chapter 20

29 18 0
                                    

Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas, lumalala na ang sakit ni Mama. Halos hindi ko man sinasabi sakanya, pero malimit naliban din ako minsan sa school para lamang makapasok sa trabaho. Hindi ko kasi kinakaya ang mga studies at tiyaka mga assignments na ibinubuhos sa amin ng professor, at halos ang deadline namin napakadali! Hindi pa nga din ako nakakapag-sagot ng kahit isa dahil I was working at a local café.

Grabe, ang hirap talaga ng buhay. Kahit ninais ko paring maging isa sa mga academic achievers, alam ko sa sarili ko hinding hindi ko na ito maitutupad. Halos ang dami ko nang incomplete activities, at kahit sinasabi ko naman sa sarili ko lalapit na lamang ako sa professor namin o kaya kila Ced, hindi ko talaga magawa dahil halos parang mismong full-time na trabaho ang ginagampanan ko e.

Si Mama nahihirapan na ding kumilos dahil masakit na ang kanyang katawan. My siblings? They were still at my Aunt's house. Kahit nais ko rin sa kanilang sabihin na nahihirapan na si Mama, ayaw talaga niyang ipaalam sa mga kapatid ko. Nagulat pa nga din ako at dahil na mag-pinsan pala si Patrice tiyaka si Ced! Hindi ko na namalayan at Hindi naman din kinekwento ng boyfriend ko sa'akin.

Pati siya busy sa school works at tiyaka sa pagiging student Council niya, e. And I understand him naman, kahit ako sa umaga ay estudyante, sa gabi ay cashier sa isang maliit na café. Tapos sumabay pa ang paglilinis ng bahay, pamimili ng groceries, pagluluto ng pagkain, at marami pang iba.

Kahit ako gusto ko na ding magpahinga, ngunit sino ba ga naman ang kikilos kung ang aking Ama ay sugarol at sobrang takaw sa alak?

“Ma.. Kain ka muna.” sabi ko sakanya as she sat up, nang hihina na talaga si Mama.

“S-Salamat, nak. Pasensya na kung nagiging pabigat ako sayo.” saad niya sa'akin at ako ay ngumiti,

“Kailan man ay hindi ka naging pabigat sa'akin, Ma. Gagawin ko naman ang lahat para sayo, alam ko naman 'yan diba?”

I smiled softly at her as she nodded, Ma.. Sana'y maabutan mo akong magraduate ng college. Kaialangan din kita sa tabi ko, Ma.

"Mama, hindi mo dapat isipin na pabigat ka sa akin ha? Ikaw ang pinakamahalaga sa buhay ko," sabi ko habang pinapunas ang luha sa kanyang mga mata.

Ngunit sa kabila ng mga pangako at pagmamahal, hindi maiiwasang makita ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Nak, gusto ko lang naman na magkaroon ka ng magandang kinabukasan. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin kung mawawala ka sa akin."

"Nandito lang ako, Ma. Hindi kita iiwan," mahinahon kong sabi, ngunit sa loob-loob ko, tila lumalaki ang bigat ng responsibilidad sa aking mga balikat.

hindi ko napigilang tanungin si Mama, "Ma, kumusta ka na talaga?"

Napangiti siya sa akin ng mapangiti, ngunit kita pa rin sa kanyang mga mata ang sakit at pangamba. "Okay lang ako, anak. Huwag kang mag-alala. Ikaw ang dapat kong alalahanin."

Sa bawat sagot niya, ramdam ko ang paglalakas ng kanyang loob sa kabila ng kanyang karamdaman. Pero sa aking puso, ramdam ko rin ang takot at lungkot sa hinaharap.

Sa mga sandaling ito, tila lahat ng mga pangarap at ambisyon ay unti-unting lumilipas sa aking harapan. Ang tanging nais ko na lang ay maging malakas para sa kanya, para sa aming pamilya.

"Mama, mahal na mahal kita," ang bulong ko sa kanya habang hinihigpitan ko ang kanyang mga kamay.

"Nak, mahal na mahal din kita," ang kanyang mahinang tugon, na tila isang musika sa aking mga tainga na nagsasabing hindi kami nag-iisa sa laban na ito.

Habang na tapos ko na rin pakainin si Mama, agad agad akong pumunta sa kuwarto ko. Luhaan. Clasping my hands together, I stuttered uttering out  a small prayer,

“Lord..” saad ko habang ako ay naiyak.

"tulungan mo po akong maging tanglaw sa madilim na landasin na ito. Patawarin mo po ako kung ako'y nagkulang, at gabayan mo po ako sa tamang daan."

Nanginginig ang boses ko habang patuloy sa aking panalangin,

"Nawa'y bigyan mo po ako ng lakas ng loob upang harapin ang mga pagsubok na ito. Huwag mo pong pabayaan ang aking ina, at tulungan mo po kaming malampasan ang hamon ng aming buhay."

Ang bawat salita ay tila pumipilantik ng bagong pagnanais na maging matatag, sa kabila ng mga unos na dumadating. Sa gitna ng aking panalangin, ramdam ko ang presensya ng Maykapal, nagbibigay sa akin ng kapanatagan at pag-asa.

"Hindi ko po alam kung paano ko kayang ipagpatuloy ang laban na ito," ang pagsisiwalat ng aking takot at kahinaan,

"ngunit umaasa po ako sa inyong gabay at awa."

Sa bawat salita, sa bawat hagulgol ng aking dibdib, alam kong naririnig ako ng Maykapal. Kahit masakit ang aking nararamdaman, I always find myself bowing down to the Lord. Finding a little bit of solace and knowing my worth.

Pumasok ang hangin sa loob ng aking kuwarto pagkatapos kong magdasal. Ang aking bibliya na nakabukas, the wind blew strongly, allowing it to flip pages as a little leaf landed on a Bible verse kung saan nakahighlight, at nakalagay:

’I have heard your prayers, and seen your tears; I will heal you.’

—2 Kings 20:5

Never Stopped Loving You ✓Where stories live. Discover now