Sa dorm...
Nakahiga lang si Mika sa kama niya. Walang gana gumalaw. Napagod na rin siya sa kakaisip at kakaiyak. Wala rin naman mababago sa sitwasyon niya kung iiyak niya lahat ng tubig na nasa katawan niya. Hindi naman na magbabago yung nararamdaman niya para kay Ara. At hindi rin mababago ang nararamdaman ni Ara para kay Cath.
*knock knock knock*
Mika: Sino yan?
"Si Cienne."
Mika: Pasok.
Cienne: Miks, nagpadeliver kami ng Jollibee. Sabay ka na samin?
Mika: Wala akong gana, Cienne. Mauna na lang kayo.
Cienne: Ye, may problema ba?
Mika: Wala...
Cienne: Yeye, kaibigan mo ko. You can tell me anything.
Mika: Ayoko nang pag-usapan, Cienne. I'm sorry. Hindi naman sa di kita pinapagkatiwalaan. It's just too hard for me to keep thinking about it.
Cienne: Kain ka na. Sige na, please?
Mika: Sige na nga. Kakain na.
Cienne: Yeyyyy! Talagang di mo ko matiis no?
Mika: Oo na lang, Cienne. Hahaha
Cienne: At napatawa din kita! Two points for Cienne!
Mika: Tama na. Magbabago na isip ko sige ka.
*Lumabas na ang dalawa sa kwarto't naglakad papuntang dining area.
Cienne: Ito naman. First day na first day kasi nage-emote ka kaagad!!
Mika: Di mo lang alam, Cienne. Parang in-acido yung puso ko sabay sinagasaan ng trak.
Cienne: Eh ano na nga kasi nangyari sayo?
Camille: Oo nga, Miks. Ano nangyari sayo? Sa inyo ni Vic?
Mika: Lumabas ako ng kwarto para kumain ba't parang nasa presinto ako?
Camille: Naman. Bawal secrets.
Mika: Pahingi muna ako ng spaghetti at burger steak na yan. Tsaka ako magkkwento.
Kim: Ito na po, madam. Ikwento mo na sa kanila.
Mika: Kakain lang muna ako.
Camille: Naman!!
Cienne: Ang daya mo!!
Kim: Umamin si Ye kay Vic!
Halos madura ni Mika ang pagkain sa lamesa. Ang kambal naman ay gulat na gulat din na naiwang nakabukas ang mga bibig nila.
Mika: Kim naman eh!
Kim: Pa-suspense ka kasi. Nakakainip.
Cienne: Umamin ka kay Vic?!?!?
Camille: Umamin ka kay Vic?!?!?
Mika: Hindi. Kay Coach Ramil ako umamin. Hindi ko napigil emotions ko mga ate.
Cienne: Hindi nga??
Mika: Oo kay Vic! Jusko. Aanhin ko si Coach Ramil? *natatawa sa mga kaibigan*
Camille: What happened? Ba't awkward??
Mika: Cath happened. Nagkabalikan sila right before our trip to China.
Cienne: Arayyyy.
Camille: Ouch nga. Ouch.
Mika: Yup. Aray talaga.
Cienne: Eh teka. That's all she said? Na sila? Walang reaction?
Mika: Nagulat siya. Ayaw pa nga niya maniwala nung una eh. Tapos nag-sorry siya.
Camille: Kasi...?
Mika: Cause I was too late na daw.
Cienne: Too late? Too late?? Ibig sabihin...
Kim: Ibig sabihin kung umamin ka nang mas maaga ay baka nagffiesta kayo dito!
Mika: Hindi siguro yun ibig sabihin niya.
Kim: Eh ano? Late saan? Sa training? Kaya hindi ka niya magustuhan?
Natawa ang kambal.
Mika: Ayoko nang mag-assume. Wala din namang point. Kung may naramdaman siya o wala, pointless kasi may iba na siyang pinili.
Biglang bumukas ang pinto at nandun si Ara, dala dala ang gamit.
Kim: Vic! Halika na. Tulungan na kita dalin yan sa taas. Ay! Oo nga pala, Ye, Vic. Nasira yung isang kama sa kwarto ko so Vic, dun ka na lang muna sa kwarto ni Mika hanggang sa maayos. Okay lang ba sa inyo?
Mika: Ako na lang tutulong sa gamit mo. Tutal ako naman roommate.
Ara: Hindi na, Mika.
Mika: Okay lang. Akin na.
Hindi maintindihan nina Kim, Camille at Cienne kung dapat ba silang kiligin o mailang sa mga nangyayari. Naaawa din ang tatlo kay Mika. Alam nila kung ano ang nararamdaman niya para kay Ara.
Sa kwarto...
Mika: Pasensya na. Di ko pa naaayos yung kwarto pati gamit ko. Ito na kama mo, mas malambot. Lilipat na lang ako dito sa kabila.
Ara: Hindi na, Mika. Okay lang ako kahit saan.
Mika: Wag ka mag-alala. Kaya ko ang matigas na kama. Akin na yung mga damit mo. Tulungan na kita mag-ayos.
Kinuha ni Mika ang mga bag ni Ara at isa isang nilagay ang mga gamit sa loob ng cabinet. Pilit na pinapatigil ni Ara si Mika pero hindi niya ito pinapansin. Sa tigas ng ulo ni Mika'y napaupo na lang si Ara sa kama at pinabayaan siya.
Ara: Kamusta ka, Miks?
