Chapter Twelve: Burdens

15 1 0
                                        


"GOOD MORNING," napakurap si Adrianna nang marinig niya nag bating 'yon ni Paula.

Simpleng tango lang ang naisagot niya dito, she seems to be satisfied with it saka lumapit sa kanya.

Ilang araw na rin simula nang makasabay niya ito sa lunch, at ito na rin ang mismong nagtoka sa sarili na kapag wala si Matthew ay ito ang makakasabay niyang kumain.

Hindi rin niya alam kung kailan pero napansin niyang masyadong naging busy si Matthew nitong mga nakaraang araw.

Gusto niya itong pagalitan na hindi man lang nito magawang humindi sa mga utos ng kanilang mga guro. Samantalang ilang beses na niya itong sinabihan tungkol 'don.

"Where is Matthew?" tanong niya kay Paula.

"Probably in the faculty room, sinabihan kasi siya ni Ma'am Rosales, na tumulong para sa darating na foundation."

Kumunot ang kanyang noo. "Hindi naman siya student coucil member, bakit kailangan niyang tumulong?"

"Hindi ko rin alam, masyado din kasing inaabuso ng mgs teacher ang kabaitan ni Pres."

Natahimik siya sa sinabi nito, alam niya kasi na hindi lang 'yon dahil sa kabaitan. She was not an expert pero siguro dahil na rin siguro ilang beses siyang nnkasalamuha ng mga psychologist, he managed to observe human behavioral pattern.

It was encourage by her brother, sahil ang katwiran nito, in the real world, she should know how to read people like a book.

Wala na rin siyang masabi dito but Paula talked to her everything around the sun, alam niynag maypagka introvert ito, but she like to tell her stories most of the time.

Tumunog na ang bell tanda na simul ana ng klase, at hindi pa rin niya nakita si Matthew, hanggang sa lunch break.

"Finished everything?" salubong niya dito nang umupo sa tabi niya.

Siya na lang ang natira sa room nila habang pinauna na niya si Paula sa canteen, katwiran niya kasi ay aantayin lang niya si Matthew sandali.

Kita niya ang pagal sa mukha nito huminga ito ng malalim bago umupo sa tabi niya.

"Hindi pa, andami pang aasikasuihin, we still need to buy materials for tomorrow, kukunin ko mamaya ang budget sa principal," sagot nito sa kanya.

"Hindi ko naman na responsibility 'yan, Matthew, bakit ba ang hilig mong pahirapan ang sarili mo," aniya dito.

Kimi lang siya nitong nginitian, "Its not bad helping them Adrianna."

Napailing siya sa katwiran nito. "Helping is not bad, but abusing kindness is. You're just s student Matthew, your responsibility is only to study. You also burdened yourself in my own circumstances, but I am getting a hang of it. Kahit na madalas na ayaw ko pa ring makipagusap sa ibang taon, but my grades are getting better."

"Hindi ka pabigat, besides, matalino ka naman, within just a week, I already notice your progress. You are not a burden to anyone," sagot nito sa kanya.

Tahimik lang niyang pinagmasdan si Matthew, hindi bai lang beses na rin niya sinabi sa sarili niyang hindi na dapat siya makialam pa dito. But somehow she just can't.

"I already said what I said, just make sure to take care of yourself."

Nakangiting tumango lang ito sa kanya, siya naman ay wala na ring nagawa kung hindi ang huiminga ng malalim saka puntahan si Paula cafeteria.

Sigurado kasi siyang nag-aantay na ito sa kanya.

Hindi na rin niya inaya pa si Matthew na kumain, she already said a piece of her mind, she just hope that nothing will happen.

THIS is the first time na halos lahat na lang ng trbaho para sa student council ay bigla na lang na ipinasalo ni Matthew. Noong una kaya lang naman siya nandoon para magrepresent ng kanilang senior batch.

Pero dahil na rin siya ang pinakamatanda sa lahat at halos hindi na magkadaugaga ang president ng student council sa pagaasikaso sa foundation, ay wa na siyang nagawa.

Siya ang inasahan ng mga teacher magving ng mga members ng student council. Magi-isang linggo na at kahit siya aaminin niyang napapagot na rin siya sa mga nangyayari.

Una sa lahat pagkatapos ng klase ay kailangan niyang mag-tutor ng ilang mga kapit bahay niya para na rin may sarili siyuang pera na pang-gastos sa eskwelahan.

Siya ang nagaasikaso ng bahay, maging ang mga schoolworks niya, kailangan din niyang i-maintain ang mga grades niya para sa scholarship, idagdag pa na kahit nag anito pa lang kaaga gusto niyang masigurado na maayos na ang lahat bago siya makapag take ng entrance exam sa mga napili niyang university sa susunod na taon.

Mabuti na nga lang talaga na pagdating sa classroom ay wala naman siyang intindihan at nandoon si Aaron kung sakaling may kailangan ang mga kjaklase niya.

"Matthew, ito na pala ang budget na'tin para sa props na kakailanganin ng SC Members," sab isa kanya ni Heidi, ang Auditor ng Student council. Inabot nito sa kanya ang pera.

Tatanggapin sana niya 'yon nang may maalala siya. "Sa'yo na muna, may pinapagawa lang sa'kin si Ma'am Rosales, then pwede na tayong bumili ng materials bukas."

Agad naman itong tumango sa sinabi niya, bago siya naman ay muling binalik ang atensyoin niya sa mga dapat niyang gawin.

Not even knowing na bila na siyang sasabit sa gulo na wala man lang siyang kamalay-malay.

"SORRY," iyon ang agad na sambit ng isang estudyanteng nakabangga ni Adrianna, wala kasing klase ngayon dahil may meeting ang mga teachers dahil na rin siguro sa nalalapit na foundation.

Nitong nakaraan ay unti-unti nang nagniningil ng funds si Paula para sa booth na gagawin nila this foundation.

Sa pagkaaalala niya ay magtitinda ata daw sila ng crepes, may kilala kasing mahihiraman si Aaron, at ang sabi nito ay pinaubaya na sa kanya ni Matthew ang pagde-desisyon dahil na rin busy ito sa sa Student council.

Kaya ito siya naghahanap ng pwede niyang mapwestuhan para makatulog, pero bigla na lang silang nagkabanggaan ng isang estudyante.

Bago pa niya makita kung sino ang nakabangga niya ay agad naman itong tumalilis ng alis, na para bang may humahabol dito na kung ano.

Nagtatakang sinundan lang niya iot ng tingin hnaggang sa may napansin siya sa may sahid, it was a coin purse, at nakit aniyang may laman itong pera.

Gusto sana niya 'yon na ibalik pero hindi na niya maalala kung sino ng aba ang nakabanggaan niya.

Napabuntong-hiniga siya, gusto sana niyang umidlip pero ngayong kailangan pa niyang ibalik ang perang 'to sa may-ari.

Nagdesisyon siya na puntahan ang adviser nila baka sakaling matulungan siya nito na maibalik ang perang hawak niya sa mismong may-ari. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
When Two Worlds CollideWhere stories live. Discover now