• Ako Lang •

171 36 60
                                    

May kaibigan ako na simula bata pa lang ay kilalang kilala ko nia. Alam ko lahat ng hilig niya sa musika man o palabas, alam ko rin ang kahinaan niya pati na rin kalakasan.

Sa piling ng mga matatalik naming kaibigan ay masaya at masigla siya pero kapag nag-iisa ay malayo ang mga tingin ni hindi man lang makangiti.

Noong makapagtapos na kami sa elementarya at humantong na sa sekondaryang paaralan ay sinabi niya sa akin na doon na raw nagsimulang magbago ang buhay niya.

Natutuwa siya't marami na siyang kaibigan at pakiramdam niya na dito na niya matatagpuan ang mga taong pahahalagahan siya at di siya kakalimutan, iiwan o aastang di siya naging kakilala.

Sa kagustuhan niyang tumanggap ng mga taong nais pumasok sa buhay niya ay nakagawa siya ng isang desisyon, hindi ko alam kung tama ba iyon o mali. Alam iyon ng iba naming kaibigan at natutuwa kami na nung sinabi niya yun sa magulang niya ay natanggap nila ito kahit papaano.

Pinabayaan ko siya kahit naiisip ko na parang mali pala. Nirerespeto ko ang desisyon niya dahil siya ang may alam sa gusto ng puso niya.

Masaya siya, yun ang sabi niya sa akin. Masaya siya kasi minahal niya yung taong 'yon. Masaya siya kasama yung taong 'yon. Ang sabi pa nga niya sa akin ay sila na daw hanggang huli.

Pero alam mo ba ang nangyari?

Isang araw, lumapit siya sa akin at umiiyak siya. Kahit wala pa siyang binabanggit na salita ay ramdam ko na ang bigat ng lungkot na dinadala niya. Umiiyak siya kasi akala niya magiging masaya na sila hanggang huli. Bawat luhang tumutulo sa mukha niya ay nagdadala ng kasawian. Ramdam ko ang sakit dito, dito sa puso ko. Ang sakit sakit. Bakit ba kailangan niyang pagdaanan to?

Ako lang ang may alam ng lahat ng nararamdaman niya, sa akin niya lang sinasabi. Sinasabi niya lahat sa akin kapag nagkikita kami pagkagaling sa eskuwelahan at kapag mag-isa na siya.

Nagkikita kami tuwing tumitingin ako sa salamin.

Ako langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon