Chapter 17 - Lovesick (Part 1)

Start from the beginning
                                    

Tinuro ulit ni Sammy ang upuan ng Daddy niya.

"May ginagawa si Daddy, Sammy."

"Daddy? Mi.mi.mi." Sagot ng anak ko sa akin at hindi ko madecipher ang sinasabi niya.

"Daddy is busy." Paliwanag ko pa.

"Si..si. Si." Tumanga ako sa sinabi ng anak ko.

"Nadalhan niyo na po ba siya ng pagkain ate?"

"Oo, okey na." Tumango ako kay Ate Aida. Hindi ko alam ang problema niya at hindi niya kami sabayan kumain.

...
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto habang tulog pa si Sammy. Hinalikan ko ito sa pisngi niya bago ako umalis papuntang ojt ko. Nalate ako ng gising ngayon at sana walang trapik. Nagmadali na akong bumaba ng hagdan at tumakbo patungo sa pinto.

"Aray!" Napatingin naman ako sa likod na nakabangga ko at si Matt pala iyon. "So-sorry." Sumulyap lang ito sa akin at hindi nagsalita. Tiningnan ko lang ito at laki ng eye bags nito at mukhang inaantok pa ang mga mata niya. "Anong nangyari sa'yo?"

"Nothing. I got to go. I have an early meeting." Nagmamadali at nanguna pa ito sa akin sa pintuan. Tiningnan ko lang ito dahil sa ginawa niya. Kahit kailan ay hindi ito nangunguna sa akin sa paglabas. Malimit ay lagi niya akong pinapauna. At malimit kapag nakikita niya ako sa umaga ay babatiin niya ako ng 'good morning' pero ngayon ay wala.

Lumabas na ako ng bahay at mabilis nitong nilabas ang isang kotse na ginagamit niya. Hinihintay kong babaan niya ako ng bintana para magpaalam ulit pero wala. Tuloy-tuloy lang itong lumabas. Nagkibit balikat na lang ako. Ayoko ng mag-isip pa kung bakit ganoon siya.

...
"Wala pa si Matt, Ate Aida?" Kumakain na ulit kami ni Sammy ngayon ng dinner at hindi na naman namin kasalo si Matt.

"Hindi ba nagtext sa'yo. OT raw siya." Wala naman akong nareceive na text o tawag sa kanya. Malimit naman ay nagpapaalam iyon kung saan pupunta o kung mag-oovertime.

"Wala po eh." Ano bang nangyayari kay Matt?

"Daddy si. Daddy si. Daddy si." Tumingin naman ako kay Sammy sa pagsasalita nito.

"Oo baby...busy si Daddy."

...
Hindi na naman namin nakasalo si Matt ng dinner. Sabi ni Ate Aida ay maaga raw itong umuwi galing trabaho at tumuloy na agad ng kwarto. Hindi na nga raw ito nagpakita kay Sammy na nakakagulat lang dahil alam kong pag-uwing-pag-uwi niya ay pupuntahan agad nito si Sammy para makipaglaro kahit anong pagod niya.

"Kumain na raw ba siya ate?"

"Hindi pa. Dadalhan ko mamaya. Mukhang hinang-hina nang makita ko kanina."

"Pahanda na lang po ng pagkain. Ako na pong magdadala."

"Dala!" Tumingin ako kay Sammy na puro amos na ang mukha dahil sa pagkain niya.

"Oo, baby, dadalhan ng food ni Mommy si Daddy. Kay Lola Aida ka muna, okey?"

"Key!" Nagtambol-tambol pa ito ng bowl niya.

Naghanda na si Ate Aida ng pagkain at maingat ko iyon dinala sa taas ng bahay patungo sa kwarto. Nakasarado ang pinto niya na di na niya ginagawa simula ng dumating ai Sammy kaya kumatok ako ngunit wala akong narinig na sagot.

"Matt." Katok ko ulit ng mas malakas pero walang sagot. "Matt!" Pasigaw ko ng salita at malakas na katok. May narinig naman akong pagkaluskos sa loob at mahinang pag-ubo pero wala pa rin nagbubukas pinto. Bahala na.

Journey of ForgivenessWhere stories live. Discover now