Madami na akong naikwento sa inyo tungkol sa mga teachers ko but wait there's more. Gaya nga nang sinabi ko madami na ak ong naikwento sa mga napagdaanang teachers sa kwento ko(paulit-ulit? unli? unli?) hehe ^.^ o sya magpapakilala na ako. Ako pala si NOGARALEUGIM pero tawagin nyo nalang akong AYEL upang hindi na kayo mahirapan bigkasin ang pangalan ko. Ewan ko ba bakit ang hilig kong pahirapan yung mga readers ko unawain ang mga story ko pero unang story ko lang naman talaga ito. Siguro napansin nyong sobrang layo ng title at description ng story ko sa content nito? Sa katunayan kasi hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit typographical errors ang napili kong title ng story ko. Pero bilang walang kwentang tao alam ko na siguro ang sagot sa tanong ko. Dahil may typographical error din ang utak ko. Ang totoo nahirapan ako bigyan ng title ang story kung ito pero nabibigyan na ng linaw ng paisa-isa kung bakit.. Saan ba kayo nakakita na ang about the author nasa kalagitnaan ng kwento? Bago ko nga pala makalimutan nais kong magpasalamat sa mga teachers ko na nabanggit ko na at babanggitin ko palang at sa mga classmates ko din na uhmm... hindi ko alam kung ano ang naitulong nyo sa akin sa paggawa ng mga librong ito pero may special thanks ako sa mga readers ko kung sakaling magkaroon ako ng mga readers. Siguro alam nyo na rin kung bakit naging typographical errors ang title ng story ko. Saan ba kayo nakakita ng acknowledgement sa kalagitnaan din ng story. Ano na kaya ang nagiging tingin nyo sa akin? Abnormal na ba o mentally retarded na tao?
-0-
Maraming nagsasabing may potential daw ako maging writer at marami din naman nagsasabing wala daw akong potential pero ano sa tingin nyo meron o wala? Madami na akong nagawang story pero lima lang talaga yun ^.^ may mga story ako na nagawang komiks kaya lang nung ginawa ko silang komiks instead na tao yung character naging halimaw kaya itinigil ko ang gawain kong iyon kaya nagpokus nalang ako sa paggawa ng mga story mahilig ako gumawa ng action story pero mas favorite ko padin yung mga tulad nitong narrative. Sa totoo lang mas madami akong narrative na nagawa kesa sa mga story na may kinalaman sa action o kung ano pa man. Nga pala salamat sa mga nang-uto sa akin na may potential ako maging writer kaya heto ako ngayon nagawa ng isang non-sense narrative story maraming thanks nga din pala sa mga taong nagsabing wala akong potential maging writer kung wala kmayo hindi ko mapapahaba itong part na ito. Pero may tanong talaga ako may potential ba ako as a writer o wala? Vote wisely. Mahirap talaga maging isang potential writer kahit hindi ko alam kung isa akong tao na may potential. Mahirap talaga maging matino at effective na writer kasing hirap ng pagiging matinong tao o di kaya perpektong nilalang. Gaya ng ilan ewan ko lang talaga kung may ilan dyan na sige sulat lang ng sulat ng kung ano ang pumasok sa isip nila na kagaya ko ay ang katwiran ay mahirap humuli ng magandang idea o di kaya kaisipan kaya ginagawa na nila kung ano ang maisip nila. Ang totoo kasi balik tayo sa sarili ko napagtripan ko lang talaga gumawa ng mga kwento at ng kung anu ano pa na may kinalaman sa literatura o literature o pagsusulat o pagkwekwento o... basta mga ganun na bagay hindi ko hilig magsulat o mag-isip ang hilig ko talaga ay hindi ko alam sa sarili ko. Ngayon ko lang napansin grabe yung spacing ko sa umpisa ng paragraph at kanina pa ako paulit-ulit sa mga sinasabe ko siguro naririndi na kayo kaya tatapusin ko na ang parteng ito at madami pa akong ikwekwentong walang kapupulutan ng aral.
VOUS LISEZ
Typographical Errors
Non-FictionIto ang kanyang kwento kung saan na may kinalaman sa mga pangyayari sa kanyang buhay sa mundo at walang kwentang school life. Nakapaloob dito ang mga bagay na nararanasan at nakikita nya sa paligid nya araw-araw. Isa itong inspirational para sa mga...
