"Jhooo, natatakot ako, natatakot ako na baka may mag iba satin. Mahirap ang LDR" alam ko, alam ko Savy

Madaming naghihiwalay sahil sa distance. Madaming hindi sugurado. Madaming maaring dumating na problema. Natatakot din ako. Na baka, habang wala ako. Marealize mong hindi pala ako. Hindi pala ako ang gusto mong makasama hanggang dulo. Natatakot akong magalit ka dahil dito sa desisyong ginawa ko. Pero mas takot akong, mawala sayi yung chance na tupadin ang pangarap mo dahil ako ang pinili mo.

You can choose us both. Without letting go of the other.

"Love, I can wait. Pero yung opportunity na yan. It's once in a blue moon. Kapag nawala yan, wala ng second chance"

"Takot din ako Savy. I'm afraid to lose you. Ikaw na yan e"

"Paano kung, paano kung tumagal? Paano kung abutin tayo ng ilang taon?" Tanong pa nito sa akin

I smiled at her.

"Give me. Give me 6-12 months Love. I'll figure it out" ngumuso ito sa sinabi ko

"Ang tagal non" reklamo nya kaagad

Napailing na lang ako. Ayan na naman sya

"Mabilis lang yon. Mabilis lang yon Love" sagot ko dito

Punong puno din ako ng mga what ifs.
Paano kung sa panahon na wala ako sa tabi niya. May makilala sya. That will probably make me insane in a different level.

Paano kung, may mangyari sa kanya tapos wala ako sa tabi niya.

Napakadaming paano kung. Nakakatakot. Nakakatakot mawala sa tabi ni Savy. Nakakatakot mawalay sa tahanan. Sa safe zone.

But letting her go for her dreams is something I have to do for her. Hindi man nya maintindihan sa ngayon. Alam ko, in the future she'll realize why I have to decide for us.

"Jho, iiwan mo na ko dito no?" Tanong nito that made me look at her

I smiled at her. Ngiting hindi umaabot sa mata

"Nakapagdesisyon ka na talaga no? Bakit? Bakit ang dali lang sayong magdesisyon para satin?" I can feel pain through her words

"Love, yung lakas ng loob ko, sayo ko lang kinukuha. Hindi madali" kanina ko pang pinipigilan yung luha ko

Dahil kailangan kong maging matatag sa harap ni Savy. Pero nang marinig ko sa kanya yon. It broke the shell.

Nagulat ito sa bigla kong pagbre-breakdown

I cried so hard. Iniiyak ko lahat lahat. Lahat lahat ng luhang naipon simula nung kinailangan kong pumunta sa Japan para kay Dad at sa company nya. Nilalakasan ko lang ang loob ko dahil ayokong maging mahina sa paningin nya.

Pagod na pagod ako. Pagod na pagod ako sa araw araw. Sya lang yung dahilan kung bakit ako nakakausad sa araw araw. Si Savy lang.

Niyakap ako nito. At tinapik tapik ang likod ko.

Natatakot akong umuwi sa condo na wala sya. Na walang sasalubong sakin.

"Ito na ata ang pinaka mahirap na desisyon na nagawa ko Savy" bulong ko sa kanya

"Pero at the same time, I know, I will still choose you over me, kahit ipaulit saken, I will still chose you. Kung hindi mo kayang piliin ang sarili mo. Ako ang gagawa. Ako ang pipili sayo" dugtong ko pa dito

"I'm sorry. Let me think about it hmmm. Sorry Jho. I didn't mean to say something that will hurt you.." paghingi nito ng tawad saken

Umiling ako kahit hindi nya nakikita yon. Pero alam kong ramdam naman nya

"It's okay Love. Okay lang. " Bumitaw na ako at pinunasan yung luha ko

Huminga pa akong malalim para kumalma na yung puso ko

Pagkatapos pakalmahin ang mga sarili namin. We decided na pumasok na sa kwarto. Nagpunta ako sa cr para maghilamos. Ang lagkit nung luha e.

Tapos ganon din ginawa ni Savy.

Siguro. We'll let things sinks in muna sa isat isa. Atleast, nabunutan na ako ng tinik. Medyo magaan na.

Alam kong ganon din sya. Dahil parehas kaming binabagabag ng mga worries namin.

Lumabas na sya ng bathroom. Fresh na kahit mapula ang mata at ilong dahil sa pag iyak

"Yoko pa matulog, nood tayo movie" suggests nito. Tanging tango lang ang naging sagot ko at binuksan na ang netflix.

Nanood kami ng movie. When I hear her sobs. Wala namang nakakaiyak sa movie but we both ended up crying.

----
Goodnight Everyone. Tulog along maaga. May work and Oat na ito🤟

Enjoy. Haha

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCeyWhere stories live. Discover now