Chapter 7: Part 2

1.8K 19 7
  • Dedicated kay Gracia Elizabetta Mendoza :]]
                                    

Elai's POV

Pumasok kami ni Ian sa isang kainan malapit dun sa park. Pero kakapsok pa lang namin parang gulat na gulat na sya na nakita nya.

Eh ano naman kaya 'yun?

"Ian? Ayos ka lang?" Tanong ko pero nakatingin pa rin sya sa isang babae na may kasamang bata... anak siguro.

"Ma?" Sabi nya. Tapos lumingon yung babae na may kasamang bata.

"Von!"

HUH?! Magkakilala sila?

"Ano 'to? Di ko na naiintindihan!" sabi ko.

"Anak... sino sya?"

Ha? Anak? Wag mong sabihing.... mag-ina sila? Akala ko ba yung parents nya palaging nasa iba't-ibang bansa for business. Tapos... yung... bata? Eto yung younger sister nya? Ahh... kamukha nya!

"Ma? A-anong gi--gina--gawa mo? Di ba nasa Dubai ka ngayon?" So... Mama nga nya.

"Umuwi muna kami... etong si Gracia eh! Gusto ka daw makita. Nandun naman si Gerald at ang Dad mo eh."

"Ahh. Nga pala... Ma, si Cleinne nga pala fr--"

"Girlfriend mo? Sa wakas!" HA? Masyado namang magaling mag-coconclude ang mom nya.

"Ma... kaibigan ko lang po." WHOO. Buti na lang at nandyan ka!

"Ahh. Ganon? Hello Cleinne!" bati nung mom nya sa'kin. Babatiin ko na sana kaso biglang nagsalita si Ian.

"Ma... call her Elaissa. Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng Cleinne!" Ayy ganon? Sige-sige... tutal special naman sya... Special Friend!

"Oh... Hello Elaissa."

"Hi po. Elai nalang po. Masyado pong mahaba eh." tapos nag-smile ako.

"Ahh ganun. Sige. Eto nga pala si Gracia... pero Cia-Cia na lang tawag mo." Ayy ang ganda naman nitong si Cia-Cia.

"Hello, Ate Pretty!" Ayy... Ate Pretty daw?! Hahaha.

"Ahh... Hi Cia-cia!" tapos nag-smile lang sya.

"Ma... una na po kami ni Cleinne... punta na lang po ako bukas after school sa bahay nyo."

HA? Mag-kaiba pa sila ng bahay? WAAH. Rich kid.

"Sige. Gusto mo ako na lang pumunta sa bahay mo?" OO nga! Magkaiba pa!

"Hindi na. Wag kang pupunta dun ha!"

"Oo na po. Sige alis na kami." sabi nung Mom nys tapos nag-wave.

"Bye Von na kuya ko! Bye Ate Pretty!" sabi naman ni Gracia tapos nag-wave sa'min ni Von.

"Hahaha. Babye. Be good ha!" sabi ni Von.

"Opo! Alagaan mo si Ate Pretty!"

"Opo!!!"

Ang cute nila. Tapos umalis na sila.

"Sorry sa abala ha. Napurnada pa pag-kain natin eh. Tara na nga." tapos ginulo-gulo pa nya ang buhok ko.

I am not CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon