22

12.2K 885 980
                                    

• 🏐 •

"May iba akong gusto. Manhid lang yata talaga."

Titig na titig ako kay Nico nang sabihin niya iyon. Hindi ko mawari kung sumasakit ba iyong dibdib ko o hindi sa sobrang bilis at lakas ng kabog ng puso ko. Gusto ko sanang magsalita pero nang ibuka ko ang labi ko ay walang lumabas na boses.

May iba raw siyang gusto. Hindi raw iyong Chinnie na Tourism student! Sino kaya? Classmate niya? Schoolmate ba namin? O baka naman tiga-ibang university? Tiga-Creston kaya? Westmore? Easton? Southern? Polycentral? O tiga-probinsya?

At anong sabi niya? Manhid?

Paanong... manhid?

Manhid kapag... hindi nakakaramdam, 'di ba?

Hindi nararamdaman no'ng gusto niya na gusto siya ni Nico?

"Gusto mo bang malaman kung anong pangalan no'ng manhid na gusto ko, Seb?"

May maliit na ngiti sa labi ni Nico nang sabihin niya iyon. Napakurap ako at hindi agad nakasagot. Bigla akong nagdalawang-isip. Oo, curious ako kung sino iyong maswerteng nagugustuhan niya pero... handa ba ako sa pangalang sasabihin niya? Paano kung... hindi ako?

Hala, Sebastian, hindi naman talaga ikaw!

Umaasa ka talagang pangalan mo ang sasabihin ni Nico? Sa'n mo nakukuha ang kapal ng mukha, Seb?

No'ng sinabi niya kanina na wala siyang girlfriend, tuwang-tuwa ako. Pero ngayong iniisip na may iba siyang gusto at alam kong hindi ako iyon, bigla na naman akong nalungkot.

Pero kung iisipin, hindi naman por que wala siyang girlfriend ay may pag-asa na ako. Kaya wala siyang girlfriend kasi manhid nga raw iyong gusto niya. Kung nagkataon na hindi iyon manhid kung sino man siya, malamang ay sila na ngayon nitong crush ko.

Grabe. Mas lalo akong nalungkot.

Malakas talaga ang pakiramdam ko na pangalan ni Nico ang malalagay ko mamaya sa exam. Kasi imbes na mag-review ako ngayon, mas inaatupag ko pa ang pagseselos sa kung sino man ang nagugustuhan niya.

Kasi kung ako iyon, hindi ako magiging manhid.

Malalaman ko siguro agad na gusto ako ni Nico.

Paano kung pangalan mo ang sabihin niya, Seb?

Hala, sige. Paasahin mo ang sarili mo, Sebastian, kahit alam mo namang imposible. Diyan ka magaling, e.

"Seb."

"Hmm?"

"Alam mo kung sino iyong gusto ko?"

Malay ko, sir. Ikaw ang may gusto tapos ako ang tatanungin mo?

Hala, Seb, bakit tunog masungit ka?

Umiling lang ako. "Hindi."

"Kilala mo siya."

"Marami akong kakilala."

Lumaki ang ngiti ni Nico. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko na napigilan iyon kasi parang niloloko na niya yata ako. Totoo naman kasing marami akong kakilala. Sino ro'n? Babae, 'di ba? Napaisip tuloy ako kung sino sa mga babaeng kakilala ko ang magugustuhan ni Nico.

Sana lang ay hindi isa sa mga kaklase ko. Hindi man niya kasalanan na gusto siya ng ace spiker namin, hindi ko maipapangako na hindi ako makakaramdam ng pagkailang sa kaniya. At iyon ang nakakainis na part sa totoo lang. Kasi bakit ako maiilang?

Pero ganito nga talaga kapag hindi ka gusto ng gusto mo tapos may gusto siyang iba.

Maiinis ka lalo na sa sarili mo. Maiilang ka kasi may nararamdaman ka na ro'n sa tao. At magseselos ka kahit wala ka namang karapatan at kahit sobrang imposible na maging kayo.

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon