UL20

9.6K 253 27
                                    

DAP POV

Di ko maigalaw ang katawan ko sa ginagawa ni Arvin. Nagulat, nabigla at napatulala talaga ako. "Come!" hinila niya ako sa sala at pinaupo. Nagtungo ito sa may kusina at pagbalik nito may dalang first aid kit. Tumabi ito sa akin. Lahat ng ginagawa niya pinagmamasdan ko lang. Ang paglalagay ng gamot sa cotton buds, tapos dahan dahan nito ipinahid sa sugat ko. "Masakit ba?" tanong nito sa akin.

"O-okay lang!" nauutal sa ngayon. "Hay Dap ! Ano ba wag ka masyadong mataranta si Arvin lang yan! " saway niya sa sarili.

"Huwag kang mataranta kapag nasa paligid mo ako. Nahahalata katuloy," ngising sabi nito. Ano daw? Aba ang magaling na lalaking ito. Halata ba ako? Naku Dap ikaw kasi masyado kang halata na. "Yan ok na! Wag mo munang basain para di mamaga malalim kasi ang pagkakahiwa."

"Thank you!" simpleng sagot ko. Nakakatuwa ang band aid uso talaga minion character ngayon kahit sa band aid mayroon na.

"Thank you lang? Wala ba akong kiss diyan?" napatingin ko dito. Di ko maintindihan ko seryoso ba o nagbibiro. Biglang nag-init ang pisngi ko. Ramdam ko na mapula na ang mukha ko. "Hahahaha, nakakatawa ka, ang pula ng pisngi mo. Sarap mong biruin Abby!" napakunot ang noo ko sa lakas ng tawa nito. Ngayon ko lang siyang nakitang tumawa. Di naman siya singkit pero naniningit ang mata nito kapag natawa. Palibhasa kasi mahaba ang pilikmata nito na akala mo may eye liner. Ang pantay pantay na ngipin nito na pwede nang pang Close up model. Ang alam ko kinukuha itong commercial model kaso ayaw talaga nito. "Alam ko gwapo ko Abby kaya tama na yan pagtitig mo sa akin. Halika na nagugutom na ako. Gustong matikman ang luto ng misis ko." Tumayo ito at hinila ko.

Sa simple pag-aaya nito at hawak sa kamay ay talagang kinikilig siya. Napakagat labi na lang siya habang kapit nito ang kaliwang kamay ko. Nauuna ito ng kaunti sa kanya. Kaya kitang kita niya ng ang lapad ng katawan nito. Naalala niya tuloy ang nangyari sa Hongkong. Nakaramdam na naman siya ng init sa pisngi. Napapangiti siya na aalala ang nangyari. Kitang kita niya ang lapad ng balikat nito. And goshh..the abs na pwede nang lagyan ng kahit anong sandwich spread. And one more si Angry bird. "Ayiee .. pasaway ka talaga Dap kung ano ano ang nasa isip mo!" Pabulong na saway niya sa sarili.

"Abby, tama nga sina Kathy nasasalita ka na naman ng walang kausap! Umupo ka na at gutom lang yan," saad nito.

Pinaghila ako ni Arvin ng silya. Binigyan niya ko ng pagkain sa plate at pinaglagyan ng juice ng baso. "Wow, I feel na paka special ko sa kaniya ngayon," saad niya sa sarili.

Nakakatuwang isipin na we act as a husband and wife. After namin kumain nagkwentuhan kami about sa school activities, mga hobby namin, mga paboriting pagkain at kung ano ano pa. After we talk we decided to watch a movie. Napagkasunduan namin panoodin ang A Walk To Remember.

Magkatabi kami sa iisang sofa. Inihilig nito ang ulo ko sa kanyang dibdib at ang kanang kamay nito nakayakap sa waistline ko. Nasa kandungan ko ang pop corn. Sino ang di kikiligin sa tayo namin. At di lang basta amoy may yakap ba! O di ba!

"Abby.." tawag nito sa akin.

"Hmm.." simpleng sagot ko.

"If ever na magkasakit ko o may mangyari sa akin." Tumigil muna ito na parang nahihiya sa sasabihin. "A-aalagan mo ba ako?" halos di ko na marinig ang sinabi nito pero naintindihan ko ang lahat na narinig ko.

Napatingal ako sa kaniya. Nakatuon pa rin ito sa aming pinapanood. Bumalik ulit ko ng tingin sa TV. "Bakit mo na naman na itanong yan?" balik kong tanong dito.

"Wala lang! I just asking lang," ani nito.

"Oo naman aalagan kita. Asawa kita! And I promise to God di ba noong kasal natin." Wala na akong pakialam kung ano pa ang sasabihin niya. Basta ang mahalaga naiparamdam ko dito na importante siya sa akin.

