Nakarating kami sa parking lot. Hawak hawak ko pa din kamay ko kasi mahapdi na mainit kaya. Grabe! Ang laki kaya ng kamay nya, ang liit lang ng kamay ko. Tsk

Habang nagmamaneho sya, bigla sya nagsalit.

"Masakit pa ba? I'm sorry cru-- Athena pala." Sabi nya sabay kamot sa ulo

"Just drive!"

"Ok"

Tahimik kaming nasa byahe. Walang umiimik, walang anumang ingay ang maririnig.

--

"Athena.. athena.. We're here."

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Takte! Gaano kalayo 'tong park na 'to para makatulog ako ng ganun kahaba?! Sguro traffic? Ano ba yan! Nakakahiya!

"Sorry, nakatulog ako"

"It's ok. Traffic din naman eh. Tara na" yaya nya sakin

Bumaba na ako ng sasakyan nya at inayos ang buhok at damit ko.

Umupo kami sa swing. Totoo nga, andaming bata dito kahit gantong oras pa. Kahit tirik yung araw, masayang masaya silang naglalaro. Wala silang pake kung madumihan o mangamoy init sila. Basta ang importante sa kanika, makapaglaro lang ng makapaglaro.

Hindi ko namamalayan na habang tinititigan yung mga batang naglalaro, nagsasalit pala si Jacob..

"Uhhm, excuse me Jacob? Ano nga yung sinasabi mo?" Sabi ko habang inaayos yung buhok ko

"Sabi ko na eh. Halatang aliw na aliw kang tignan yung mga batang naglalaro ano? May kapatid ka naman sguro diba?"

"Yes. Sorry. Sge na, simulan na natin yung project."

Nagsimula na kami sa dapat naming gawin. Sinusulat namin ang mga nakikita namin at ginagawan ng mga observations. Ginawa naming tama ang lahat. Syempre noh? Gusto namin ng mataas na grades noh, kaya pagbubutihan namin 'to. Tsaka ayoko namang bumagsak dahil lang sa ayaw kong maka partner tong si Jacob.

Hindi naman ako man hater eh. Sadyang nasanay lang talaga ako ng umiikot mundo ko sa family and books. At, natuto na din ako sa past, kaya ayoko na ding masaktan noh. Ha ha ha

Habang busy ako sa pagsusulat, narinig ko na lang na nag paalam si Jacob kasi may pupuntahan? May bibilhin? Ewan. Busy ako, wag ka! Haha

Nung makabalik sya, nakita ko syang may bitbit na pizza at balot ng KFC. Ang yaman naman ng lalaking 'to.

"Ang dami ha"

"Para din yan sa mga bata don oh." Sabay turo doon sa mga batang kalye.

Tinawag nya yung mga bata at pinapila. Binigyan nya tig iisa ang mga bata ng pizza.

Mabait din pala 'tong si Jacob eh. Halatang mahilig sya sa mga bata. Ang cute lang tignan.

Hindi ko namamalayan na habang nakatalikod sya, nakatitig na pala ako sa kanya.

"Oh. Easy, baka matunaw ako."

"Ay, baliw!"

Tinapos na namin ang dapat na tapusin. Umabot din kami ng alas 2 sa park. Nakaramdam na ako ng pagod kaya niyaya ko na sya pauwi.

Hinatid nya ako sa labas ng subdivision. Ayokong makita sya nila mommy noh! Baka ano pa isipin nila.

"Dito na lang ako. Salamat. Next time naman yung iba" sabi ko sabay alis

NAglakad na ako palayo kasi alam kong may sasabihin pa sya. Di ko na kaya, masakit ulo ko. Gusto ko na magpahinga o matulog.

Nakarating ako sa bahay. Wala si kuya, wala pa din sina mommy at daddy. Umakyat akl sa taas at naligo. Kinuha ko yung iPad ni kuya.

Binuksan ko fb ko para dakawin ako ng antok. Naalala ko, nag send pala ng request sakin si Jacob.

Syempre, inaaccept ko na. Isa pa, classmate ko din naman sya eh. Ka-partner pa sa projects.

Nung mag lo-log out na sana ako, may bigkang na pop out na message sakin. Si Jacob

Jacob Padilla
Thank you

Athena sy
Para sa project. Joke. Welcome.

Pagkatapos, nag log out na ako at natulog.


--

6:30 pm na nung ginising ako ni mommy. Ang haba pala ng tulog ko. Napagod talaga ako sguro sa ginawang project kanina.

"Athena honey, kain na tayo" sabi ni mommy

Dinilat ko yung mata ko para tignan kung sino yung gumigising sakin. Buti na lang si mommy, at hindi si kuya.

"Ok mommy. Bababa na po ako." I replied

"Bilisan mo ha? Para makatulog ka na ulet." She said tapos she kissed my forehead.

Bumaba na ako ng kwarto para kumain. Andito pala si ate Maegan. Habang kumakain, masayang pinagpa-planuhan nila kuya ang magiging binyag at wedding nilang dalawa. Ang swerte ni Ate Maegan kasi isang Gabby Sy ang napangasawa nya. Mabait na, gwapo pa. Kaya hindi rin ako nagtataka kung bakit na inlove si ate Maegan kay kuya. Minsan nga pinapangarap ko na sana katulad ni kuya yung magiging mapangasawa ko balang araw.


After dinner, umakyat na akl sa taas para matulog na. Masakit talaga ulo ko eh.

Pinatay ko na yung ilaw at pumikit na.

My Boyfriend Cheated On Me With My Best FriendWhere stories live. Discover now