Nakita ko ang pagpapalit ng emosyon sa mata nya. Alam kong nakukuha nya ang gusto kong sabihin. Alam kong she's been battling with her self for the past few weeks.
"Jho, anong sinasabi mo?" Tanong nito saken. Gusto nyang linawin ko yung mga sinasabi ko. You knwo what I'm talking about my Love.
Hinawakan ko ang kamay nya. Caressing it using my thumb
"Alam ko, alam kong tinatanggihan mo yung offer sayo na mag work sa isang well known agency dito sa France" nag iwas ito ng tingin saglit. Caught off guard with my revelation
"Si Mommy ba? Kinausap ka ba nya?" Tanong nito saken. Thinking that maybe, her Mom reached out to me para kausapin sya pero umiling ako
"It's me who reached out to her. Hindi ko sinasadya pero narinig ko yung pinaguusapan nyo last time. Kung hindi ko yon narinig, hanggang ngayon. Hindi pa din ako aware sa nangyayare sayo" pag amin ko dito
Kinausap ko yung Mom nya. Nung hindi ako makatulog sa kakaisip sa nalaman ko.
Nangingilid na ang mga luha sa mata nito. At ganon din ako. Just thinking about her sacrificing things so I won't break, so I won't be alone flattered and broke my heart at the same time.
"Jho, hindi ko kaya" sabi nito. Tuluyan ng tumulo yung luha nya na agad din naman nitong pinunasan
Hinaplos ko ang mukha nito.
"Savy, listen to me hmmm. Kaya ko, kakayanin ko. Mas hindi ko kayang makita kang binibitawan yung pangarap mo, just to be with me. Just to make sure I'm okay. Hindi tayo ganon Savy. Hindi pwedeng ganon" paliwanag ko dito
Hinawakan nito ang kamay ko na humahaplos sa mukha nito.
"Jhooo" iyak nito saken. Please Savy, don't make this hard for us.
"Ayokoo, mahirap, hindi ko kaya" pagtanggi nito sa nais kong mangyari
Hinila ko ito at niyakap. She's crying now.
"Love, I want the best for you. Pangarap mo yan di ba? Malapit ka na oh. Ang tagal mong pinaghirapan yan" pagkukumbinsi ko sa kanya
She was so firm on her plans years ago. Siguro, ako yung rahilan kung bakit nag iba bigla ang plano nya sa buhay.
"Alam ko, alam kong matagal tayong magkakahiwalay, alam kong mahirap, hindi na tayo sanay. Pero hindi din naman ako magiging masaya, kung bibitawan mo lahat ng opportunity para sakin. Para maalagaan ako, para makasama ako" I'm tapping her back.
"You're Savy. That independent girl who can slay every challenge in life" bumitaw ako sa yakap at hinarap sya. Pinunasan ang luha nya.
"Makikipaghiwalay ka na ba?" Iyak nito sa aken
I smiled at her and that made her hit my arms
Napa ouch pa ako sa lakas ng hampas nya
"Bakit ko gagawin yon? Titira lang tayo sa magkaibang bansa, pero hinding hindi kita bibitawan. Asa ka" sabi ko dito kaya nakatanggap ako ng kurot sa tagiliran
"Jho, bakit? Bakit ba desisyon ka?" Naiinis na tanong nito saken
"Love, kung kinakailangang pag desisyunan ko din ang buhay ng iba, mapabuti ka lang. Gagawin ko" sagot ko sa kanya
Inirapan ako nito. Naiinis na sa ideyang ipinipilit ko sa kanya.
"I can't let this opportunity slip through your hands. Pangarap mo to. Pangarap ko na din to para sayo. I don't want you to have regrets in the future Love"
I know someday. Kung hindi niya susubukan ngayon, she will end up regretting that she didn't. And I'm preventing that to happen.
Halatang hindi pa sya totally payag sa desisyon ko. Kitang kita ko sa expression nya.
YOU ARE READING
Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCey
FanfictionBini AU. Disclaimer: All events,people, name, character and organizations in this story are products of the author's imagination. This is pure fiction. Please excuse if there's grammatical error. The author is not an expert writer nor an english ma...
Chapter 46
Start from the beginning
