No Turning Back

2K 105 12
                                    

Nagsimula na kami sumalang, naunang ishoot yung scene na kung saan una kaming magkikita. Pero ng makita ko siya naglalakad sa altar biglang nag-flashback sa akin yung una naming pagkikita.

Flashback

"Alam mo bang when I first met you, I felt like I had known you forever?" I smiled.

"huh?!" Confused rhian asked me this.

"Hello Ms. Beautiful in Pink, I'm Glaiza de Castro, pero since pakiramdam ko matagal na kitang kilala, just call me Cha." And I offer my hand to have a handshake with her.

"Oh! Hi Glaiza. I'm Rhian Ramos. Nice to meet you." And she didn't accept my hand. Holy crap, I am busted. And she walked away. And I was losing my world in that moment. Parang feeling ko masakit na hindi ako nabigyan ng pagkakataon.

Rhian's thought

"Sh*t, bakit ko di tinanggap handshake nya, baka akalain nya tinarayan ko siya. Eh bakit ba kasi ganito nararamdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko." Kinakausap ko sarili ko. And I turned around para tignan kung andun pa siya. No, umaasa ako na nandun pa siya para makita ko ulit ang maganda nyang mukha. And there, nakita ko nandun pa siya. Naisipan ko balikan siya para tanggapin ung handshake.

"Hi. Sorry. I didn't mean to be rude. But I wasn't sure what to do. No one ever talked to me like that. I mean, that kind of meeting for the first time. Can we now do the handshake?" And I smiled. And she offer her hand and I now accept it. And that is the first time she held my hand. And I am awkwardly nervous. And I was so unsure if I should've done that. But it felt so thrilling. My heart raced, pounding so fast, na para bang hindi na siyang ordinaryong tibok ng puso. It felt like a pressure cooker, locked up and boiling quickly. Her hand is warm, and yet I feel like nuclear reactor. And she placed my hand to her lips and kissed them gently. And it's a totally electrifying feeling. It's the most innocent, and yet the most erotic feeling in the world. I never felt so safe with someone except with my family. Ngayon lang.

Glaiza's POV

"It's okay. By the way, I will be the one who will play the character of Eunice, your dear antagonist." I smiled at her. At nakita ko sa mukha nya epekto ng ginawa ko. And I really like teasing this girl, she's so innocent.

"Oh ikaw pala! Sabay na tayo pumunta sa taas? Malapit na magstart yung meeting." And there she smiled once again. I feel like I'm in heaven everytime na nakikita ko siyang ngumingiti. All I know is that I want to do everything I can just to make her mine.

Back to Reality

Glaiza's POV

Habang naglalakad siya sa aisle, alam kong naramdaman ko ulit kung paano kami nagkita 6years ago. Ito yung babaeng minahal ko. No scrap that. Siya ang babaeng mahal ko at mamahalin ko ng lihim. Kahit na masakit. Kahit na alam kong hindi na siya magiging akin pa ulit. And there, she looked at me, parang nakita ko sa mata nya na mahal pa rin niya ako. At napailing na lang ako, at naglakad na ko palayo sa kinatatayuan ko.

"CUT! That's amazing, as if parang tumigil ang mundo nyong dalawa! Grabe yung chemistry nyo dito palang sa scene na ito nakita ko na agad yun. Bravo! Congratulations. Pwede nyo tignan ung end result ng acting nyo ngayon. Break muna tayo habang nagpprepare for another set of scenes na isshoot." Sigaw ni Direk. At lumapit ako sa camera, at tinignan ko yung sinasabi ni direk. Na-curious ako kung pano nasabi ni direk na literal na tumigil ang mundo naming sa eksenang un. At habang nanunuod ako tumabi sakin si Chynna.

"Wow. Just wow. Kung hindi ko lang alam lahat ng nangyari, pwede kong sabihin na grabe yung acting nyong dalawa, sobrang effective. Pero hindi eh, alam ko lahat. Kaya masasabi ko lang na totoong kayo iyan. Kung ano yung nararamdaman nyo, lumalabas sa mga eksena. A little advice coming from your friend lang Cha ah, hinay hinay tayo baka mainlove ka ulit at maiwan ka ulit sa ere." Bulong sakin ni Chynna. Alam kong concern lang naman siya sa akin. Pero bigla ako kinabahan ng makita ko si Rhian sa likod naming, narinig nya kaya mga sinabi ni Chynna? Inaya ko na lang agad si Chynna na magbreak na lang muna.

