Memo

2K 102 19
                                    

"Nangyari na ba sa'yo yung may nakita kang tao for the first time and when your eyes meet, parang may something na 'di mo alam kung ano.. It's like as if you can see and feel that person's soul?" Pinapanuod ko itong eksena ni Rhi at Sheena. At nakita kong tumingin sa akin si Rhi bago nya banggitin ang linya nya.

Naalala ko bigla yung mga panahon na magkasama kami. Naging sobrang malapit kami sa isa't isa habang ginagawa namin ang Stairway to Heaven. Hanggang sa isang araw nagawa nya ako tanungin kung totoo daw ba ang mga napapabalita tungkol sa pagiging lesbian ko. At tinapat ko siya. Hanggang sa mga sumunod na araw lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin.

" 'wag mo ko titigan ng ganyan please." Pagmamakaawa ko kay Rhi. Okay this is emotional torture para sakin pag tinititigan nya ko.

"Why?" tumatawa siya. Geez ang ganda nya talaga. At pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.

"I might kiss you!" Oh god bakit ba bigla ko na lang nasasabi yung laman ng isip ko, bigla ako napalingon sa kanya para makita ko reaction nya.

"G-glai, I might be bad at it. Hindi ako sanay humalik ng babae." Nanlalaki yung mata niya. At ako naman eh nasamid sa sinabi nya. Di ko inexpect na sasakyan nya ako. Hindi alam ng babaeng ito kung ano ginagawa nya sa akin literal. Tinitigan ko lang siya di ko alam kung tatawanan ko ba siya or gagawin ko sinabi ko.

"And I'm trusting you to kiss me. Just don't make me regret it." Lumapit siya sa akin na parang hinahamon nya ako. Yung puso ko nahulog ata somewhere. Pupulutin ko na sana pero bigla nya kinuha ang mga kamay ko at nilagay nya sa mukha niya.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at pumikit.

And I kissed her. And when her lips met mine, I feel I could live a hundred years. And nothing would ever compare to that single moment when I first kissed the girl of my dreams and knew that my feelings for her would last forever. At idinilat ko ang aking mga mata, at nakita kong nakangiti siya.

"Wow. I've never felt this way about anyone Glaiza." And she hugged me tight. At niyakap ko din siya. Gustong gusto ko siya tanungin pero it seems na di pa siya handa pagusapan kung ano man ang meron kami ngayon.

"CUT!" narinig kong sigaw ni Direk. At paglingon ko kila Rhian nakita kong nakatingin din siya sa akin at nakita kong naglakad siya papalapit sa gawi ko. Umalis ako kung saan ako nakatayo at pinuntahan si Chynna.

" 'tsong. Grabe titig mo kanina ah, pero mukhang nawawala ka sa sarili nating mundo. Saan ka ba naglakbay?" tumatawang sabi sakin ni Chynna. Pinagsisihan ko tuloy pagtabi ko sa kanya.

"Tigilan mo ako. Wala ako sa mood." Sagot ko na lang

"Ang taray naman nito. Pwede naman kasing ishare sa akin. Alam mo namang kaibigan mo ako diba? Pero sige hindi kita kukulitin sa ngayon. Tara na, eksena nyo na sa restroom yung susunod. Kaya mo na ba yung eksenang yun?" at nakita ko siyang pinipigilan nya ang tawa nya. Hinampas ko na lang siya ng script na hawak ko. At nilayasan ko na siya agad bago pa siya makabawi sa akin.

"Masakit yun Cha!!!" Sigaw nya sakin. Itinaas ko na lang sa ere ang kamao ko. At narinig ko tawa nya. Pumunta na ako sa kung saan isshoot ang last scene para magpack up na kami. At nakita ko si Rhi nakapwesto na rin duon at nagreretouch.

"Hi Ma'am Glai, retouch ko na rin po kayo. Ang ganda ganda nyo pong dalawa, kinikilig po ako sa inyo. Parang totoo po eh." Ngiti sakin ng make-up artist naming.

"Thank you." Sagot ko na lang, pero nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na pinanunuod ako ni Rhian. Nilingon ko siya.

"Yes?" I asked.

Fated Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن