"I'll answer na, gago kasi mga yon e. First kiss ko yung sa College night" sagot ko dito
Hindi ko sinasagot kanina because answering it will reveal what happened that night. Aliah knows I and Savy are together that night. And i don't want my girl na ma caught off guard kapag nalaman nya ang katotohanan.
Malakas confidence nyan pero sa ganoong bagay ay tumitiklop yan. Hindi nya nga tanda e.
Nanlaki pa ang mata nya na parang may naalala
Parang nainis pa lalo
"So you kissed the first year that night? Yung kausap mo? Wow. Ang bilis mo naman" Nagulat ako sa sinabi nya. Kumurap kurap pa ako sa accusation nya.
"What?" Tanong ko dito, making sure I didn't hear it wrong.
"Wag mo akong ma what what dyan. Baka di kita matantsa" sagot nito saken bago tumalikod at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Napakamot ako sa ulo
"Anong First year na sinasabi mo? Hindi yon ha" sabi ko dito
Lalo syang nainis. Pota. Pinapalala ko lang ata. Ay sa hindi naman talaga yon ang first kiss ko.
"So may iba ka pang kalandian that night?" Hindi makapaniwalang tanong nya. Where is she coming from?
I laughed. Shutek. Di nya magets. Paano ko yon gagawin kung buong college night, halos sya yung kasama ko.
Tumayo ito, hindi ko alam kung saan pupunta kaya hinawakan ko ang kamay nya.
"Gusto mo malaman kung sino?" Tanong ko dito making her face me.
She's losing her patience. Mamaya bibirahin na ko nito.
I took a step forward. Kaya napaatras ito hanggang sa tumama ang likod sa pader at wala ng maatrasan pa.
"Super lasing sya that night, inihatid ko sya sa room nya, Muntik pa nga akong atakihin sa puso ng makita ko syang nakatayo at naka cross arms habang nakasandal sa pader." Nakataas na isang kilay nya ngayon. Not minding the position we're in.
"So you take advantage of her?" Tanong nito ng may panghuhusga
I laughed again. Shutek.
Hindi ko din alam, pero hindi ko maalis sa lips ni Savy yung tingin ko. Am I getting addicted now?
Lumunok ako bago nilipat ang tingin sa mata nya.
"Anong take advantage? You.kissed. me"pag amin ko dito, emphasizing every word. Nanlaki ang mata nya ng marinig saken yon
"What?" Tanong nya pa.
"Wag mo akong ma what what, muntik na akong mamatay that night " bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya at naglakad palapit sa kama. Umupo ako doon ng nakaharap sa kanya.
Hindi pwede tong nararamdaman ko. Not now Jho. Be patient.
"Anong I kissed you? Ako ba niloloko mo? Umayos ka" sabi nya saken bago tumabi saken
"You trapped me on a wall, held my chin and waist, and pressed your lips without a warning Miss Sevilleja" pagdedetalye ko sa nangyare. Nakakunot na ang noo nito. Pilit inaalala ang nangyari nung gabing yon.
"Ask my friends, I even need a bottle of whiskey just to calm myself" dugtong ko pa sa revelation na binitawan ko kanina
"So you mean, hinalikan kita nung lasing ako? Kaya ka naiilang after?" Paglilinaw nito. Forming a theory on her head.
"Oo" sagot ko dito. Hindi sya makapaniwala sa ginawa nya. Totoong umiwas iwas ako sa kanya matapos ang gabing yon. Because all I could think of was her soft lips.
"Weh? Bat ngayon mo lang sinabi?" Sabi pa nito, hindi makapaniwala sa nagawa nya.
"Hindi ka kaya nagtatanong. Tsaka hello, moment of weakness ko yon" sagot ko pa dito
Yung time na yon, nagpipigil pa ako ng feelings kay Savy kasi mag best friend kami. Ni hindi ko nga inakalang dadating kami sa puntong magkaka aminan e. Akala ko kasi one sided love to.
"All this time?" Sabi pa nito
"Oo, kaya hindi ka pwedeng uminom na walang kasamang kahit isa samin. You're kissing people" sabi ko pa dito
Napatakip naman ito sa lips nya. Trying to remember that night again siguro
"Hello, nagawa ko lang yon siguro kasi, nainis ako sayo. Ang landi landi mo kasi" sabi pa nito bago ako inirapan
In game na naman po sya sa taray tarayan effect nya. Ganyan yan kapag nahihiya or kinikilig. Nagtataray.
"Hindi naman ako nalandi that time, nakikipag usap lang e" paliwanag ko pa dito kasi ipinipilit nya na humaharot ako sa iba
"Sus. Ngiting ngiti ka ngaaa. Naaalala ko na naman pag kainis ko sayo" sabi pa nito ng naka cross arms
"Selos ka?" Tanong ko dito kasabay ng pagsilay ng ngiti ko
Tinaasan ako ng kilay nito
"Selos ka noon? Kaya ka nag inom? Kaya mo tinungga yung alak na hindi naman dapat lahat para sayo?" Tanong ko ulit dito
Now, that makes sense. Alam ko na, nagselos sya kaya nag inom. Hindi ko alam dati kasi nagulat din ako sa inakto niya. So she has feelings for me at that time kaya nya ako hinalikan.
Pakiramdam ko. Uminit ang mukha ko. Kinikilig ako. Bakit di ko yon naisip. Siguro dahil nakatanim na sa utak ko na ako lang ang may feelings.
Nagulat ako ng hatakin ako ni Savy at halikan sa pisngi. Bago umalis at pumasok sa bathroom.
Naiwan akong nakahawak sa pisngi.
That's it. That's the answer.
Bakit ako kinikilig kahit ang tagal na non. Gagu. Malala na talaga to. Malala na ang tama ko.
Savy Riley Sevilleja. Panindigan mo ang kilig ko.
----
Eyyyy. Goodnight everyone.
Saw some clips of Jho looking at the tv screen when Stacey's having her solo performance at their BINIverse con.
She looks so proud 🥺
My JhoCey heart🥺🫶🥹
YOU ARE READING
Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1) JhoCey
FanfictionBini AU. Disclaimer: All events,people, name, character and organizations in this story are products of the author's imagination. This is pure fiction. Please excuse if there's grammatical error. The author is not an expert writer nor an english ma...
Chapter 38
Start from the beginning