Rhian's POV

Habang nagreretouch ako, hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Narinig ko lahat sinabi ni Chynna, at naramdaman ko din kanina sa eksena na si Glaiza ang tumitingin sa akin, hindi bilang isang Althea, yun din kasi ang tingin na ginagamit nya sakin nung kami pa. Oh goddamn, sobrang namimiss ko na yun. Pero I know, mahihirapan na ko makabalik pa sa mundo ni Glai, kilala ko siya na pag nasira na tiwala nya, nahihirapan na siya ulit magtiwala. Pero handa ako gawin ang lahat makabalik lang ulit sa buhay nya. Yun ang isa sa mga dahilan ko bakit ko tinanggap itong character ni Jade. Saka ang alam nilang lahat kami pa rin ni Jason.

"Mam Rhi, tara na po isshoot na po yung scenes sa reception." Sabi sakin ng production assistant.

"Okay. Wait, where is Glai?" I asked and searched for her.

"Nandun na po siya. Nauna na po sila ni Chynna and other casts sa area." Sagot naman sakin ni ate jing.

"Iniiwasan kaya nya ako?" napabulong ako sa sarili ko.

"Mam, ano po yun?" Ate jing asked me habang nakita ko siyang nagliligpit ng mga gamit para ilipat sa kabilang area.

"Ahh wala yun. Sige una na ako sa iyo sa area." Paalam ko sa kanya. At pagdating ko sa set, nakita ko si Glai, mukhang masaya at may ginagawa sila ni Chynna. For the first time ngayon lang ako nagselos kay Chynna, yung pakiramdam na sana ako yung kasama ni Glai na tumatawa, na sana ako yung dahilan ng kasiyahan nya ngayon. At napayuko ako sa naiisip ko. Nasasaktan na kasi ako. And the feeling is foreign, something new. A blinding anger that made no sense. I wanted it gone and the reason of my jealously. Pero alam kong wala na akong karapatan. Matagal na ako nawalan ng karapatan mula pa ng pinili kong masaktan siya dahil lang sa mga kagaguhan ko.

"aherm, Rhi! Come here, tignan mo yung mga arts sa album ni Cha, gawa ko yang mga yan!" Chynna called me. At lumapit ako sa kanila para tignan kung ano yung pinagkakatuwaan nila. "Sabi ni Cha, masyado daw akong mayabang, hindi ba pwedeng proud lang ako diba?!" pangungulit ni Chynna. And I smiled, at tinignan ko mabuti yung album.

"Synthesis? Sounds familiar." At mas lalong lumawak pa ngiti sa mga labi ko. At tinignan ko si Glaiza para makita ko expression nya sa sinabi ko.

"Yes, galing sayo yun few years ago. Nagustuhan ko suggestions mo, at ininclude ko parin siya kahit na nagbreak na tayo. Hindi naman pwedeng bigla ko na lang basta burahin na lang ang mga alaala ng nakaraan lalo na kung kasama yun sa plano na ginusto ko para sa buhay ko. The memories are so hard to let go. So sorry and yes, you're also a part of my album. Therefore, you're invited din sa launching ng album ko. But I'm not hoping na pupunta ka. You're busy with your own life." Sinasabi nya yun habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. At bigla ako nasaktan. I can't believe na hanggang ngayon kasama pa rin ako sa mga pagtupad ng mga pinangarap nya sa buhay kahit na alam kong nasaktan ko siya ng sobra. At bago pa mapansin nila Chynna ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Tumalikod na lang ako ng hindi ko sinasagot kung pupunta ako sa isang pinaka-malaking event sa buhay ng taong mahal ko.

"W-wait Rhi, are you okay?" Hinabol ako ni Chynna. And I'm ashamed to turn around.

"Y-yes. Chyns, do you think na may pag-asa pang maayos ko ito?" I asked. At nakita ko ang gulat sa mukha ni Chynna

"W-what do you mean? May boyfriend ka na Rhian. At kung confused ka pa rin, you better stop hitting my friend again. Di mo alam mga pinagdaanan nya. So please." At tinalikuran nya ako. Dammit!

"Chyns, wala na kami ni Jason. Matagal na. Magkaibigan na lang kami ngayon." Habol ko kay Chynna

"and still, you don't deserve Cha!! Hindi siya basahan, na iiwan mo sa isang tabi pag nagamit mo na. At lalong hindi siya laruan para paglaruan mo emotions nya. No, I won't allow you na maging parte ka pa ulit ng buhay ni Cha. There is no turning back Rhi. She's been good to you, pero ano ginawa mo? And she deserves better than that" Nakita ko ang galit sa mga mata ni Chynna. At wala na akong nagawa. Siguro nga hindi pa panahon para ipilit ko ang sarili ko kay Glaiza.

Fated LoveWhere stories live. Discover now