"Jusko Jho, kulang ka na naman sa gamot" litanya ni Cole

Napailing na lang ang iba at nagsibalik sa mga ginagawa nila

Samantalang irap lang ang naging sagot ni Savy sa banat ng kadadating lang na si Jho

Sanay na sanay na sila kay Jho na palaging may banat sa kaibigan nila.

"Di mo ba ako namiss? " bulong ni Jho sa katabi nya na busy sa pagbabasa

"Kailan ba kita namiss!" banat naman ni Savy

Inis na yan, she's studying kasi

Kitang kita nya kung paano tumawa ang mga kaibigan nya kahit wala iyong sounds. Mga bwiset

"eh bat ako, miss na miss kita" bulong ulit nito na ikinairap naman ng isa

"kakakita lang naten kaninang Umaga Jho, umayos ka nga.. nagbabasa ako" iritadong sabi ni Savy

Nanahimik naman ang isa at nagbasa na lang din. Nasa library sila. Kasi exam week na next week.

---

--Some random day in the Univ--

Naglulunch sila ng tumunog yung mga speakers sa Cafeteria. It's the radio program every lunch break

"Oh Hi everyone. This is Juancho of your Biniverse Radio. Before we start our program. Let's read some greetings from our students"

"This is from Cutie pie 102..." nag pause pa yung speaker bago ituloy yung binabasa

"Savy, Dumami man ang tao sa school na to. Ikaw pa din ang hahanap hanapin ko. Hindi tayo tao, hindi tayo hayop. Eh ano tayo. Bagay. Bagay tayo. Sayong sayo lang ako"

Tawang tawa nag mga estudyante sa narinig. Dahil kilala na nila kung sino yung nagpadala ng greetings na yon

"Putek, si Jho na naman to no? " rinig na rinig sa radio yung sinabi nung speaker kaya lalong nagsitawanan ang mga estudyante dito

"Juancho, naka on pa ang Mic mo"

"Ay shit" tapos biglang nawala na yung nagsasalita sa radio

Pulang pula na naman si Savy sa narinig. Hindi na ito bago sa kanya ngunit nakakahiya lang talaga na madalas syang laman ng greetings tuwing lunch. At galing iyon sa kaibigan nilang si Jho

"ouch naman" sabi ni Jho ng kurutin ni Savy ang tagiliran nito

"Bwiset ka talaga" sabi ni Savy kay Jho

---

---Sport fest---

"JHO, di ba ikaw nag nag design ng org shirt ng broadcasting club?" tanong ni Mikha sa nananahimik na si Jho

"Oo, its me" masayang sagot ni Jho kay Mikha

"Announcement: To Jho of the broadcasting club, kindly proceed to the radio station" namutla naman bigla si Jho na parang hindi ineexpect ang announcement

May event kasi bukas and we are required to wear our orgs shirt

Labag man sa loob nya ay napilitan syang tumayo at pumunta sa Station.

Nang makapasok sya. Agad syang nakatanggap ng batok kay Aliah

"Sabi namin Jho, org shirt. Hindi Fan shirt!" sabi ng isa pa nilang kasamahan

Tumawa lang si Jho ng makitang suot ng mga ito ang HOT PINK polo na ipinagawa nya. May nakalagay sa harap nito na logo sa may bandang upper right tapos pangalan ng org. Okay naman sana kaso pag tiningnan mo ang likod. May pangalan nila. Tapos sa pinaka baba. May nakalagay na. "SAVY SEVILLEJA STAN".

"Guys, ito kukumpleto dyan" hinubad nya yung shirt na suot nya. At nareveal yung hot pink shirt na suot nya with Savys' portrait.

"Jho, last mo na to" sabi pa ng isa nilang kasamahan

Tuwang tuwa sya sa reaction ng mga ito

"Ano bayan. KJ nyo naman e. pano na ko mapapansin ng crush ko nyan"

"Hays, fine. It's just a prank shirt okay. Wag nga kayong high blood dyan. Ayan yung totoo o" tinuro ni Jho yung box na nasa gilid. Agad naman itong binuksan ng kasamahan nya.

"Pero before that, picture muna tayo" wala na silang nagawa kundi magpose at magpapicture. At least prank lang di ba.

Nasa cafeteria ang magkakaibigan ng mag update ang page ng school nila.

At halos maibuga ni Savy yung iniinom nya ng makita ang naka post doon.

"The broadcasting team and their new org shirt. Designed by yours truly" –JHO

Halos hindi naman makahinga ang kaibigan nila kakatawa

"Gago ka talaga Jho, bakit mo naman nilaro" tawang tawang turan ni Cole na humahampas pa sa lamesa

"Glad, hindi ko sya kasama sa club" sabi naman ni Gian

"Hanep na Org Shirt yan, kaya pala ganon Expression nya nung pinatawag sya" tawang tawang sabi ni Mikha na nagpupunas na ng luha


Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCeyWhere stories live. Discover now