Twenty- Eighth

2.2K 128 30
                                    

"70 Deadly tapos ang iuutos mo sa akin ay mag-alaga ng bata?! Bakit ha? Tyanak ba yun?!"

Magkasama pa rin kami ngayon ni Terry. Kaalis lang naming ng bahay at ngayon ay nagmamaneho siya ng kotse habang ako nasa tabi niya.

 

"Kukunin ko siya sa ampunan ngayon. Don't worry behave yun. She's just three years old."

 

"Hindi ako marunong mag-alaga ng bata. Tsaka natatakot ako baka magkasakit siya, masugatan, umiyak dahil sa akin. Yun nga ingay kagabi na isang pusa lang pala ay grabe na ang kaba ko paano pa kaya kapag sa pag-aalaga na ng bata."

 

"Hindi siya mahirap alagaan. I took care of her for a year and a half.You'll definitely fall in love with her when you see her. "

 

"Fall in love? Is she yours?"

 

"Is she yours Terry?"

 

"Hoy! Nag-ingles ako hindi mo na pinansin!"

 

"She—" Napatigil si Terry.

 

"She's not mine." Sino ba ang tinutukoy ko? Si Lucia o ang anak niya? Naisip ni Terry.


"You fell in love  upon seeing her?" Tanong ni Lovely. Napaisip tuloy si Terry...



Lucia...


When did I start loving you? Or when did I love you? I don't love you.Anymore.Right?


Takte ano ba Morgan ang bata ang tinutukoy niya!


"Oo naman. She's perfect. The baby—The baby's perfect."

"Eh bakit ka nabubulol Terry?"

 

"Hindi siya akin pero mahal ko siya." Ang anak ni Lucia ang tinutukoy ko at hindi si Lucia. Ang gulo ng isip ko. Eto't nagmamaneho pa naman ako.

 

"Asan na nanay ng bata?"

"Why?"

"Anong why? Eh syempre nanay siya kaya hinahanap ko siya—" Napatigil si Lovely. Oo nga naman mas masahol pa siya sa nanay ng bata. At least binuhay ng babae ang sanggol unlike Mia Lovely.

 

"Lovely?"

 

"I killed my—"

 

"I know."

 

"Sa tingin mo yung mga tulad ko may karapatang magmahal at mahalin?"

 

"There's no point Lovely. Past na. Nangyari na yun. "

 

70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon