She's on loosing end I guess

"Shogi nilalaro nila. Chess dito sa Japan. Yan ang bonding nilang mag ama" sabi ni Tita

Napansin na sigurong nakatingin ako doon sa dalawa

"Ang cute po nila" komento ko bago ulit naghiwa ng tomatoes

"Sinabi mo pa, minsan umaabot sila ng hating gabi paglalaro nyan kasi ayaw nilang magpatalo sa isat isa" sabi ni tita, remembering those old times

"Dad! Bakit yan? Ito dapat?" Napatingin kami kay Jho

Ang lakas ng boses ng sira ulo

Tinuturo nya yung isang piece sa set ng tatay nya,sinasabing iyon dapat ang ginamit ng tatay nya. Jusko, parang bata

Tinawanan lang ito ni Tito

"Anak, ikaw na lang maglaro mag isa. Ay sa yan ang gusto ko igalaw e" sabi ng Dad ni Jho

Tumahimik naman ang isa bago naghalumbaba. She's thinking.

"Sometimes,it feels like dealing with two kids pag magkasama sila. Nakakamiss din" napatingin ako kay Tita, este mommy ng sabihin niya yon

Curiosity got the best of me. Gusto ko malaman kung alam nila yung reason kung bakit ayaw nya mag stay sa Japan

"Mom, alam nyo po ba kung bakit ayaw nya dito?" Tanong ko sa kanya that made her look at me, giving me a soft but sad smile

"Sabi niya, palagi daw kaming wala ng Dad nya. That's definitely true at some point. Pero kahit nangako kaming magbibigay ng time sa kanya. She just doesn't wanna stay here anymore. Kahit hindi nya sabihin, alam kong may ibang dahilan" sagot ni mom saken

Ramdam ko din. Idinadahilan lang nya yung sa parents nya. But I feel like there's more to it.

Pero baka hindi pa sya ready na mapagusapan iyon. I don't wanna invade her privacy.

Tinapos lang namin ni Mommy yung food bago tinawag yung dalawa at kumain ng sabay sabay.

----
We ride on a train. Tapos car.

The best yung train dito. Hindi maingay tapos mabilis pa. At malinis.

Sakay na kami ng car ngayon. It's a rental car sa lugar na to. Mahirap daw kasi mag travel kung walang car and they don't wanna drive for too long kaya imbes na car nila. Nag rent na lang sila dito sa malapit.

"Are we going to...?" Tanong ni Jho habang nakatingin sa Mommy nya na nanlalaki pa ang mata

"Yes, we are" Jho made a silent yes gesture. Yung parang Ajah kaya natawa kaming tatlo

Parang ewan talaga to. Napaka hyper.

"Saan daw?" Tanong ko kay Jho. Di nya kasi tinapos yung sinabi niya kanina

"You'll know love. It's my Fave" sabi ni Jho. Halata namang excited na sya

She's like a kid na kulang na lang lumusot sa bintana ng kotse. Her hands on the window.

"Jho, umayos ka ng upo" saway ko dito kaya natawa yung mama nya

"Parang di naman nag matured yan, anong nagustuhan mo dyan anak?" Pang aasar ng mommy ni Jho sa kanya

The latter pouted. Mukha na naman syang pato.

"Si Mommy naman, wag nyong anuhin. Baka magising" sabi niya that made her parents laugh

"Ewan ko sayo anak, umayos ka na ng upo" suway ng Daddy nya dito

Umayos naman nga ito ng pagkakaupo habang nakanguso

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCeyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang