Chapter 3

3.7K 43 8
                                        

Coach Ramil: Mika, paulit ulit. Paulit ulit! Mahirap ba talaga makuha yung pinapagawa ko sayo? 

Mika: Sorry, coach. Sorry po talaga. 

Coach Ramil: Ang laki laki ng tiwalang binibigay ko sa'yo. Sana naman masuklian mo. 

Mika: Pagbubutihan ko pa po, coach.

Coach Ramil: Dapat lang. Kung gusto mo nang matigil yung mga sinasabi ng mga tao na puro ka lang pa-cute at walang lakas pumalo, dapat lang. Ara, halika dito.

Ara: Yes coach? 

Coach Ramil: Special assignment mo si Mika. Buong buwan, mag-schedule kayo ng special training na kayong dalawa lang. Turuan mo pano mabigatan yung palo, okay? 

Ara: Coach, bakit hindi na lang po si Ate Aby? Mas kaya niya po magturo ng middle attack.

Coach Ramil: Busy si Aby magturo sa mga rookies. Kaya na ni Mika lumugar sa gitna, ang wala lang talaga sa kanya yung lakas at talas. 

Ara: Sige po, coach. 

Coach Ramil: Bukas na kayo mag-umpisa. Magtulungan na muna kayong dalawa sa blocking. 

Nag-umpisa na ang dalawa sa blocking training routine. Ilang na ilang sa isa't isa ngunit hindi masyadong pinapahalata sa takot na mapagalitan na naman ni Coach Ramil. Habang pumapalo'y napansin ni Mika ang mga mali sa ginagawang blocking ni Ara.

Mika: Daks-- este, Ara, wag mong itaas lang. Lagyan mo ng angle at siguraduhin mo na di gagamitin na pang-check ball yung kamay mo. Pakita ko sayo. Tingnan mo ah. Sige, tira. 

Pagkatira ni Ara ay sakto sa mukha ni Mika tumama at napatumba ito sa sakit. Madalian siyang nilapitan ng lahat. 

Ara: Sorry! Sorry! Sorry! Sorry, Mika! Di ko sinasadya! 

Hindi sumagot si Mika at dun lamang napansin ng lahat na nawalan na pala ng malay ito. 

Ara: Mika? Mika! Guys, patawag naman ng medic. Mika! 

Agad namang dumating ang medic at dinala si Mika sa clinic para maalagaan. Labis ang pagaalala ng buong team ngunit si Ara ang pinakaapektado. Umuwi na ang lahat pero nagpaiwan lang si Ara para mabantayan si Mika.

Nurse: Hija, wag ka na masyadong mag-alala. Your friend's fine. Nawalan lang siya ng tamang oxygen nung tumama yung bola sa mukha niya kaya na-unconscious. Gigising na din siya soon.

Ara: Ako po kasi may kasalanan eh. Nakaka-guilty. 

Nurse: Hay. Don't be so hard on yourself. Accidents happen. Sige. Iiwan na muna kita dito para makapagpahinga ka.

Lumabas na ang nurse at naiwan si Ara para bantayan si Mika. Nakaupo lang siya ng tahimik sa tabi ng kama. Kitang kita ang lumalaking bukol sa may mata ni Mika. Kahit anong sabi ng nurse ay di pa rin mawala ang guilt na nararamdaman niya. 

Hindi mapigilan ni Ara ang sarili niya na mamangha sa kagandahan ni Mika. Unang pagkikita pa lang nila'y hindi na niya maalis sa isip na siya ang pinakamagandang babae na nakilala niya buong buhay niya. 

Mika: *nanghihina* Mmm... Nasan ako?

Ara: *nagaalala* Nasa clinic. 

Mika: *nagulat* Ara? Ano nangyari sakin? 

Ara: *nahihiya* Uh. Eh kasi... Kasalanan ko... Sabi mo kasi na ispike ko, naderetso ko sa mukha mo tapos yun...

Mika: Nahimatay ako? My gulay nakakahiya! 

Ara: Nahimatay ka na may gana ka pang maging ma-pride. Kahit kailan talaga...

Mika: Nakakahiya naman talaga mahimatay sa harap ng buong team dahil lang sa bola no.

Ara: *pabiro* Hindi, Mika. Mataas lang talaga pride mo.

Mika: *seryoso* Ara, naubos lahat ng pride ko nung umamin ako sa'yo.

Natahimik ang dalawa. Nagulat, maging si Mika, sa mga salitang binitawan niya.

Ara: Ano pa bang dapat kong gawin, Miks? Nasabi ko na lahat.

Mika: Sana ganun lang kadali yun, Vic. Sana sa tuwing naririnig ko lahat ng mga pagpapatawad mo'y napapatawad ko na ang sarili ko... Pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya.

Ara: Mika, malayong malayo ang mararating mo. Hindi ako ang nararapat sa'yo.

Mika: Pero ikaw ang gusto ko. Ikaw ang sinisigaw nito *turo sa ulo*... Lalong lalo na nito *turo sa puso*...

Muli'y napatahimik na lang ang dalawa ngunit pareho na silang naluluha. 

Ara: Mababalik pa ba ang dati? Matatawag ba ulit kitang best friend? 

Mika: To ask me to move on is one thing, but to ask me to act as if walang nangyari... That's too much. Hindi ako ganun kalakas para kayanin yun. 

Ara: Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa’yo. Pero sana… Sana lang talaga alam mong hindi lang ikaw ang nahihirapan dito. Sana alam mong hirap na hirap akong makita na nagkakaganyan ka, nagkakaganito tayo. Gustohin ko man ibalik dati, masyado na akong selfish kung hingin ko yun. Miks, sana lumigaya ka kasi mas deserving kang sumaya kesa sakin.

Mika: Sana nga, Ara. Sana masaya ka sa piling niya. 

- - - - - - - 

Author's Note: Thank you ulit sa mga nakabasa na ng first three chapters. Weee! Again, this chapter has to reach 50 reads bago ako magupdate. Para naman may motivation ako. Hehe Pasensya na rin kung masyadong maiksi to. Don't worry. Babawi ako sa next chapters. 

Please help me promote, okay? :) And sana po naeenjoy niyo to. Mahirap maimagine na nasasaktan ang dalawa pero keribels kilig naman diba? 

What IfWhere stories live. Discover now