Kinuha nya ang kamay ko and intertwined it with hers. At sumandal sa balikat ko.

"Savy" malambing kong tawag sa pangalan niya which she just answered with "hmmm" to tell me she's listening

"Para kang may sariling spot light kapag lumalakad ka sa stage. Ikaw yung pinaka magaling mag model" puri ko sa kanya and she chuckled na parang may nakakatawa sa sinabi ko

"Sinasabi mo lang yan kasi ikaw yan. Baliw talaga" sabi pa nito

I'm just being honest naman.

Natahimik kaming dalawa, I close my eyes feeling the warmth that Savy is giving me.

"Jho" tawag niya sakin, umalis na ito sa pagkakasandal sa balikat ko kaya napatingin ako dito

"Stop attending my events" Nakatingin lang ako sa kanya nung sinabi niya yon. Pero hinigpitan nya lang ang hawak sa kamay ko. My heart beats so loud.

Mas kinabahan ako when tears started to form on her eyes again.

"Stop coming here Jho" parang nabibingi ako sa mga salitang binibitawan niya.

"Sav..." Magsasalita pa sana ako when she raised her hand. Kaya napatigil ako.

Bumitaw na din siya sa pagkakahawak sa kamay ko, that broke my heart.

Nag iwas sya ng tingin sakin. She's now looking on the city lights that's in front of us. Samantalang akoy nakatingin lang sa kanya.

"Nung sinabi mong mag stay ako dito, at tuparin ko yung pangarap ko. Nakinig ako Jho, kahit alam kong mahihirapan ako, tayo" pinunasan nya ang luha nya na tuluyan ng kumawala sa mga mata niya

"Pero bakit di mo ako magawang pakinggan.Sabi ko sayo, alagaan mo ang sarili mo. Sinabi mong kaya mo. Pero bakit mas lalo kang namamayat. Mas lalo kang mukhang pagod na pagod. This is what I'm afraid of. " Sabi pa nito

I have nothing to say. Kumakain naman ako ng maayos. Yung tulog lang ang hindi ko kayang gawin ng tama.

Seeing her cry out of concern for me, is breaking my heart. Pinapaiyak ko na naman ang Prinsesa ko.

"Anong tingin mo sa Japan at France? parang Makati at Taguig lang?" She finally looked at me. "Hindi ganon Jho. Ang tagal ng byahe mo, tapos ilang oras ka lang titigil dito? 4?"

If I could stay here with you for as much as I want. You know that I will Savy.

"Jho naman" iyak nya

Niyakap ko sya. Iyon lang ang naiisip kong paraan para pakalmahin sya. Am I stressing her out? Am I making her worry this much.

"Masyado na bang mabigat Love?" I asked her na mas lalong ikinaiyak niya

"Should we stop here?" Masakit. Sobrang sakit. Ang bigat sa dibdib. Pero hindi ako dapat maging mahina ngayon. Kasi mas lalo ko lang syang masasaktan.

Bumitaw sya sa yakap. At hinawakan ang mukha ko.

"Ikaw muna Jho. Please, yung health mo. Don't make me regret choosing Paris over you. Kasi malapit ko ng pagsisihan to. Seeing you looking like that makes me regret agreeing on your decision" sabi nito

Tama sya. Ako ang nagdesisyon ng lahat ng ito. Pero ako yung mas nagpapahirap ng sitwasyon. Sorry Savy. Naging selfish na naman ako. Coming here was my choice. It's you who give me strength. It's always been you.

"Mahal kita, mahal na mahal kita Jho" sabi ni Savy

Alam ko. Alam ko Savy. Ramdam ko naman. Palagi mong pinaparamdam.

"Are we breaking up?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan yung luha nya.

And she nodded making my heart shattered into pieces.

But I managed to give her a smile

"Mahal kita. I'm sorry Savy. For making things more complicated" This is the result of my selfish decisions I guess.

"Wag ka na mag alala. I'll do better. Wag mo na akong isipin, hmmm. Kapag.. kapag dumating yung time na okay na ko. Babalik ako"

"But don't wait for me. Kapag.. kapag may nakilala kang mas better sakin Savy. Okay lang ha... Just think about yourself this time" sabi ko pa dito

Ayoko, ayokong may makilala syang iba. Si Savy na yan e. Pero sino ba ako para pigilan sya.

"Salamat Love" tumayo ako at hinila sya patayo so I could hug her fully

We ended up crying again.

"I'm sorry If I decided for us, please don't regret it Savy. You're doing great. I'm so proud of you" sabi ko dito

Please Jho. Keep in mind. Si Savy, put yourself on her shoes. So she won't get hurt on your actions. Tama na yung sakit na binigay mo sa kanya. She's done enough for you.

She wants you to take care of yourself. Yun muna sa ngayon. Yun ang priority.

SAVY

Ending things was never easy. Letting her go wasn't part of the plan. Wala akong planong bitawan si Jho. Pero sa dalawang beses ko syang nakitang halos namamayat na, yung dark circles sa mata nya na parang araw araw na kulang sa tulog. I wonder if it's my fault. Kasi hinihintay nya ako palagi.

Matigas din ulo nito e, kaya nga magkasundo kami. But she listens to me. Hindi ko lang alam kung bakit ngayon, hindi nya ako pinapakinggan.

Her initiating the break up, hindi yun ang inexpect ko, I'm expecting her to say no, I expect her to cry her eyes out just to keep me. Pero baka, baka naiparamdam ko din sa kanya na nahihirapan na ako. At alam kong ayaw nyang ako ang bumitaw, dahil I might end up regretting it. Alam nyang pagsisisihan ko kung ako ang makikipaghiwalay.

Kapag nakikita ko syang nakatayo sa labas ng event, she looks so tired. But the moment her eyes land on me, I don't know pero lumiliwanag yung mukha niya.

Pero imbes na maging masaya ako na nandito sya, na makakasama ko sya. It's the guilt that's been consuming me. Alam ko ang kapalit ng pag punta nya dito, patong patong na trabaho. Ni hindi na nga sya makauwi sa condo nya e.

"Mahal kita" i heard her whispered to me bago ko naramdaman ang paglapat ng labi niya sa noo ko. And I heard the door closed, a sign that she already left the room.

I'm sorry Jho.

---

JHO

I'm riding my plane with my shades on. Namamaga pa ang mata ko mula sa pag iyak kanina.

Hinintay ko lang makatulog si Savy bago umalis sa condo niya. Naabutan ako ng Mom nya. Na parang alam na kung anong nangyari.

Ibinilin ko sya sa Mommy nya bago ako tuluyang magpaalam sa kanila.

Ni hindi ko na alam kung ano pang gagawin sa buhay ko ngayon.

But I hate it when Savy cry for me.

When will this end. When will I get my life back? Can I still find my way back home?

---
The answer

🥲

Mo-odeal
limbooo_26

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCeyOnde histórias criam vida. Descubra agora