Chapter 17 - Lovesick (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit tayo lalabas?" Di naman ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Wala naman. Kwentuhan lang." Napabuntong hininga ako.

"Magkikita na nga tayo sa Sabado tapos makikipagkita ka pa sa akin? Dalawang araw na lang iyon ha."

"Oo nga. Nakakamiss ka kasi."

"Miss mong mukha mo, Mark." Tumawa naman ito. "Sa Sabado na lang. Tight ang sched ko." Pangangatwiran ko na lang.

"Then I'll see you Saturday. I hope we could talk."

"Talk? Ano pa bang ginagawa natin ngayon?"

"Ikaw talaga, Sam, hay...kaya maha-- basta. Sana makapag-usap tayo ng tayo lang. I want to say something to you."

"Sabihin mo na kaya ngayon. Bakit naghihintay ka pa ng Sabado. Magbabago ba iyan kapag Sabado na?"

"Yes." Umirap ako. Mga pinagsasabi talaga ni Mark.

"O sige na. Bye."

"Bye Babe. I miss you."

"Babe your face. Bye." Binaba ko na ang telepono. Sisilipin ko sana si Sammy ng may marinig akong pag-ubo. Sumilip ako sa may kanto ng kwarto ni Sammy at nakita ko naman si Matt.

"Matt?" Tumingin lang ito sa akin at kung tama ba ang nakita ko ay inirapan ako nito. Lumapit pa ako rito ay naglakad na ito patungo sa veranda at sinundan ko ito. "Ano bang nangyari sa'yo?" Naupo ito roon sa may upuan at pinagmasdan ko lang ito. Mukhang wala itong balak na kibuin ako.

"Anong meroon sa Sabado?" Medyo paos nitong salita. Sinasabi ko na nga ba na nakikinig siya sa pag-uusap namin.

"Hindi mo ba narinig? Akala ko narinig mo ng lahat."

"Sam, tinatanong kita." Bumuntong hininga ako.

"Meroon party kami ng buong block ko. Tinatanong ni Mark kung pupunta ako. Okey lang ba na pumunta ako?"

"Hinihingi mo ba ang permiso ko o sinasabihan mo lang ako na pupunta ka?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang narinig ang tono ng pananalita niya na ganito.

"Matt, tinatanong ko kung okey lang ba kung pumunta ako? Ano bang pinagsasabi mo?" Tumahimik lang ito. Maya-maya ay tumalikod na ito sa akin at sumandal sa kinauupuan niya. "Matt?" Para itong walang narinig. "Ano bang problema mo, Matt?" Naiinis ako sa pinapakita niyang ugali sa akin.

"Ikaw bahala. Palagay ko naman matanda ka na para makapagdesisyon." Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. "Sige na, Sam. Gusto kong mapag-isa." Talaga naman! Kaagad akong umalis ng veranda at iniwan ko siyang mag-isa. Ano bang problema niya?

...
"Rice." Turo ko pa kay Sammy habang pinapakain ko ito ng dinner.

"Rays." Napangiti ako. Hawak-hawak nito ang kutsara niya at ginuide ko siya para magscoop ng pagkain niya at isubo.

"Very good." Sumubo ito at ngumuya-nguya. Gumagalaw pa ang binti nito na enjoy sa kinakain niya.

"Gooood." Ngumiti ako ng malaki sa panggagaya niya sa akin.

"Big boy na ang baby namin." Nagmumble pa ito ng mga salita niya na hindi ko maintindihan. "Ano sabi mo baby? Di kita maintindihan." May itinuturo ito sa pamamagitan ng kutsara niya at sinundan ko ang turo niya. Nakaturo ito sa upuan ni Matt na bakante ngayon.

"Ate Aida hindi ba kakain si Matt?"

"Nagpapadala na lang pagkain sa kwarto at doon na lang daw siya kakain." Umiling ako sa sinabi ni Ate Aida.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon