Chapter 2: Part 2

2.3K 31 4
                                    

Chloe's POV

OMG. Nandito pa rin kami sa harap ng bulletin board. Dumbfounded pa rin 'tong si Elai eh. Try mo kayang maging classmate ex mo! Hay. Even me, di ko din gustong maging classmate namin si Gelo. Ano pa ba magagawa namin?! WALA NA! Asar naman yung nag-ayos ng sections e! Tsss.

"Erl, Chloe... rrr--room na ta--tay--o." --Elai

"Ahh, sige?" sagot ni Erl. Medyo parang nag-aalinlangan pa. 'Di na din ako sumagot. I have nothing to say naman e.

So, ayun nga. Tahimik kami naglakad papunta sa room. Hayyy nakoo! Pagbukas namin ng pinto, nagtinginan ang lahat. Nandun na si Gelo. Umiwas sya ng tingin.

"Upo na tayo. Tabi- tabi muna tayo, aayusin din naman mamaya ang arrangement,"

Dito kasi sa'min, advisers ang nag-aayos nang seating eh. Pero for the mean time, kami muna magkakatabi. Super tahimik sa room. Walang umiimik... pero, for sure, kami nasa isip ng mga 'yan. Nakatingin kasi sila eh.

*******************************************

Elaissa's POV

Haay... nagkakamalas-malas na naman oh! Maging classmate ba si Ex. Di ko pa kaya eh. Sa totoo lang mahal ko pa kasi sya. Maling- mali 'to, pero di ko mapigilan.

"Class, settle down. We're about to start," ayan. Eto na si Sir. "Ako si Sir Villanueva."

Sige, Sir, daldal lang. I'm not even listening.

"Okay. Para sa information nang lahat, napagdesisyunan ng 4th Year's Faculty na gawing 'Alphabetical Girl- Boy'  ang seating arrangement."

Oww. Grabe naman yun. That mean... magkakalayo kami nina Chloe and Erl,  since Mercado ako, Ramos si Chloe at Aranda si Erl. Tsk.

"So, I decided na magkaroon ng three columns per pair and 5 rows, ayos lang ba sa inyo?" -- Sir V.

"Yes," sagot nang lahat. Syempre pati ako sumagot!

Edi ayun nag-start ng mag-ayos ng seating. Hintay lang na tawagin...

"Ms. Mercado, first seat on the 3rd row, please." edi naupo na ako. Nasa gilid ako ng wall. Ayos na din. Wala namang problem sa'kin ang arrangement eh.

"Mr. Angelo Navarro... beside Ms. Mercado."

WHAT?! Do you mean... katabi ko si Gelo?! NO!

"But, Sir!?" sabi ko. Di 'to pwede noh!

"Any problem?" tapos pinandilatan ako ng mata. Tsss!

"None."

"Okay."

Grabe! Anong 'none'? Naman oh! Tumabi na sa'kin si Gelo. Iwasan kami ng tingin. Pero lahat ng classmates namin nakatingin sa'min. Malas na nga!

Pa'no na 'to! Eh lagi pa namang magka-partner sa pair works ang seatmates! Poor Elaissa Cleinne.

I am not CinderellaWhere stories live. Discover now