Bogart says 16.2

14.8K 871 48
                                    

Buknoy’s Point of view

Nung elementary ako, kung hindi si mama ang nakaupo sa upuan ko at nakikinig sa adviser namin tuwing magpapatawag ng PTA meeting, si papa naman ang nakaupo. At ngayon, I see myself at their shoes - sitting on a wooden chair at the back while trying to take note what Mark’s adviser have told. Kahit na pinalabas na kasi itong sila Mark, ang ingay nila pumapasok pa rin sa classroom.

Apparently, ako lang ang pinakabata dito. Sa harapan ko mayrong nanay nagpapabreastfeed ng anak, sa gilid ko may natutulog at sa isang gilid ko may naglalaro ng fruit ninja? Dinaig pa ako sa pagkaganda ng cellphone nya. Well kahit na di naman kausuhan ang cellphone ko, perfectly functional pa naman sya. As long as nagagawa kong macontact si Eiji – that’s all that matter.

And speaking of which, may hindi tama sa kanya kanina. He seemed low. And no, hindi ako maniniwalang dahil to sa binasa nyang horoscope sa Libre. I should know kasi may hawak din akong Libre, dala ko pagbaba sa LRT. Contrary sa sinabi nyang “baka may masakal daw sya”, his horoscope said,

“Please be careful with your heart…letchon ang handa mo.”

In general, puro mga bayarin ang diniscuss ng teacher ni Mark. Kaya pala lahat abala sa kani-kanilang mga upuan, usapang bayaran – di sila interesado. Di ko alam kung interesting ba yun para sa akin since this is the first time na inutusan ako ni mama na humalili sa katungkulan nya. Siguro sa kanya hindi. Tango lang ako kung sa akin titingin yung teacher ni Mark.

Maya-maya pa, isa-isa ng tinawag ang mga guardians ng klase nya para pumirma ng attendance at makita ang grades nang may pumukaw ng atensyon namin sa labas. May mga batang nag-aaway. Maraming ganyan nung elementary ako. Sa katunayan, suki ako dati. Sila naghahamon e.

It seems not right kung may mga bata sa labas nag-aaway tas yung mga magulang na sa loob ng classroom, mas iniintindi pa ang pagpirma kaysa sa kanila. So halos lahat sa amin lumabas. Who would not? E mukhang matunog ang pinag-aawayan nila e.

Hindi ko masyadong makita kung sino yung dalawang batang nagsusuntukan kaya tumuntong ako dun sa upuan. But only to find out si Mark ang isa. May tama sa mata. Shit. Sumiksik ako sa mga magulang na nagkukumpulan hanggang sa makarating ako sa unahan at hinila si Mark. Naawat na sila nun bago ako makarating dun. Galit na galit ako. Hindi dahil sinapak ng bata ang kapatid ko. Kung hindi dahil dito kay Mark. Di man lang ako binigyan ng kahihiyan. First PTA meeting na inatenan ko tas ganito? Anong sasabihin ko kila mama?

“Mark ano na namang ginawa mo? Bakit mo sya sinuntok?” tinuro ko yung kasuntukan nya, inaalo ng nagmumurang nanay sa pagputok ng labi ng anak.

“Gago yan kuya e!” duro ni Mark habang umiiyak.

“Mark!? Wag mag mura!?” saway ng adviser nya na di ko namalayang nasa tabi ko pala.

“E ma’am sya nanguna e.” katwiran nya.

“Gago! Ikaw unang nanapak dyan e!” sagot naman nung bata.

“Bakit ba Mark? Anong nangyari?” tanong ko, pinipilit na maging mahinahon.

“E kasi kuya yang gagong yan inaasar kayo e.”

“Ha? Sinong kayo?”

“Kayo ni Kuya Eiji! Tinatanong kasi nila Jana pati mga kaklase ko kung kaano-ano raw kita sabi ko kapatid. Tas tinanong nila kung may girlfriend ka na ba. Sabi ko si Kuya Eiji. Tas itong paepal na yan, nakisali tas sinabi, “yuck bading!” Tas namamakla ka raw. Tas yun sinuntok ko na sya.” pagpapaliwanag nya.

I’m surprised na hindi ako na-upset. More over, humanga ako dito kay Mark. He understands me. He understands Eiji. Akala ko yung sa amin ni Eiji wala lang sa kanya yun. Pero yung marinig mo at masaksihan mong handa syang makipag-away para dun – it’s, it’s more than enough.

Ang Multo sa Manhole 2 - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon