Chapter Twenty-Five: Goodbyes

11 0 0
                                        


RAMDAM ni Matthew ang malakas na pagkabog ng dibdib niya dahil sa mga nangyari. Hindi niya akalain na magkakaganito ang lahat, sinisisi niya ang sarili niya dhail hindi man lang niya nagawa itogn protektahan sa kabila ng mga nangyayari.

Patuloy lang ang pag-ampat niya sa sugat nito sa kabila ng lahat ng gulo, nakita niyang nawalan na ito n malay sa puntong 'yon ay wala na siyang ibang naririnig kung hidni ang mahina nitong pag-hinga natatakot siya na kung bigla niyang bibitawan ang pagkakaampat niya sa dugo ng dalaga ay tuluyan na itong mawawala sa kanya.

Ngayon pa lang kung kailan nandito na sila sa sitwasyon na 'to na napagtanto niyang hindi niya itong kayang mawala sa tabi niya.

Alam naman niyang sa sitwasyon ng pamilya niya ngayon ay wala siyang karapatan na magkaroon ng kahit na anong espesyal na pagtingin sa babaeng lagging handing tumulong sa kanya sa lahat ng pagkakataon.

Natatakot siya sa kung ano ang pwedeng mamngyari sa hinaharap lalo na para sa knayang marami pang kailangang patunayan sa sarili niya para makita ang sarili niya sa tabi nito.

Hindi pa niya alam kung gaano ng aba talaga kayaman ang pamilya ni Adrianna kaya hindi niya magagawang manatili sa tabi nito sa ngayon.

Pero bago ang lahat ayaw niyang mawala ito dahil na rin sa pamilya niya. Kakinin siya ng knsensya niya kung may mangyaring masama dito lalo na at ang dahilan gn pagkakabaril nito ay para protektahan siya.

Umaalingangaw sa paligid ang tunog ng sirena mula sa kakadating na ambulansya.

"Sir, Sir! Akon a 'ho, marahan siyang pinaalis ng dumating na paramedic na agad na pumalit sa pwesto niya.

Agad na nilapatan nito ng pangunang lunas si Adrianna habang halslo kakulay na ng papel ang mukha nito.

Napatingin siya sa mga kamay niya na puno ng dugo, doon lang siya nakaramdam ng takot na kung ano man ang maaring mangyari dito.

Nang mailagay sa stretcher si Adrianna ay dali-dali siyang sumunod sa ambulansya gusto niyang masiguradong hidni ito mag-iisa papuntang ospital.

Habang nasa byahe ay mahigpit niyang hawak ang kamay nito sa kabila ng may oxygen mask ang nakalagay sa bibig nito.

Pakiramdam niya parang isang bangungot ang nangyayari at ang gusto niya lang na magising at makitang maayos alng si Adrianna na walang nangyaring masama sa kanya. Na makikita na naman niya ito sa isang parte ng eskwelahan na natutulog pero susunod sa knaya oras na sinabi niyang kailangan na nilang bumalik sa classroom.

Hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili na nadamay pa ito sa gulo ng pamilya niya.

Hindi na niya napigilan ang sari na mapaluha dahil sa mga nangyayari dahil kahit na anu pang sabihin ng iba sa pagtapos ng araw na 'to isa pa rin siyang binatilyong hidni pa nakikita ang napakalawak na mundo.

NAGISING si Adrianna sa isang putting ceiling, hindi na rin siya nagtataka lalo pa dahil sa ginawa niya kaya siya nandito sa sitwasyon na 'to.

Sinubukan niyang bumangon para lang mapaigik nang maramdaman niya ang sakit galing sa balikat niya.

Hindi niya inaasahan an dito mauuwi ang lahat kahit na baa lam niya sa sarili niyang may mga mangyayaring hindi niya magagawang mapigilan ng basta-basta.

Nakaramdam siya ng panunuyo ng labi at napansin niya ang inumin sa may side table. Marahan siyang bumangon sa kabila ng sakit na nararamdaman niya.

Inabot niya ang inumin pero may isang kamay na ang nauna at nagsalin ng tubig sa baso.

Nang iangat niya ang tingin ay nakita niya ang kanyang kapatid, hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng disappointment na hindi si Matthew ang nakita niya sa paggigising niya sa hindi pamilyar na lugar.

When Two Worlds CollideWhere stories live. Discover now