Nag chat saken si Ate Aliah. Kung may nagyare daw bang maganda kasi nag tweet si Jho. Kaya napatingin ako sa nakangiting Jho sa may harap ng laptop nya.

Napairap na lang ako. Oo may nangyare. May nangyareng hindi maganda kagabi. Kahit ang happy nya ngayon, paano naman akong halos mapuyat kagabi pagkatapos maiwan sa ere. Bwiset.

I saw Jho went to our room. Di ko alam kung anong gagawin nya doon but I used that chance to escape.

I texted ate Aliah kung nasaan sya. Nasa Court daw sa may subdivision nila. Tumayo ako at kinuha ang susi.

At tuluyang umalis without informing Jho kung saan ako pupunta.

It took me almost 20, minutes bago makarating sa court na sinasabi ni Ate Aliah. They're here playing volleyball.

Sa pagkakaalam ko, tinuturuan ni Mikha yung pinsan kong hindi sporty mag volleyball kasi gusto nitong matuto. Takot sa bola pero she wanna face her fears daw.

Dalawa lang sila dito. Parang hindi nagka hang-over si Mikha sa sobrang fresh eh halos hilahin na nga yan pauwi ni Cole at Ate Aliah kagabi.

"Let me join your session" sabi ko kay Mikha na nagpataas ng kilay nito

"Saan si Jho?" Tanong nito saken

Umirap lang ako at kumuha ng isang bola sa ball cart.

"LQ ata" rinig kong sabi ni couz kay Mikha na ikinailing naman nung isa

"Teach me too" sabi ko dito

Walang nagawa si Mikha kundi turuan ako. She's teaching me how to serve.

Kanina pa ako napipikon kasi di ko makuha yung timing sa jump serve.

"Chill ka lang Savy. Hindi si Jho yang bola" sabi ni Mikha

"Kaya nga, parang mabubutas na sa paghampas mo e" pang aasar pa ni Ate Aliah

Idinemo ulit saken ni Mikha yung jump serve. I watch how she throws the ball in the air, yung timing nya sa pagtakbo at pag talon.

And I copied it. Nakuha ko naman yung timing. Outside nga lang sa sobrang lakas ng palo ko.

"Let's take a break muna. Kanina pa tayong nagseserve" sabi ni Mikha

Tumango na lang ako at pumunta sa tindahan sa malapit para bumili ng tubig.

Tapos pagbalik ko. Mikhas' on the phone.

"Ha? Si Savy?" Sagot nito sa tawag

Tumingin ito saken asking me whether she'll tell the truth or not. Umiling lang ako dito

"Hindi ko alam Jho, bakit mo saken hinahanap ay ikaw ang Jowa" sabi pa nito

"Oo, kasama ko si Aliah, kausapin mo?" Ipinasa ni Mikha yung phone kay Couz

"Savy? Wala namang nabanggit saken? Nag away ba kayo?" Tanong ni Ate Aliah kay Jho pero sa akin naman nakatingin

"Ay. Sige. Kakausapin ko. Update na lang kita" sagot ni Ate Aliah bago pinatay ang tawag

Hinila ako nito paupo sa bench

"Ano? Anong kaguluhan to?" Tanong nito saken

"Nasaan phone mo. Bakit hindi sayo natawag si Jho?" Tanong nito saken na ikinairap ko

"Nasa condo ang phone. Sinadya kong iwanan" sagot ko dito

I know may tracker yung phone no. Akala nya hindi ko mahahalatang alam nya palagi kung saan ako pupuntahan kahit hindi nya ako tinatanong kung nasaan ako. Hello. Matalino ako. Alam kong expert sya sa ganon.

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCeyWhere stories live. Discover now