Mika: Tao pa din.
Ara: Miks, yung totoo.
Mika: Tao pa din ako. Totoo yun. Mukha ba akong nagsisinungaling? Haha Ito na ba lahat?
Ara: Oo. Yan lang dinala ko.
Mika: Sige. Iwanan na muna kita dito para makapag-pahinga ka. May pagkain sa labas, sumali ka na lang samin kung nagugutom ka.
Bago makalabas ng pinto ay nilapitan ni Ara si Mika na nalito sa nangyayari. Hinila ni Ara si Mika at niyakap siya nang mahigpit. Si Mika'y napatigil sa gulat at hindi naka-react.
Ara: I'm sorry. I'm really really sorry.
Mika: Okay lang ako, Ara.
Ara: Hindi. Hindi okay. Kitang kita ko. Ramdam na ramdam ko. Hindi okay. Masama akong tao.
Tinulak ni Mika ang sarili niya papalayo kay Ara. Hindi niya kayang mayakap ng isang taong alam niya'y hindi kanya.
Mika: Ara, unang una, hindi ka masamang tao. Pangalawa, imposibleng maramdaman mo lahat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko. Sige na. Mauna na ako.
Ara: Mika...
Bago pa makapagsalita si Ara ay lumabas na si Mika ng kwarto dahil naguumpisa na naman siya sa pagluha. Noong una'y pinipigilan pa niya ang pag-iyak ngunit pagdating sa harap nina Cienne ay hindi na niya kinaya.
Camille: Mika... Ano nangyari?
Mika: *huminga ng malalim para pigilan ang sarili sa pag-iyak* Wala. Wala.
Cienne: Trade muna tayo ng kama, gusto mo?
Mika: De, wag na. Okay lang.
Kim: Ano balak mo? Di mo na siya kakausapin ever?
Mika: Kinakausap ko naman eh. Mahirap at masakit pero kakayanin. Kaya nga lang...
Camille: Ano?
Mika: Kaya nga lang... Hindi na yata kami magiging best friends uli. Malabo nang mangyari yun.
Kim: Eh hindi naman mapipilit kung di talaga pwede eh.
Mika: Aanga anga kasi ako eh. May "perfect moment perfect moment" pa akong nalalaman. Dapat tinikom ko na lang bibig ko. Daldal daldal ko kasi. Uuugh.
Cienne: I-describe mo nga yung perfect moment na pinagsasasabi mo.
Kim: Daig pa daw ang Kimerald sabi niya. Hahaha
Mika: Totoo naman kasi!! Lumabas kami ng hotel tapos dumeretso kami dun sa park sa labas. Magkahawak lang kami ng kamay the entire time. Tapos nagreklamo ako na masakit na paa ko so binuhat na lang niya ako. Tapos nung nakarating na kami sa park, nagtitigan lang kami. Parang timang na nakaupo sa swing, nakatitig lang kami sa isa't isa. Tapos bigla niyang sinabi "Ye, walang biro tong sasabihin ko ah. Ang ganda ganda mo."
Kim: Charot!! Ang haba ng buhok ni Yeye! Bet. Halos tumambling ka na nun no?
Mika: Naman!
Camille: O ano sinabi mo?
Mika: Natawa ako syempre. Pa-demure muna ako. Tapos sabi ko "Vic, ito din walang biro. Gusto kita."
Sa puntong iyon ay hindi kinaya ng tatlo ang sarili nila. Napatili, napalundag, napahampas sa sobrang kilig. Si Kim ay nagtatakbo paikot ng sala sa sobrang kilig, si Camille naman ay bugbog sarado sa mga hampas ni Cienne.
Mika: Ang ingay niyo.
Cienne: Eh kasi naman! Sakto nga yung sinabi mo. Dinaig niyo pa si Kim at Gerald. Si John Lloyd at Bea. Si Dawn at si Richard!
Mika: Lahat sila di nagkatuluyan.
Kim: *napatigil sa paghihiyaw* Ayun lang.
Mika: O siya. Tama na. Masyado niyo na akong pinagffiestahan. Maaga pa training bukas. Good night, friends.
Camille: Night, Miks.
Cienne: Sleep well.
Kim: Pigilan ang sarili! Jooooke!
Bago pumasok si Mika ng kwarto'y narinig niyang may kausap si Ara sa cellphone.
Ara: Ang kulit kulit mo. Ilang oras pa lang tayo nagkakahiwalay, kung ano ano nang nangyari sayo.
Ara: Ahahaha. O sige na. Maaga pa ako bukas. Goodnight, Cath.
Nang mawala na ang boses ni Ara ay pumasok na si Mika sa kwarto.
Ara: I love you too, babe.
Napatigil si Mika dahil sa narinig. Dumeretso na lamang siya sa kama niya. Ngunit kahit anong pilit niya sa sarili na matulog ay nanatili lang siyang gising buong gabi't tahimik na lumuluha.
- - - - - -
Author's Note: Thank you sa lahat ng mga nagbasa ng first two chapters. Ahihi All updates will be done kapag nakaabot na sa 50 reads ang bawat chapter na ippost ko so sana matulungan niyo ako ipromote ang story ko. Pagpasensyahan niyo na nga pala kung may pagka-conyo yung ibang salita. English kasi talaga ang writing practice ko pero dahil sa KaRa ay medyo tinatry ko na lang best ko para sa tagalog. Ahihi
Enjoy the rest of the story and again, please help me promote the story. :)
