Fourth

4.7K 198 37
                                    

Lumapit sa akin si Rosemarie pero lumayo ako sa kanya. Ayaw ko muna ng kausap ngayon.Gulung-gulo ang isip ko. Hindi ko alam sino ang pwede kong pagkatiwalaan. Kanino kinuha ni Terry ang number ko? At paano niya naibalik ang projector sa lab namin? Malamang estudyante siya at baka kakilala ko.Nagpapanggap na-- si Rosemarie! Ang walang hiyang iyon! Siya si Terry!

"Rosemarie!" Ako na ang lumapit sa kanya at sinampal ko siya nang ubod ng lakas! Walang hiya! Ang tanga niya lang talaga para subukan niya akong lokohin!

"Ikaw si Terry!!!" Sigaw ko sa kanya. Namula ang pisngi niya. Sinampal niya  rin ako.

"Ano bang problema mo? Tanggap ko na ginagawa mo ako alipores mo lang pero kahit konting respeto naman Mia!"

"Ikaw si Terry!Ikaw talaga! Manloloko! Sinungaling!" Panay hampas ko sa kanya walang tumitigil sa amin dahil walang tao sa paligid. Buti na lang at walang tao magagawa ko ang gusto ko! Biglang tumunog ang cellphone ko.

Bakit mo naman sinasaktan best friend mo? Parte ba yan ng order ko? :)

#wild #hot

bullsh*t!!!!!

"Rose--Rosemarie...sorry" Nakatulala lang sa akin si Rosemarie. Nagkamali ako.Hindi ko siya dapat sinaktan.Pesteng Terry! Mamatay ka na!

"Ano ba talaga ang nangyayari Mia? Pagkatiwalaan mo naman ako.Kaibigan mo ako.Kahit ganyan ka,mahal kita."

Kwinento ko lahat kay Rosemarie. Kahit siya hindi makapaniwala.

"Balikan natin ang computer shop.Baka naman nandoon lang si Terry. Baka pwede natin siyang kausapin..."Sagot ni Rosemarie sa kwento ko sa kanya.

"Kausapin? mamamatay tao yun! Gusto mo bang mamatay ha Rosemarie?!" Magulo na ang isip ko. Hindi ko na alam anong dapat gawin. Magsusunud-sunuran ba ako sa isang psycho?

"Halika. Pupunta tayo dun." Hinila ako ni Rosemarie. Sa pagpasok pa lang namin sa computer shop ay nanghina na ako. Kung hindi naman ako gaga. Kung hindi ko yun ginawa sana tahimik pa ang buhay ko. Sana walang Terry na nanggugulo sa akin ngayon. Wala sanang nasaktan. Ako ang may kasalanan ng lahat na ito.Ako.

"Excuse me? May Terry Morgan ba dito?"Tanong ni Rosemarie sa tagabantay ng shop.

"Ha?" Napailing ang babae. "Hindi ko yun kilala at bago lang ako dito. Baka si Robbie,baka kilala ni Robbie."

Sh*t! Sinong Robbie? Baka siya si Terry! Nababaliw na talaga ako!

"Sino si Robbie?" Tanong ni Rosemarie sa babae.

"Anak ng may-ari nitong shop. Nasa Maynila siya ngayon.Darating yun mamaya. Siya yung laging nakabantay dito. Ayaw niya pang tapusin ang pag-aaral niya eh, spoiled." Sagot ng babae.

"Ang dami niya naman alam tungkol sa Robbie.Siguro bet niya yun."Bulong sa akin ni Mia. Halata naman naintindihan siya ng babae. Sumagot ito.

"Tibo lang ang hindi magkakagusto dun. Hindi ninyo siya napapansin dito?Weh? Yung matangkad na gwapo, yung--"

"Okay na ate.Alam na namin talambuhay niya.Pakisabi hinanap siya ni Rosemarie at Mia.Babalik na lang kame mamaya." Tumango ang babae at lumabas na kami ni Rosemarie.

"Anong plano mo Mia?" Tanong sa akin ni Rosemarie.

"Hindi ko alam."

May text.

70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon