missed this." Saad niya sa dalaga habang patuloy na nakatitig sa mga mata nito.

Matagal na napatitig sa kanya si Jasmine bago ito sumagot. "Yeah. I missed us, too," sagot ng dalaga at saka unti-unting iniwas ang mukha niya. "And I am sincerely sorry for causing you a lot of pain." Dagdag pa niya.

Kaagad na naging seryoso ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Hindi nagawang makapagreact at makapagsalita ni Storm matapos bitiwan ni Jasmine ang mga salitang iyon. Matagal na namagitan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago tuluyang sumagot si Storm.

"Dapat ba kitang sagutin ng okay lang? Na naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon...kahit hindi ko naman naiintindihan talaga?"

Seryosong ibinalik ni Jasmine ang tingin niya sa kanya. "Mas gugustuhin ko siguro kung sasagutin mo ako na hindi mo ako mapapatawad...na kinamumuhian mo ako ng sobra."

Pilit na natawa si Storm sa naging sagot niya. "When you said you missed us...you should have stopped there. Why do you have to ruin this moment?" inis na tanong niya. "Pagkatapos mong sabihin na namimiss mo 'yung tayo bigla mo namang sisingitan ng ganito."

"Ayoko lang na paasahin ka pa. Hindi porque sinabi kong namimiss ko na rin yung dating tayo ay gusto kong bumalik doon."

Saglit na natigilan si Storm sa sagot niya bago unti-unti siyang natawa muli ng pilit. "Huwag kang mag-aalala dahil hindi na ako aasa pa ulit sa'yo, Jasmine." Punong puno ng pait na sagot niya. "Masakit maiwan sa ere, eh. Hindi ko na gusto pang maranasan ulit 'yun. Ayoko na rin bumalik pa doon." Seryosong sagot niya.

Hindi nagawang sumagot ni Jasmine matapos marinig ang mga sinabi niya. Alam niyang hindi biro ang sakit na binigay niya kay Storm pero wala na siyang ibang magawa kundi ang masaktan din...at magsisi.

"Why did you do it?" biglang tanong ni Storm habang seryosong nakatitig sa mga mata niya.

Kaagad iniwas ni Jasmine ang mukha niya. Kung maari lang sana ay ayaw na niya itong pag-usapan pa. Nais niyang sabihin kay Storm na gusto na niya makalimot...na gusto niyang magsimula ng panibago. Pero alam din niya sa sarili niyang hindi siya makakapagsimula ng panibago kung tatakasan lang niya ang nakaraan.

"Why, Jasmine?" desperadong tanong ni Storm.

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Jasmine bago unti-unting ibinalik ang tingin sa kanya. "Because I hated you so much, Storm. Who wouldn't, right? Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang kaisa-isang babaeng minahal ng kapatid ko."

Tila isang malutong na sampal ang naging sagot niya kay Storm. Iniwas ni Storm ang mukha niya kay Jasmine at napayuko. "Right," tanging naging sagot lamang niya. Every time na nabubungkal ang tungkol sa pagkakamali niyang iyon ay wala siyang ibang magawa kundi ang paulit-ulit na masaktan.

"Isang inosenteng buhay ang nawala dahil sa'yo. I watched my brother suffered. Tatlong buwan siyang hindi naglalalabas ng bahay. Araw-araw, gabi-gabi, we would hear him screaming her name. Araw-araw, gabi-gabi, makakarinig kami ng basag sa kwarto niya and we'll witness him cut his own wrist..."

Saglit na natigilan si Jasmine nang isa-isang mag-unahan ang mga luha niya sa pagpatak. "He was losing so much weight 'cause he can't eat and sleep right anymore. Then he'd always tell me how horrible his dreams were seeing Isabella lying on a coffin."

Mas lalong unti-unting nadudurog ang puso ni Storm habang pinapakinggan si Jasmine ikwento kung paano siya nakasira ng buhay ng iba.

"After 3 months na naging ganun siya, we were able to convince him na magparehab but the rehab was not helping." Inis na pinunasan ni Jasmine ang mga luha niya bago nagpatuloy. "Damn, Storm. Hindi lang ang buhay ni Isabella ang nawala dahil sa'yo. Pati buhay ni Thunder."

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTWhere stories live. Discover now