I already felt the lonely atmosphere at my house the moment I stepped inside.
Ano bang bago? Lagi naman akong nauwi dito ng ganito. No one welcomes me. No one asks me how my day went. I feel lonely because I am literally lonely. Sa school, walang may pakialam sa 'kin maliban nalang sa mga friends ko. The rest, they would just throw me judging stares. Tinitignan nila ako na para akong baliw. Eh, sa totoo lang, sila 'tong weird. Tingin sila ng tingin, gano'n ba ako kaganda? I don't think so.
Then, someone knocked at the door. Nung una, napaisip ako kung sino kaya yon. Wala naman kasing mag-aabalang pumunta dito. Maliban nalang kila . . . Wait, could it be them?
I hoped so.
"Surprise!" Alanna greeted me with a smile plastered on her face. Syempre, kasama niya din sila Hera. Pagpasok nila sa loob ng bahay ko, nawala yung loneliness na nararamdaman ko. Hindi lang dahil sa may kasama na ako, kundi dahil kasama ko na ang mga tao na nagmamahal sakin. "Bago ka pa magtanong, pumunta kami dito para mag sleep over" Maui said. May mga dala silang plastic bags. Noong sinilip ko ang laman no'n, napag alaman kong nag dala sila ng mga pagkain. Chips, instant ramen, at soft drinks ang mga binili nila. Sakto, gutom na rin ako. Dumiretso si Vanessa sa kitchen at nag init ng tubig. Dala din nila ang mga bag packs nila. Nando'n na ang mga damit nila at uniform para diretso pasok na sila bukas. . . kasama ako.
It made me excited. I will get ready with them to go to school. Papasok akong kasama sila.
Hindi na ito ang unang beses na pumunta sila dito. They go here like three or two times a week. Wala lang, natambay lang dito at sinasamahan ako, because they are aware of my condition.
Nanood kami ng teen romance movie at kinilig buong gabi. Bago pa nga kami manood, they forced me to change into pajamas para pair daw kaming lahat. Pajama party pala iyon. That was my first time but it was the best moment, though. Kung hindi nila ako pinuntahan, malamang natulog nalang ako ng hindi kumakain. Nakakawalang gana kasi talaga pag mag isa. After that, hindi pa kami makatulog kaya nag laro kami ng truth or dare. Nagisa nila ako kasi ilang beses tumutok sakin yung bote.
"Does it still hurt?" Hera asked when she noticed the bandage that covers the half of my arms. "Hindi na" sagot ko. Nang marinig nila ang little conversation namin ni Hera, they also turned their gaze on my arms. May kinuha si Alanna sa bag niya at lumapit sakin. Tinignan ko ang kamay niya at napansin kong may hawak siyang marker. Sinulatan nila ang bandage sa braso ko. The sight of them doing that made me tear up a bit. At least, there are some people who is still concerned for me. After they write some things there, binasa ko iyon kaagad
'get well soon, our Cassie ♥'
'i am wishing all the best for you'
'we're so thankful to have you as our friend!'
'fighting!'
Feeling ko tuloy dahil sa mga sinulat nila, parang ayoko nang palitan 'tong bandage ko. Paggising sa umaga, ako ang nag luto ng breakfast namin at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa school. Even if it's raining a bit, i enjoyed walking and chatting with them.
Super touched, Cassandra
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.