Tumango tango ito saken

"Do you want me to come?" Tanong nito na ikinagulat ko naman

Pero agad akong umiling. Hindi dahil sa ayaw ko syang kasama pero she have lots of things to do here pa. Kaya hindi pwede.

"Do your thing here Okay? Madami ka pang shoot di ba? Yun muna Love ha. Uupdate naman kita e" sabi ko pa dito

Hinila ako ulit nito at niyakap.

"Call me if something happen ha. Please Love" sabi niya pa

Wala akong nagawa kundi tumango lang.

"Kailan ka aalis? Ngayon na ba?" Tanong pa ulit nito, hinila nya ako sa may mga upuan para maupo kaming dalawa

I nodded at her.

"Kumain ka na ba? Kain muna tayo Love" sabi pa nito

I smiled at her. And hold her hand. She wants me to extend my time here with her.

"Love, I have to go na ha. My flight is 2 hours from now. Alam mo naman traffic dito sa Manila. Ayokong maipit sa gitna ng kalsada" paliwanag ko dito

Humigpit ang hawak nito sa kamay ko.

"Hmmm, Okay. Basta call me ha. Pag hindi susunod ako doon kaagad" sabi nito kaya natawa ako

She's acting so cute right now

"Ang clingy naman ng Lovey na yan" malambing kong sabi dito that made her smile also

Ilang minuto pa syang nagbilin bago ako hinatid sa labas. Lumapit ako sa manager nya at ibinilin sya. I told her na ihatid sundo muna si Savy kasi hindi ko yon magagawa sa mga susunod na araw. Mag aalala ako kung magbabyahe sya. Her manager agreed. Trabaho nya daw talaga yon, inangkin ko lang.

Sitting here at the lobby feels like forever. I keep on texting Savy so she will not get worried.

----
Kakalapag lang ng eroplano. Sumakay lang akong taxi para makarating sa hospital. Bitbit ang isa kong maleta.

Sinalubong ako ni Mommy na namamaga pa ang mata sa pag iyak. Dad's in ICU. For monitoring pa sya. Pero hindi na critical ang condition nya.

"Mom, anong nangyari? Bakit inatake si Dad?" Tanong ko kay Mommy

She looked at me na parang nagdadalwang isip pa kung sasabihin nya ba o hindi.

"Anak" kinuha ni mom ang tablet nya at iniharap saken

"Mirae, an electronic company's stock falls by 8% due to issues circulating in the internet, will it be the end of the Company's era?" I look at Mom who's waiting for my reaction

I turned off the tablet and held Mom's hand.

"Hands on ang Dad mo sa Company. And yung issue, it's not true. Hinanap naman namin yung nag rereklamo online pero hindi traceable. Planted issue Anak. The executives are questioning your Dad. Mr. Miyamoto, one of the biggest shareholders was asking for your Dad's explanation sa nangyari. And kahit nag explain ang Dad mo. Hindi naman sila nakinig. Now, they're planning to take over your Dad's position and give it to Miyamoto" paliwanag ni Mom

Now, this explains what happened to Dad. Sa sobrang sama ng loob siguro ay hindi na nakayanan ng puso nito.

"Who's managing the company now?" Tanong ko kay Mom

"The traitor Nak" sagot ni Mon and I nodded

Napabuntong hininga ako. Now, this is another thing to deal with.

"Rest ka muna Mom, ako na bahala kay Dad" sabi ko sa kanya

Kinuha ko ang phone ko and called Savy. Sinagot nya naman kaagad.

"Hi Love, nagising ba kita?" Tanong ko dito habang nakaupo sa labas ng ICU, kinukusot nya kasi ang mata nya. Halatang kakagising lang.

"Hi Love, No, it's okay. Hinihintay ko ang tawag mo. Nakaidlip lang. kamusta ka? " Tanong nito saken

I smiled at kinwento sa kanya yung nangyari kay Dad. Savys' worried. Pero sabi ko sa kanya. Kaya ko naman. Kakayanin ko. Sabi ko, wag na sya mag alala. Mag focus sya sa work nya.

I ended the call para makatulog na sya. Hating gabi na din sa Pilipinas eh.

I ended up reading the whole article about my parents company. Hiningi ko din kay Mom yung mga important documents like the list of shareholders and the amount of shares they're holding.

Hindi maganda yung ginawa nila. I know, there's people who want to drag my dad out of his position. Lakas naman ng loob nila eh kay Dad yon.

Miyamoto is one of the mastermind. It's either he's the one plotting the scheme or sya yung ginagamit na front. Maalin na dalawa. Pero he's guilty. Kahit alin sa dalawa. I'm gonna make sure he'll be dragged down kasabay ng pagbaba ng stocks.

----

Eyyy. Isang eyy muna.

Nag birthday si Author last July 9. Skl.

Busy week din. Not sure when pa ang update. He he.

Credits to PARCINQ Magazine for the photo.

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCeyWhere stories live. Discover now