Naramdaman ko na lang ang higpit na yakap ng kaniyang kanang kamay sa baywang ko. Mas lalong napalapit ang katawan namin. "Nood na tayo," anas nito. Nararamdaman ko na lang na unting unti bumabaksak ang talukap ng aking mata.

ARVIN POV

Nakatulugan na pala namin ang panood ng movie. Nakaupo pa rin kami sa sofa at nakahilig ito sa dibdib ko. Inaayos ko ang tayo nito para di mangalay. Napatingin ko sa side clock sa may side table 6 a.m. na pala ng umaga. Saturday ngayon walang pasok kaya pwede kaming mamasyal. Hinaplos ko ang pisngin nito para gumising, di naman ko nahirapan na gisingin ito.

"Sorry nakatulog na pala ako, nangalay ka ba?" kinusot kusot nito ang mata. Napatawa na lang siya di pa rin nagbabago si Abby ugali na nitong magkusot sa umaga ng mata.

"Okay lang! Gising na mag jogging tayo. Tapos punta tayo sa court laro tayo ng basketball," ani ko dito.

'Talaga?" takang tanong nito sa akin. Kahapon pa itong ganito. Alam ko naman magugulat o mabibigla siya sa pagiging sweet ko. Ito lang naman ng hiling ng asawa niya kaya pagbigyan ko.

"Sige na magbihis ka na para di tayo naabutan ng taas ng araw," ani ko dito.

"Sabi mo yan ha! Walang bawian. Wait! Talagang lalabas tayo ngayon?" paulit ulit nitong tanong sa akin.

"Oo nga ng kulit mo," pinisil ko na lang ang pisngi nito para magising.

"Aray na naman! Parang nagtatanong lang! " she pouted her lips.

Napalunok ko sa nakita ko. A simple action iba na ang nararamdaman ko. "Magbihis ka na," walang ganang sabi ko dito at tumalikod na ako.

---

"Abby, bilis ang bagal mo. Nakakadalawang ikot palang tayo pagod ka na agad?" hingal na hingal na sabi ko kay Abby.

"Ay grabe! Sa laki ng hakbang mo kesa sa hakbang ko mag-aabot nga tayong dalawa." Lalong hingal na hingal na saad nito. "Pwede ba pahinga n tayo sa gym? Kasi pagod na talaga ko , please lang!" pakiusap nito sa akin.

"Sige! Mukhang pagod ka na nga kakahabol sa akin," natawa kong sabi kasi kitang kita ko ang pagod nito sa pagtakbo.

"Tama ka Arvin pagod na pagod na kong humabol at intindihin ka!" napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Iba ang pakiramdam ko sa sinabi ni Abby. Napahawak ko sa kaliwang dibdib ko, di ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi ng asawa ko. Napansin nilang wala na pala ito sa harapan niya , na una pala ito sa loob ng gym.

Pagpasok niya sa loob kita niyang nakisalimuha ito sa mga batang nagpapratice ng saway.

"Ate Dap thank you po at na pa daan kayo dito sa gym." Sabi ng isang dalagita na nasa tingin niya nasa 11 to 13 years old ito. Napaupo na lang siya sa di kalayuan sa mga ito.

"E bakit di ninyo ako tinawagan para maturuan ko kayo ng mga dance step!" -Dap

"Naku ate baka busy kayo kaya di na po namin na isip na tawagan ka," saad ng batang lalaki.

"Kayo talaga!" ginulo ni Abby ang buhok ng batang lalaki. "So ano bang sasayawin ninyo?" patuloy at tanong ni Abby sa mga ito.

"Hip hop ate! Kasi yung boyfriend ni Ms. Fernandez na si Mr. Catapang yung scoccer trainor nahingi ng tulong sa amin na i flash mob namin yung proposal niya, para daw bongga." Saad ng batang babae na may pagka petite ang pangagatawan. 'Wait, anong sabi ng mga batang ito? Si Mr. Catapang magpoprosed kay Ms. Fernandez?" natawang bulong niya.

Lumapit siya sa mga ito. "May maitutulong ba ako sa inyo?" tanong ko sa mga ito. Si Abby na gulat na naman sa sinabi ko
Ano ba ang mali sa mga sinasabi ko.

"Talaga? Tutulong ka?" takang tanong nito sa akin.

"Oo naman wifey. Di ba dancer tayo ng school?" nakangisi kong sabi dito.

"Yehey! Si kuya pogi tuturuan tayo." Sigaw mga batang nakapaligid sa amin. At si Abby nakatingin pa rin ito sa akin na walang ka kurap kurap at nakaawang ang labi nito. Nilapitan ko ito at hinalika ng smack. "Itikom mo ang lips mo wifey baka mapasukan ng langaw."

----

A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon