This day is a happy one! I ate lunch at the cafeteria with my best friends, Maui, Vanessa, Hera, Dani, and Alanna. Sobrang saya nilang kasama. As in! I never felt being lonely and out of place whenever I am with them.
Hera, being the usual competitive she is, listed our orders and volunteered to get in line for us. Thanks to her charm, she managed to cut the line and get our foods easily.
Pretty privilege.
Ang saya nilang ka-kuwentuhan lalo na't madadaldal sila. Maliban nalang kay Vanessa na kadalasan ay tahimik at nakikinig lang samin. She's the introvert of our group kasi.
Pagkatapos mag lunch, bumalik na agad kami sa room. Mahirap na, terror pa naman ang next teacher namin. Luckily, sa isang section lang kami lahat napunta. Magkakalapit lang din kami ng mga upuan kaya madalas kahit may discussion, palihim kaming nagdadaldalan.
Hindi naman ako nakokonsensya. Mas interesado akong makipag daldalan sa mga kaibigan ko kesa makinig sa boring na lectures. Kahit terror at mabunganga ang teacher na nasa harap namin kanina, gumawa parin kami ng paraan.
May pinasa sa akin si Dani na folded paper. Binuksan ko yun at nakita ang:
'skip tayo ng next class, so boring eh. ano, g ba kayo? pass the paper to the rest ;)'
So ayun nga, pumayag ang lahat kaya pag labas na pag labas ng terror naming teacher, tumakbo na agad kami palabas ng room. Syempre hindi ko nakalimutang dalhin ang camera ko. Narinig ko pang tinawag ako ng class president namin pero hindi namin siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo papunta sa rooftop ng building namin. Hindi rin naman kami makakalabas ng school dahil mahigpit ang security kaya dito lang kami tumatambay kapag nag cu-cut kami ng class.
Pagbukas ko ng pinto, sumalubong kaagad ang malamig na hangin sa amin. Medyo makulimlim ang langit at parang maya-maya lang, aambon na, pero hindi namin iyon inalintana. Some may say na pasaway kami, pero ang totoo, gusto lang naming i-enjoy ang school life namin. Nag-aaral naman kami paminsan-minsan. Okay na 'yon. Nakakapasa naman kami.
Inenjoy muna namin ang malamig na hangin at maya-maya, nagpatugtog si Maui and they started dancing. My friends love dancing kaya hindi na ako nagulat.
🎶Stay in the middle, like you a little Don't want no riddle 🎶
Dahil hindi naman ako mahilig sumayaw, pinanood ko nalang sila. But then I realized na dala ko ang camera ko kaya I decided to film them. Halos lahat ata ng ginagawa namin together, vini-video-han ko. Wala lang, for memories siguro. The sight of them dancing and smiling made me smile too. I love them so much and i can feel that they love me too. I enjoy being with them so much, I can't even explain this feeling. Parang minsan nga ayoko nang umuwi kapag kasama ko sila.
sincerely happy, Cassandra
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.