UL1

29.2K 393 33
                                    

"People like to say love is unconditional, but it's not, and even if it was unconditional, it's still never free. There's always an expectation attached. They always want something in return. Like they want you to be happy or whatever and that makes you automatically responsible for their happiness because they won't be happy unless you are ... I just don't want that responsibility."

― Katja Millay, The Sea of Tranquility

--

DAP/ABBY POV

Sakay kami ngayon ng sasakyan ni Uncle Stan, we are going to our new place daw. Sa bahay lang naman nang bestfriend ng Papa slash magiging asawa ni Mama.  Kasi yon daw ang request ni Papa bago siya mamatay. I don't know the story behind kung bakit kailangang magpakasal si Mama sa bestfriend ni Papa. At ito naman si Papa, ano ba ang naisip niya. Hay! ang gulo talaga ng matatanda, magulo pa sa traffic sa EDSA na buhol buhol, katulad ng traffic na nararanasan namin ngayon.

"Princess, right now masanay ka nang tawagin akong Papa ha! Makilala mo rin ang anak kong lalaki kasing edad mo siya at alam ko na magkakasundo kayong dalawa." sulyap ni Uncle Stan sa akin. Di ko na siya pinansin, di naman sa ayaw ko siyang tawagin Papa, ayaw ko lang palitan si Papa sa puso ko. Puwede ko naman siyang tawaging Uncle lang bakit kailangan Papa pa? Hindi ako interesado sa anak niya,  basta kapag dumating na kami sa bahay nila ay iiwasan ko nalang ang anak niya.

"Princess! anong iniisip mo? Parang napalalim ah!" pansin ng kanyang Mommy.

"Nothing Ma, pagod lang po ako!" walang siglang sagot niya.

"Princess! I think you need to sleep medyo malayo pa ang biyahe natin pa Batangas.

Nasa back seat siya ng sasakyan. Iniisip niya ang magiging buhay nila ng kanyang Mommy. Kung makakasundo ba niya ang bagong asawa nito, pati narin ang anak nito. Katulad nga ng sinabi kanina ni Uncle Stan lalaki ang anak nito at kasing edad niya. Sana nga magkasundo sila, gagawin lang niya ito para sa kanyang Mama. Para sa ikakaligaya ng Papa niya sa heaven at ramdam naman niya magkasundo sila ni Uncle Stan. Sana lang wag mangyari yung mga napapanood niya sa TV, o kaya yung sa movies na mga Step mother and step daugther.  Sa akin baliktad naman ang sitwasyon, I have a step father and a step brother. Sana huwag nila kaming apihin ng Mama ko, dahil kahit maliit lang ako hindi ko sila uurungan. Gagawin ko ang lahat para maipagtanggol ko ang Mama ko sa kanila, ganoon ko kamahal si Mama.

Nakatulugan na niya ang pag-iisip. Naramdaman na lang niya na may gumigising na sa kanya at parang mababahing na siya. Di na niya napigilan mapabahing. 

"Ano ba yan talsik ang laway mo!" naiiritang sabi ng batang lalaki sa kanyang harapan na kulang na lang mahalikan siya nito. Eyes to eyes, nose to nose, lips to lips, yun ang naging eksena nila ng batang lalaki. At pakiramdam niya hahalikan siya nito. Di na siya inosente para di niya maramdaman iyon, hello Earth! ten years old na ako may crush na nga eh! "Hoy! Prinsesang talsik ang laway! tinatawag ka na nina Papa at Mama mo. Ang tagal mong gumising alam mo bang kanina pa kitang ginigising, tulog mantika ka pala. Kung di pa kita ginamitan nito, di ka pa magigising," ipinakita nito ang ginamit para magising siya, isang chicken feather. Pakshetttt !!! talaga! Sabay talikod at naglakad patungo sa main entrance ng mansyon.

Buwisit at antipaliko na batang yun, talsik daw ang laway ko kung di dahil sa kanya di ako mababahing. Mukhang di kami magkakasundo ng asungot nayun ah?! Sumunod naman siya kung saan ito patungo. Nakita niya ang kanyang Mama na ipinakikilala sa mga kasambay.

"Halika dito princess ipapakilala rin kita sa kanila," tawag sa kanya ng asawa ng kanyang Mama. Lumapit siya dito at iniharap sa mga taong nandoon. "I just I want you to meet Daphane Abigail, kung anong ipinakikita ninyong respeto kay Arvin sana ganon din ang ipakita ninyo sa kanya. Anak siya ng Ma'am Elaine ninyo sa bestfriend kong si Luke," pagpapakilala ng Uncle Stan niya sa kanya. "And you little man, this is your new sister sana magturingan kayong magkaibigan o mas maganda magkapatid, " sabi nito sa batang lalaki.

Lumapit sa kanya ang batang lalaki at binulungan siya nito. "Welcome to hell my dear little sister!"

Namutla siya sa sinabi nito at pakiramdam niya ay di maganda ang magiging pagtira niya dito sa mansyon ng amahin, lalo na at makakasama niya ang anak nito na na nagngangalang Arvin.

Kinabukasan ginawa na niya ang kanyang morning routine. Paglabas niya sa kanyang kuwarto na pansin niya ang paglabas ni Arvin sa kuwarto nito. Magkatapat lang kasi ang kuwarto nilang dalawa.

"Morning little sister, masarap ba ang tulog mo? Di ba nagpakita sa'yo si Mary?Alam mo ba ang kuwento bago naipamana sa Papa ko itong mansiyon? May namatay daw diyan sa kuwartong yan actually nagpakamatay daw. Kung di ako nagkakamali tiyahan siya ni grandma. Sa sobrang depression sa pakikipaghiwalay ng kanyang boyfriend, ayun nagpakamatay daw?! Kaya kapag may narinig kang mga ungol mamayang hatinggabi magtabon ka na ng unan mo sa ulo mo. Kaya nga nagpalipat ako ng room dahil may naririnig akong iyak palagi diyan eh. Kaya be careful my sister," nakangising kuwento nito.

"You are not my brother and I'm not your sister! So please, stop calling me little sister because same age lang tayo, duh!" pagmamataray niya rito.

"At saan mo naman nakuha yang  kuwento mo na yan?! Talk to your self, Ok?! Kung ayaw mo sa akin ayaw ko din sa'yo. Pareho lang tayo ng nararamdaman para sa isat-isa, kaya pwede pa huwag kang pahara hara sa dinaraanan ko." Atrimitidang sagot niya, sabay irap.

"Ok! Let's start the game! So beware Abby!!" pagbabantang sabi nito sa kanya.

Tumalikod na siya para puntahan niya ang kanyang Mama sa dinning area. Ang ganda ng gising niya kaso na bungaran ng isang malaking asungot. Tama asungot, buwisit, mayabang at mahangin. Takutin ba naman siya na may multo sa kwarto ko. Akala niya matatakot niya ako sa mga kinukuwento niya, NO WAY! Lalong di ako magpapatalo sa kanya. Ok let's start the game, tseee! mukha niyang. Sige gusto niya ng gulo I will give him a war, kahit WW3 pa kung gusto niya! Humanda siya. Magsisimula na ako ngayon palang, bwahahahahaha *with evil laugh*.

--






A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon