"Silver, I want a pink gem stone, not too big sana" sabi ko sa kanya

Cora smiled at me.

"Okay, Copy Boss. send ko na lang through email yung mahahanap ko. I'll go na" sabi niya

"Thanks Cora" and she exit the room

---

Anniversary Day

The meeting went well, kaya good mood akong bumalik sa opisina ko. Ilang minuto pa ay kumatok si Carol sa pintuan ko kaya pinapasok ko sya.

May dala itong isang paper bag na itim. Alam ko na agad kung ano yung bagay na iyon.

"You're free na Boss, you can go na. Goodluck" sabi nito ng ilapag ang paper bag sa lamesa ko

I smiled at her. 

"Thanks Carol" Sabi ko bago niligpit ang gamit ko

Sumakay ako sa kotse at nagpunta sa isang flower shop. I've been thinking all day kung pano ko sya isusurprise. But I don't really have time to prepare an extravagant one. I'll buy her flowers and wine so we could celebrate. And I'm planning to propose later, If I have the chance.

Arranging the flowers I personally pick doesn't take too long. Kinakabahan ako habang nag dadrive. If she says no, I'll probably understand. And I'm willing to wait naman until she says yes.

As I enter my condo. She was nowhere to be found. Inilapag ko yung binili ko sa table. When I heard voices coming from our bedroom. 

"Anak, stop rejecting the offers from big agencies. You've been doing that for almost two months already" I heard someone talk through her phone

"Mom, I told you. Hindi pa ako ready. Hindi ko pa kaya... si Jho" sabi ni Savy

Nakatalikod sa pintuan si Savy at nakaharap sa bintana. Nakalagay ang isang kamay sa waist.

"Anak, Jho will understand" sabi pa ni Tita kay Savy

"Mom"

"Anak, pag isipan mo please. Alam kong sure na sure ka na sa kanya. Pero hindi natin alam ang mangyayari sa future. Paano pag bigla syang nawala, paano kapag hindi pala sya sure sayo katulad ng pagiging sigurado mo sa kanya..."

Napahigpit ang hawak ko sa isang maliit na box na nasa bulsa ko. Bumibigat ang bawat paghinga. Sure ako sa kanya Tita. Sobrang sure po ako sa anak nyo.

"Mahal ko si Jho na parang anak ko na anak. Gusto ko ding kayo na. Pero... Paano ka? Paano yung pangarap mo? Hindi ba ito yung dream mo?" I saw how Savy held her head na parang sumasakit ang ulo nya sa naririnig kay Tita

"Mom, naiintindihan ko naman ang point mo. But, but let me think okay. Tatawag po ulit ako" sabi nito

"Okay anak. Pag isipan mo ng maayos ha. This is a very rare opportunity" sabi pa ni Tita bago nag end yung tawag

Kinuha ko yung dala ko kanina and I stepped out of my condo. At sumandal sa pader malapit sa pintuan.

Ang bigat. Sobrang bigat naman. Savy, all this time has been sacrificing a lot of things so she could stay with me.

Bakit hindi ko naisip to. Bakit hindi ko naisip na may sarili ding pangarap si Savy para sa sarili niya. I'm her fan girl ever since. At alam na alam ko. Paris is her dream. Yung makalakad sa runway sa Paris. Yung makilala sya not only in the Philippines pero sa ibat-ibang bansa. She even told me, that's her stepping stone para maging isang sikat na designer.

Gosh Jho.

I stayed there for minutes to calm myself. I even practice smiling so she wouldn't notice that there's something wrong with me. It was supposed to be a fun day.

Nung kumalma na ako. I entered my condo again and shout her name.

"Looove, Saaaavyyy my loves, I'm home!" Sigaw ko mula sa pintuan bitbit ang bulaklak at wine na binili ko

Lumabas naman ito sa kwarto ng nakangiti

"Wow, ang aga naman. Akala ko mga 7 ka pa" sabi nito at lumapit saken

Binigay ko sa kanya ang bulaklak.

"Happy Anniversary Love" sabi ko sa kanya

She pulled me into a hug. Na sinuklian ko din ng mahigpit na yakap

"Happy Anniversary Lovey" sabi niya

"So, what do you want to do today?" Tanong ko sa kanya

Umupo kami parehas sa Couch. Nakasandal sya sa balikat ko habang nakaakbay ako sa kanya

"Hmmm, movie night? Ice cream? " Suggestion nya

"Okay, order ka na lang ng food. Tapos set up ko na yung TV" sabi ko at iniabot sa kanya yung phone ko

We're watching movie right now. Naka focus sya sa palabas, habang hindi ko maiwasang hindi maisip yung mga nalaman ko kanina.

Am i holding her back? Kasi iniisip nyang papabayaan ko sarili ko kapag umalis sya? Kasi inuuna nya akong isipin kaysa sa sarili niya?

She's a dreamer. Savy is a dreamer. She's like that when I met her.

"Love" napatingin ako sa kanya when she called me

I smiled at her and raised my eyebrow asking why

"Hmmm, may problema ba?" Malambing na tanong nya sakin

Saka ko lang napansin na naka pause na yung pinapanood namin sa TV. Ihinawi ko yung buhok na humaharang sa mukha niya at inilagay iyon sa likod ng tainga nya.

Napakaganda talaga.

"Mahal na mahal kita Savy Riley Sevilleja. Ikaw lang, sigurado ako. Kahapon, ngayon at bukas, kahit sa ibang universe at sa kabilang buhay pa" sabi ko dito

I saw how tears formed in her eyes

"Ang OA mo naman mag I love you" sabi nito kaya natawa kaming pareho. Pinunasan ko ang luha nya

"Jho, mahal kita. Mahal na mahal" sabi nito saken habang nakatingin sa mata ko

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko. Nasasaktan ako ng sabihin niya iyon.

Hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan

"Ramdam ko Savy. Ramdam na ramdam ko. Thank you" sabi ko dito

I pulled her para mayakap ko sya.

Palagi mong ipinaparamdan sakin ang pagmamahal mo. Walang palya, araw araw, mula noon hanggang ngayon. Sa lahat ng maliliit na bagay na ginagawa mo, hanggang sa malalaking sakripisyo mo. Sobra pa sa sobra Savy.

Bumitaw sya at pinunasan ang luha ko. Umiiyak na pala ako.

I guess. Hindi pa pwede. Hindi pa pwedeng hingin ang kamay niya. May pangarap syang kinakalimutan nya para sa akin.

I'm sorry Savy. I won't watch your dreams slip away from your hands. I won't let your younger self get disappointed for forgetting what you've been dreaming since the beginning.

---
Goodnight everyone.  Just wanna share this playlist of mine. Bahala na kayo mag isip dyan. 😆 Rawr.

 😆 Rawr

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCeyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora