21

13.2K 776 548
                                    

• 🏐 •

May babae raw na kasama si Nico.

Alam ko naman na malaki talaga ang posibilidad na hindi siya magkakagusto sa same sex pero... nakakalungkot pa rin pala.

Pero ganito ba talaga ang dapat na maramdaman ko? Happy boy crush ko lang naman siya. Sabi ni Uno, kapag happy crush mo iyong isang tao, mas mababaw raw iyon sa super crush. Kumbaga, inspiration mo lang siya at hindi talaga aabot na gusto mo siyang makarelasyon.

Iyong tipo na natutuwa ka kapag nakikita mo siya. Buo na iyong araw mo kapag ngumingiti siya kahit hindi naman ikaw ang nginingitian niya. Iyong nai-inspire ka niya na gawin iyong mga bagay-bagay na usually ay ayaw mo namang gawin.

Pero bakit ako nalulungkot ngayon?

Sad crush ko na yata si Nico, e. Hindi na happy crush.

Sino kaya iyong babaeng kasama niya? Sigurado akong maganda iyon. Siguro matangkad din? Girlfriend niya kaya? Nililigawan? Pero wala naman akong nababalitaan na may pinopormahan siya...

Pero kung iisipin, wala naman din talaga akong alam tungkol sa pribadong buhay ni Nico. Oo, teammates kami pero hanggang doon lang. Magkaibigan na rin siguro pero hindi pa talaga umaabot sa punto na nakakakwentuhan ko siya sa mga gano'ng bagay.

Pero... baka kaklase niya lang? May mga nakakasama rin naman akong babae pero hindi ko naman sila pinopormahan. O baka fan niya? O 'di kaya ay supporter ng team?

Ngumuso ako saka huminga nang malalim.

Naku-curious na ako sa babaeng kasama niya. Pero nag-message siya sa 'kin, 'di ba? Pupuntahan niya raw ako rito. Dadaan daw muna siyang convenience store.

O baka naman iyong babae muna ang dadaanan niya?

"Girlfriend niya yata."

Napatingin ulit ako kay Coach Greg nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung nabasa ba niya iyong nasa utak ko pero sinagot niya iyong tanong ko. May maliit na ngisi sa labi niya at titig na titig siya sa 'kin na para bang pinapanood niyang mabuti ang emosyon sa mukha ko.

"Maganda iyong babae. Maputi. Matangkad. Tourism student base sa uniform niya. Nagtatawanan sila kanina no'ng nakita ko, e. Kilala mo ba iyon, Seb?"

Napakurap ako. "H-Hindi po."

"Pero alam mo na may girlfriend si Nico?"

"Uh, hindi rin po."

"Wala siyang sinasabi sa inyo?" Tanong ulit ni coach pero umiling lang ako. "Naku, gano'n talaga si Nico, e. Tahimik."

Dahan-dahan na lang akong tumango pero hindi na ako nagsalita.

Nagtatawanan lang, girlfriend na niya? Nagtatawanan din naman kami ng mga kaklase at kaibigan kong babae pero wala namang kung ano sa 'min. Pero... Tourism student daw. Si Nico naman, Sports Science.

Baka magkaklase lang sa isang minor subject? O baka naman kaklase niya no'ng high school? O baka simpleng magkakilala lang talaga na binigyan ng malisya ni Coach Greg?

Sige, Sebastian, ipilit natin.

Pero... nalulungkot talaga ako.

Ganito pala kapag nalaman mo na may ibang gusto ang crush mo. Nakakalungkot. Hindi 'to nasabi ni Uno sa 'kin. Parang ayoko na tuloy magka-crush ulit.

Napatingin ako sa mga reviewers ko. Kanina, inspired pa akong binabasa ang mga iyon. Ngayon, wala na akong gana. Ano ba iyan, Seb. Nalaman mo lang na may kasama ang crush mo, isa-sacrifice mo na ang exam mo? Hindi pwede iyon kundi lagot ka kay nanay.

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon