Thirty-Second

1.8K 106 24
                                    


"Gab!!!!"

"Gab!!!!"

"Gaaaaab!!!!!"

Panay ang sigaw ko. Hinahanap ko ang kapatid ng gagong lalake na iyon.

"Ano ginagawa mo sa bahay ko Mia? At bakit ka sumisigaw?"

Nagulat naman ako nang bigla siyang lumitaw mula sa kusina. Isang simpleng apartment lamang ang tinitirhan niya. Malayo sa mga magagarbong bahay ni Terry.

"Gab, pwede patulong?"

"Hihingi ka ng tulong kaya ka sumisigaw?" Lumapit naman sa akin si Gab.

"Eh kasi naman... kailangan ko talaga tulong mo..."

"What is it?"

"Bigay to sa akin ni Terry." Ipinakita ko kay Gab ang kwintas kay Gab. Kinuha niya naman ito mula sa akin.

"Kwintas? What about it?"

"Nakikita mo ba ang mga marka sa pendant na kahoy? Sa tingin ko clue yan para mahanap natin si Lily."

"Diba kinuha na nila si Lily?"

"Bogus Lily iyon. Itinago ni Terry ang totoong Lily. Kaya ko siya pinuntahan kanina, gusto kong ilayo sa kanya yung bata. Kung totoo man na masama ang mga tunay na magulang ni Lily hindi pa rin naman tama na si Terry ang aangkin sa bata. Mas mainam kung ang DSWD ang kukuha sa bata o ano pang ampunan."

"Alam mo kung bakit hindi yumayaman ang mga tulad ninyo?"

"Anong konek—"

"Kasi pinoproblema ninyo ang problema ng iba. Buti sana kung binabayaran ka para mamroblema. Hindi mo responsibilidad ang kapatid ko. Buti sana kung kayo. Eh hindi naman diba?"

"Ang galing mo naman. Eh ikaw nga hindi rin mayaman. Paano mo mapapatunayan yang paniniwala mo kung ikaw mismo ay nagiging isang pobre na."

"Pobre? Kung ano ako ngayon...yan ang ginawa sa akin ng kapatid ko.Kinuha niya lahat ng pinaghirapan ni Papa. Lahat na dapat ay akin.Walang natira sa akin Mia. Lahat ng meron ako ngayon ay pinaghirapan ko. Pinaghirapan at hindi ninakaw!"

"Whatever! Tutulungan mo ba ako o hindi?"

"Morse code."

"Huh?"

"Morse code yan. "

"Oh. Paano ko ito idedecode?"

"C"

"Parehas talaga kayong maarte!"

"E"

"Demanding!"

"L"

"Eto pa ha? Parehas din kayong demanding!"

"E"

"Kunwaring mysterious pa!"

"S"

"Magulong kausap!"

"T"

"Sakit sa ulo!"

"E"

"Paano ko nga idedecode?!"

"Kasasabi ko lang sa iyo ng kahulugan --"

"at magsisinungaling ka pa huh? In my face?!!"

70 DeadlyWhere stories live. Discover now