"Bakit naman? Anong business ba ang gusto mo?"

"May talent naman daw ako sa pag-luluto. Naisip ko isang catering. 'Yung simple lang muna tapos kapag lumago mag-tatayo ako ng sarili kong event hall. Pero bago lahat ng iyon, mag-iipon muna ako ng pang puhunan ko." nakatitig lang ako sa kanya habang nagku-kwento siya. Kumikislap talaga ang mata niya kapag natutuwa.

"Tinatanong ko lang kung anong gusto mong business, sinabi mo na lahat ng plano mo." basag trip ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Sorry naman po. Akala ko ho kasi interasado ka." sabi niya habang naka-simangot.

"'To naman, joke lang eh. Peace na." suyo ko pero hindi ako sinagot. "Pero mas makakaipon ka kung sa kompanya ka nagta-trabaho? Mas malaki sweldo doon kesa sa akin." suggest ko sa kanya.

"Ang sabihin mo ayaw mo na akong mag-trabaho sa inyo. 'Wag kang mag-alala bukas na bukas magre-resign ako." mataray na sabi niya. Ang sesitive ni Mahal ngayon.

"Nagtatanong lang eh. Saka nag-sasabi ako ng totoo. Makakaipon ka ng pera sa pagta-trabaho mo sa akin pero mas matagal. Sabi nga sa akin ni Mr. Adison may malaking potensyal ka sa kompanya. Ayaw mo bang magamit sa trabaho ang pinag-aralan mo? Wala namang subject na care giving sa course natin diba?" paglilinaw ko sa kanya. Pero kinakabahan ako kasi baka ma-realize niya na tama ang sinabi ko at iwan niya kami kahit na iyon naman talaga ang pinupunto ko.

"Pero paano kayo?" nag-aalangan niyang tanong. Napangiti ako kasi nasa priority niya talaga kami.

"Hindi ko alam. Basta ang mahalaga 'yung pangarap mo. Iyon naman talaga ang pinunta mo sa Manila diba? So dapat lang na tupadin mo 'yun." pagkumbinsi ko sa kanya.

Ayokong maging hadlang kami ng anak ko sa mga pangarap niya. Sa katunayan, sobrang-sobra na ang utang na loob ko sa kanya dahil sa malasakit at pagmamahal niya sa amin.

"Gusto ko din, DJ. Napaka daming beses ko nang inisip 'yan. Pero siguro hindi muna ngayon. Kasi mas gusto ko sa tabi niyong mag-ama." ngitian niya ako. Kaya hinila ko siya at niyakap.

Thank you, GOD. For sending an angel like her. So blessed to have her.

"Thank you." hinalikan ko ang noo niya at niyakap ulit siya.

Naalala kong may isa pa akong regalo sa kanya. Hindi ko alam kung masyadong pang-teens o ano. Ito kasi naisip ko eh.

"Kath may ibibigay ko sa'yo." kumawala na ako sa yakap ko sa kanya at inabot ang bag ko.

"Meron pa? Akala ko 'tong family date eh regalo mo na." nagtatakang tanong niya.

Kinuha ko ang yellow box na may ribbon at inabot sa kanya.

"Buksan mo." binuisan niya ang box at nanlaki ang mata niya. Napalunok tuloy ako, baka kasi napangitan siya sa gawa ko.

"WOW." kinuha niya ang bote at inobserbahan.

"Pangit ba?" nagaalangan kong tanong.

"DJ, ang ganda.Galaxy in bottle 'to diba? Pano mo 'to nagawa? Ang cute sobra. Thank you!!" nag-cling siya sa braso ko at niyakap iyon. Hindi kasi siya makakilos ng maayos kasi kanlong niya si Jordan.

"Nakita ko lang 'yan sa internet kaya naisipan kong gawan ka bilang regalo ko. Nagaalangan pa nga ako kasi baka hindi mo magustuhan." sabi ko.

"Ano ka ba? Ang ganda nga eh. Ito siguro ang pinagkakaabalahan mo kagabi kaya hindi mo ako papasukin ano? Hahaha." napailing na lang ako.

Biglang nagising si Jordan kaya napatigil siya sa pagtawa.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now