TST~ Chapter 20: Facing Fear

Magsimula sa umpisa
                                    

 “So… you’ll apologize right?” straight na para makauwi! Di ko na siya kinakaya eh!

 “Yeah. Uhm, I don’t know how to begin… I… uhm…” para siyang di mapalagay.

 “Okay, ganito. Start on the reason why you are saying sorry.” Payo ko. Gosh, pati dito di ko napigil yung pagiging advisor ko.

 “Sige. I want to apologize because I really messed up before. You know, when we were in highschool. Marami akong hindi nagawang mabuti noon. I really want to say sorry to you. For all of the things I did. I was stupid back then. Di ko alam na marami na pala akong nasayang na pagkakataon. Sana nakinig na lang ako kay Jace.” Nailing siya. Pero di siya nakatingin sa akin.

 “Yeah, Jace was really nice.” He looked at me then umiwas din.

 Bumuntong hininga siya.

 “I want to apologize because I know I hurt you. Gusto ko sanang humingi ng tawad nung graduation pero di ka umattend. Sabi ng madre noon sa ampunan, may nag-ampon na daw sa’yo at umalis kayo ng bansa.” Huh? Alam niya kung saang ampunan ako noon? Pero paano? Hindi ko iyon sinabi kahit kanino dati. Kahit pa sa mga kaibigan ko. Hindi niya ata ako napansin kasi tuloy-tuloy lang siya.

 “I tried to find you pero hindi mapakiusapan yung madre. Even Dad tried to.” At pati ang Dad niya nadamay? Balita ko ay makapangyarihan ang mga Salcedo dati sa lugar namin noon.

 “Bakit?” Nagulat ako na sakin mismo nanggaling ang pagtatanong. Pilit ko pa ring tinatago yung nararamdaman ko. Ayokong malaman niyang apektado ako.

 “Kasi may narealize ako. Akala ko may pagkakataon pa. Pero nahuli ako.” Ngumiti siya ng mapait.

 Teka nga, kung nanghihingi siya ng tawad ibig sabihin balewala lang yung mga pagpaplano ko noon na gantihan siya? Ibig sabihin… Pero sinaktan niya ako noon. At kilala ko ang sarili ko. Di ako matatahimik hangga’t hindi ako nakakaganti.

 “After that, umalis din ako ng bansa. Sa Europe ako nag-aral ng business degree. Inayos ko ang buhay ko. Hoping that I can fill the hole in my heart by doing what is right. I took over the family’s business in Paris. And it went well. Pero may kulang. That’s when I decided na bumalik dito sa Pinas. Dahil na rin sa payo ni Jace. Natuwa nga siya ng finally, sinunod ko na siya.” Napailing siya.

 “Why are you telling me this?” Ayoko kasing maguluhan eh. Puro pa siya paligoy-ligoy.

 “Because I want to be forgiven by you. Will you give me that?” At parang nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya.

 How dare him! Ganun na lang ba siya hihingi ng tawad? No way! Hindi ko ibibigay sa kanya yon! Neknek niya! Napatayo ako sa inis.

 “And you just want me to forgive you easily? Wow! Ang lakas din ng loob mo ah! You haven’t given me any reason why should I forgive you. Bakit naman kita patatawarin? Dahil lang hiningi mo? I’m sorry but I can’t forgive you. Not today, not ever!” paalis na ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Pumunta siya sa harap ko at nagulat ako sa ginawa niya.

 Hindi ko inaasahang luluhod siya sa harap ko. Yes, mga kapatid! Luhod talaga!

 “I understand you. Alam kong hindi ganoon kadali ang magpatawad –”

 “No! You don’t understand what I feel! Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan! Hindi mo alam kung gaano katagal naghilom yung sugat na nilagay mo dito! Wala kang alam!” nanginginig ako sa inis. Lalo pa akong nainis ng maramdaman ko yung mga pesteng luha ko na pumapatak na naman.

 “I’m sorry! I’m really, really sorry. Handa kong tanggapin lahat ng galit mo –” hindi na niya natuloy yung sinabi niya ng automatic na maglanding yung palad ko sa pisngi niya.

The Sex TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon