Kabanata 12

994K 18.6K 4.6K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 12 

Wala pa rin si Parker at hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong makausap. Si Mari, busy sa tinuturuan niya at hindi ko naman gustong abalahin siya. Si Parker, hindi pa rin tapos sa kung anumang ginagawa niya... At si Shiloah? Don't even get me started with him.

"You're so smart!" sabi sa kanya nung katabi niya. Hinampas niya pa sa braso si Shiloah at saka tumawa. Napakunot na lang ang noo ko. Really? Couldn't she be more subtle with her flirting? Kahit ako na nasa likod nila napapansin, e.

Hindi na kami magkatabi ni Shiloah dahil tinanong ako ni Candy, 'yung babaeng katabi niya ngayon, kung pwede na magpalit kami. I wanted to say no dahil balak ko pang makipag-ayos kay Shiloah. But as days passed at wala man lang pagbabago sa pakikitungo niya sa akin, I decided to finally let it go.

Baka hanggang dito lang talaga kami.

We barely even started yet we're already good as finished.

But I decided to look on the brighter side. At least ngayon hindi na siya pagseselosan ni Parker. Maybe there's still a silver lining after all.

Dumating na iyong prof namin. Tinanggal ko na iyong tingin ko kay Shiloah at sa katabi niya. I should really focus on what's important. Last sem ko na ngayon bago ako mag practicum. There's no room for mistakes. Kailangan kong makatapos ngayon. Hindi ako pwedeng ma-delay.

Nagdiscuss lang iyong prof namin ng lesson tapos nag-announce siya na magkakaroon kami ng exam next week. Midterms na pala? Ang bilis ng panahon! Parang kakatapos lang ng prelims namin...

"That's all for today. I won't be around next meeting so take it as a review day," she said bago siya umalis ng room. Inayos ko na iyong gamit ko. May klase pa ako mamaya pero medyo malaki pa iyong break time ko. Hindi ko alam kung saan ko iyong gagamitin. Wala naman akong pupuntahan... Wala rin akong kasama.

To be honest, I kinda feel pretty pathetic.

Wala ba talaga akong buhay kapag wala si Parker?

God, what was I doing with my life?!

I was still in deep thought. Ngayon ko lang na-realize na wala pala akong ginagawa masyado. Nakakatakot. What the hell would happen to me kapag nag-practicum na si Parker? Would I effing cry every night like some little girl?

Nawala ako sa iniisip ko nung mayroong kumalabit sa akin. I was quite shocked nung makita ko si Shiloah. Hindi ako agad nakapagsalita. I was just looking at him.

He gave me a small smile. Naiinis ako. Bakit kaya niyang ngumiti sa akin? Bakit akala niya ba okay lang sa akin na hindi niya na ako kinakausap? We're friends! Nakakaloko lang na dahil lang sa hindi ko pag-sagot sa tawag niya, nagkandaloko-loko na ang lahat.

"Nasa 'yo pa 'yung notebook ko," he said.

"Ha?"

Sasagot na sana siya sa akin nung biglang nasa braso na naman niya iyong kamay ni Candy. "Shi, I'll be with my friends first. Puntahan mo na lang ako once you're done," she said. Nginitian niya pa ako bago siya naglakad papunta sa friends niya. I smiled back at her. She seemed nice pero nakakainis dahil naiinis ako.

Bakit pakiramdam ko inagaw niya sa akin si Shiloah? Why do I feel like I lost him? He's not even mine to begin with!

"Okay," he replied with a smile. Humarap siya sa akin matapos umalis ni Candy. "Malapit na kasi 'yung exam. Mag-aaral ako," he said.

Nasa loob ng bag ko 'yung notebook niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa ibinabalik iyon. Sa tatlong araw na hindi kami nag-uusap, palagi ko iyong dala. And right now, hinihingi niya na iyon pero hindi ko alam kung bakit nagsinungaling ako.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon