Never ever again

1.9K 100 8
                                    

sorry naging busy lang. hihi.

Sana po di pa rin kayo sumuko magabang ng update. magpopost po ako agad bukas ng mga kasunod pramis.




















"Ang sakit pa rin eh. Pakiramdam ko ngayon, pinaglalaruan nya lang ako. Na pinaglaruan lang nya ako. Na pinaiikot niya ako sa mga palad nya. Kung kalian maayos na ako, saka siya ulit babalik sa buhay ko? Para saan? Masakit pa rin sakin pag naaalala ko kung paano kami nuon. Naguguluhan na kasi ako 'nay. Di ko na alam gagawin ko, unting unti lumalambot ulit yung puso ko. Pero natatakot ako isang araw, iwan na naman nya ako sa ere, na pagkatapos ko mangarap para sa aming dalawa, bigla mag-isa na naman ako? Magmumukha na naman akong tanga?!" Naglalabas ako ngayon ng sama ng loob sa nanay ko. Pagkatapos kasi ng taping namin kanina mabigat pakiramdam ko. Pakiramdam ko any moment bibigay ako.

"Sa buhay ng isang tao, gumagawa tayo ng mga bagay, na minsan hindi natin ginustong gawin. Minsan naman inuulit ulit natin sa puso't isipan natin ang mga alaala. Pero iyon ang mga dahilan kung ano tayo ngayon, kung sino tayo ngayon. At sa huli ang mga alaalang iyon ang huhulma sa ating pagkatao. Kung may kakayahan lang ako na baguhin ang naging takbo ng nakaraan mo, matagal ko ng ginawa anak. Para di na kita nakikitang nasasaktan ng ganyan. Pero hindi natin dapat baguhin, alam mo kung bakit? Kung hindi dahil sa iyong nakaraan, hindi ikaw si Glaiza de Castro ngayon na tinatahak ang magandang landas para sa iyong kinabukasan. Hindi mo malilikha ang mga titik sa iyong musika. So just live anak, minsan talaga we make mistakes, at nasasaktan. Pero pasasaan ba sasaya ka ulit. Pag may umaalis, may dumadating na mas deserving. O kaya minsan may bumabalik kung saan tama na ang lahat sa pagitan nyo." Mahabang paliwanag sakin ni nanay. Pero bawat sinasabi nya tumatagos sa puso ko. Siguro nga kalian ko lang pakawalan yung matagal ng nakadagan sa dibdib ko. Baka sakali makita ko o maunawaan man lang kung bakit nagawa sakin ito ni Rhi. At nagsimula na naman ako mag-isip kung paano ulit ako haharap sa kanya bukas.

"Alam mo anak, you're spacing out again. Tara na lang kumain, tatawagin ko na kapatid mo at tatay mo. Mahaba pa ang araw mo bukas. Tomorrow is another day. So dapat lagi kang handa. Halika na dito, ng makapagpahinga na tayong lahat." Basag ni Nanay sa katahimikan ko. Pumunta na ako sa hapag-kainan at tinulungan ko si nanay magayos ng mga pinggan. At narinig kong bumababa ng hagdan si alcris at tatay.

" 'tol, kamusta na? Tagal nating di nagkita ah. Wag ka na kasi magcondo, mag-isa ka na lang naman dun ah. Dito ka na lang sa bahay para kasama mo kami." Tanong ni Alcris sakin habang kumukuha ng plate nya.

"Eto, lagare ako sa tapings, nireshoot lahat ng mga scenes eh. Di mo pa ba nababalitaan?!" tanong ko bigla.

"Ang alin?" balik tanong sakin ni Alcris na parang wala talaga sya kamuwang muwang.

"Si Rhian na ang kapartner ko, buntis si Bai eh, kaya nagback out." Kaswal kong sagot.

"WHAT?! Your ex?!" Napatayo pa ata ng kaunti si Alcris sa kinauupuan nya at talagang namutla ang mukha nya sa gulat.

Fated LoveWhere stories live. Discover now