Bogart says 17

16.7K 826 41
                                    

Ugh, gusto ko sana sa May ko na i-upload tong next chapter but, oh well. XD

Eiji’s Point of view


Nasa library kami ngayon ng mga kagrupo ko sa Newscasting nang magvibrate ang phone ko. Ipinatong ko saglit ang M.Bulletin sa mababang shelf, tinakpan ang bibig at nakipag-usap ng tahimik.

“Hello?”

“Uhm, Eiji?”

“Yes, sino to?” umikot ako, hinahagod ang mga pocketbooks sa kabilang shelf nang di ako mapansin ng librarian.

“Si Stephen to. Hi! Kamusta na?” Sa sobra kong pagkagalak na tinawagan ako ni Stephen, nalaglag ang huling pocketbook sa shelf na pinamagatang Sophie’s World. Taranta kong binalik sa lugar ang libro at nginitian ang ngayo’y nakakunot-noong librarian. Pumunta ako sa pinakadulong bahagi ng library kung saan sa tingin ko’y di na abot ng kanyang tanaw.

“Sorry kanina ha? I tripped over some books. Hi! Kamusta! Pano mo nalaman number ko?”

“Kay Patti…na syang nakuha naman nya kay Willer. How are you and that guy? Kayo pa rin ba?” tanong nya. I was literally walking in circles while conversing with him through phone.

“Yes. Kami pa rin. Kayo ni Patti? Kayo pa rin ba? Oh please don’t tell me you broke up? I will hunt you down!”

Natawa sya sa kabilang linya. “No. We’re still together. Selosa rin pala sya no katulad mo? There’s an instance na may nagtanong na babae sa akin near my locker and I never realized she’s giving the girl the death glare only when I turned around to see her there.”

“Ganun talaga yun but she’s lovable. And huggable, right?”

“Yea. Anyway, libre ka ba sa Saturday? Uhm, I just thought it’s a good idea na magkaroon ng reunion ang section Gold.” Now that he mentioned it, it’s been a while since we got in touch with each other – us classmates (hindi yung kami lang ni Stephen, okay?) And I think that’s a great idea but,

“May NSTP kami nun Phen e. Di pwede. Although I like the idea.” Sabi ko.

“It will be Saturday night para lahat free. Pumayag na yung iba nating mga former classmates.” He informed. Okay, it’s official. Naeexcite na ako sa reunion namin.

“Ayiee! Okay, okay! Go ako dyan! Wait…pwedeng isama si Buknoy diba? I’m sure isasama mo rin si Patti, right?”

“Uhm, yea sure. Sama mo sya. But tell him ha, wag syang mag-aastang homosapien.”

“I can handle that.” Panigurado ko sa kanya. Although kagabi, I almost couldn’t handle Buknoy. He was really in heat. Nakita kong sumisilip na si Clyde mula dun sa table namin near the librarian’s desk and I could sense they grew impatient. “Uhm, Sige Phen gotta go. Bye. Pakamusta kay Pat, kay? Tell her to beep me too!”

“Okay. Bye. I miss you.”

“Sige bab-” Wait…did he just say, “I miss you”? I stared at my phone but unfortunately he ended the call. I returned to the M. Bulletin I left, gave my library card to the librarian and sat next to Aisha.

“Friend ba’t ganun ka maglakad, paika-ika?” tanong nito habang pasimpleng dumudukot ng Marty’s sa ilalim ng lamesa. “ At ang tagal mo dre ha? Samantalang tapat lang naman ng librarian’s desk tong Bulletin na to.” Duro nya ng labi sa bulleting hiniram ko sabay salpak ng Marty’s sa bibig.

“Ah, ‘lam na!” komento ni Clyde habang sinusulat sa yellow pad ang article na nakita nya.

I laughed it off. “Sira ka talaga!” But of course, whatever he has in mind, he’s right. “Uhm, tumawag kasi si Stephen, kaklase ko nung highschool. Reunion daw kami this Sat.” sabi ko to answer Aisha’s query at nang di na i-dig pa ni Clyde yung mga nangyari kagabi. Though yea, impaired nga ako maglakad ngayon because of that.

Ang Multo sa Manhole 2 - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon