"ADRIANNA," Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa kanyang guro na si Mica Morales.
Halata na naman kasing irritable ito sa hindi malamang dahilan, maybe it was because wala na naman siyang naipasang project para sa semester pero anong magagawa niya?
It was a group project not solo, wala naming may gusto sa kanyang sumama sa grupo nila kaya naman sa huli sioya na ang nagdesisyon an wag nang magpasa.
"Bakit, Ma'am?" may gana pa siyang magtanong kahit na ba alam na naman niya ang sagot, habang prente lang siyang nakaupo sa may desk niya.
Unlike sa mga kaklase niya na laging may nakalagay na libro sa lamesa ng mag 'to.
She can clearly see that she wants to nag her again pero dahil nasa harap sila ng klase ay tinawag lang siya nito.
Hindi na rin niya pinansin pa ang tingin sa kanya ng mga kaklase niya. It was almost daily occurrence kaya bakit parang naninibago pa ang mga ito sa kanya?
Kung tutuusin kasi most of the teacher really didn't bother with her, maliban lang ata sa teacher nilang si Ma'am Mica, which is their History Teacher.
Kung hindi lang siguro ito nagi-insist sa kanya na sumali sa mga activity or recitations malamang katulad din ng iabgn subjects niya ang grade niya sa history.
The rest of the day was her spending all her naps on her own table. Unlike the start of the year wala nang teacher na tumatawag sa kanya para lang pasagutin siya sa harap ng klase. So, she get all the naps that she could have hanggang sa naramdaman niya ang marahang pagyugyog sa balikat niya.
Kahit na siguro hidni niya tignan ay isang tao lang naman ang alam niyang kayang gumising sa kanya.
Humihikab na umayos siya ng upo at binalingan si Matthew.
"Uwian na," anito sa kanya habang nakatingin sa kanila ang cleaner's para ngayong araw.
Tumango lang siya at saka kinuha ang bag saka tinungo ang faculty room para lang matigilan nang may mapansin siyang sumusunod sa kanya.
"Bakit ka sumusunod?" nagtatakang tanong niya kay Matthew.
"Tawag rin kasi ako ni Ma'am Mica, kaya sasabay na ko."
Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi nito at nagpatiuna sa paglalakad. Pakiramdam niya ay para siyang may buntot pero hindi katulad niya na halos walang pinapansin na nakakasalubong, parang kada minute ay sandalling hihinto si Matthew para makipag-usap sa mga lower years.
Siguro kung hindi lang ito nakasunod sa kanya ay hindi niya aakalain na sikat ito sa buong eskwela nila.
Hanggang sa makarating sila sa faculty ay hindi pa rin nakaligtas sa pandinig niya ang bati ng mga estudyante o hindi naman kaya mga guro.
Kulang na lang tatakanniya ang Mr. Congeniality ang noo nito sa dami ng mga taong kakilala nito sa loob ng campus.
Pagkapasok niya sa faculty ay agad na sumalubong sa kanya ang ilang guro na papaalis na habang ang iba ay naglilinis na rin ng lamesa ng mga ito.
Agad niyang tinungo ang lamesa ng guro, at agad naman siya nitong napansin.
"Upo ka," anito sa kanya at humila siya ng isa samga upuan na hindi na okupado ng teacher.
Huminga ito ng malalim saka hinarap siya. "Okay, alam mob a kung bakit kita pinatawag dito?"
"Sa grades, Ma'am," iyon naman kasi ang palagi niyang issue sa school na 'to. At kung hindi lang ang adviser niya ang kakausapin niya baka kanina pa siya umuwi kaysa dumiretso ng faculty room.
"Yes, and base lang sa 2nd quarter grades mo mahihirapan kang makapasa this year. Tandaan mo graduating ka na, you will be in college next year at mas strict ang mga teachers lalo na sa graduating students."
"I can graduate, Ma'am don't worry about it," assuring her, pero wala naman talaga siyang pakialam kung ga-graduate siya or hindi. Basta matapos lang niya ang school year na 'to, tapos nasiya.
"Hindi ko maisawang mag-alala, ayaw mo bang makasabay ang mga kaklase mo sa pag-graduate?"
"Ma'am, it didn't really matter, I'm just going to school dahil iyon ang gusto ng Kuya ko," pagtatapat niya.
Kung siya ang papipiliin mas gusto niyang matulog na lang sa kwarto niyta kaysa mag-aksaya ng oras sa mga taong halata naming ayaw sa kanya.
Natigilan ito sa sinabi niya, pero imbes na magalit binigyan siya nito ng pag-unawa. It was something that teachers don't easily give, kaya siguro si Ma'am Mica ang paborito niyang guro.
Hindi siya nito pinipilit but rather encourage her, hindi sarado ang utak nito pagdating sa mga gusto niya. She also respects the boundaries that she wants, she already seventeen, in a baoundary of being an adult ang a teenager.
Hindi siya nagre-rebelde but this is just how she perceive everything around her.
"Hindi ko kilala ang kuya mo, pero sigurado akong mas gusto niyang makita kang umakyat na entablado kasama ng mga kaklase mo."
"Pero Ma'am—"
"I know, hindi ko naman talaga kilala ang kuya mo, but at least for me? Gusto kitang makitang grumaduate, isa karangalan para isang guro na makita ang estudyante niyang makatuntong sa entablado."
"You just want to clean your hands off me, aren't you teacher?" kahit siya natigilan siya sa tanong. Hindi rin niya alam kung anong pumasok sa utak niya at sinabi 'yon.
Natigilan ito at bago pa siya makapagpaliwanag, inis na pinitik nito ang noo niya.
Nanlalaki ang mga mata niyang nasapo ang noo habang nakatingin dito.
"Sa tingin mob a magta-tyaga akong makipag-usap sa'yo ng ganito kung wala akong concern sa'yo? You are my student Adrianna, at kahit na umalis ka pa sa eskwelahan na 'to hindi mabubura 'yon."
Pinagmasdan niya ang guro, makikita ang sincerity sa mga mat anito, na wala iotng ibang gusto kung hindi ang mapabuti siya.
Napabuntong-hininga siya, "Ma'am kahit naanong bawi ko, siguradong mahihirapan na kong makahabol sa klase," pagsukong wika niya. Sa ngayon ay susundin niya ang gusto nito, kahit na ba walang kasiguraduhan ang gusto nitong magawa.
Agad naming lumuwang ang ngiti nito. "Don't worry about it, I just have a perfect plan."
"Ma'am, tawag niyo daw ako?"
As if on cue ay sabay na napabaling silang dalawa sa bagong dating. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa guro at kaklase. Kahit na hindi pa nito sabihin ang plano parang ayaw na niyang tumuloy. Especially if that means Matthew is also in that plan.
YOU ARE READING
When Two Worlds Collide
Teen FictionThis is a part of the 30 Days Challenge Novella of 8Letters Publishing, blurb is not made but will have a daily update up until June 30, 2023. Please support.
