Chapter Twelve

2 0 0
                                    

"Aware kayo na sectarian ang university, pero nagbenta pa kayo ng mahahalay na libro."

Bakas ang matinding galit ni Dean Santos sa tanggapan nito. Naroon din si Prof Chavez na dismayado sa natanggap nilang balita.

"Bawal din na mag-post ng anuman tungkol sa bazaar hangga't di nagsisimula ang simbang gabi. Instruction ko pa naman sa inyo 'yon," sabad naman ni Prof Chavez na ikinagulat naman ni Divina.

"Hindi kami nag-post, Sir," bwelta naman ni Divina.

"Ito ang proof. Galing sa account pa ni Rafael," siwalat naman ni Madam Elena at pinakita ang post ni Rafael sa FB account nito. "Hindi mo man lang sinabihan ang kasama mo about dyan?"

"Rafael?" Pinandilatan ni Divina si Rafael sa mga sandaling iyon. Kahapon pa lang, pinabasa na niya ang rules ukol sa pagbebenta. Pwede naman ang kahit anong gawin nila sa booth at kung paano makabenta as long as walang magpo-post sa social media hangga't hindi pa nagsisimula ang Simbang Gabi sa Chapel.

"Nakalimutan ko," apologetic na sambit naman ni Rafael.

"Nakalimutan o hindi mo binasa?"

"Binasa ko," Rafael insisted. Sadyang nalimutan lang niya ang rule. Next time, mas isisiksik na niya sa utak niya ang mga binabasa niya. Halatang dismayado si Divina sa mga sandaling iyon. Somehow, bothered din naman siya na magkaroon na naman sila ng misunderstanding.

"Dito pa kayo nagsisihan. Balik tayo sa mga libro. Usapan, educational books lang ang ibebenta. Bakit may ano kayo?" Pinilit pang alalahanin ng dean ang pamagat ng isang libro.

"Seducing Devil In A Lingerie?" banggit na tanong ni Rafael. Napahalakhak na lang si Prof Chavez. Hindi na niya kayang i-defend ang kanyang estudyante. Baka ipagpasadiyos na lang niya ang kahihinatnan nito.

"Binanggit mo pa talaga." Nasapo na lamang ni Dean Santos ang ulo at feeling niya, parehong hopeless na ang dalawang estudyante na kapanayam niya sa oras na iyon.

"Prof, ikaw na ang bahala kung anong sanction sa dalawang 'yan. Noong una, may suntukan at kopyahan. Ngayon naman, nagbebenta ng malalaswang aklat."

Bumuga ng hangin si Prof Chavez. "Sorry, sabi ng dean, ako nang bahala sa inyo. Sorry na lang."

Bandang huli, pinahintulutan pa rin sila na magbenta ng libro ngunit may bago pang ipapagawa sa kanila. Sa pagsisimula ng Simbang Gabi, magiging Pianista si Rafael sa choir at si Divina naman, maglilinis ng chapel at magiging hardinera dahil naka-leave pa ang hardinero sa loob ng ilang araw. Para sa kanilang dalawa, hindi naman 'yong parusa. Matapos ang meeting, hindi na muna kinausap ni Divina si Rafael. Nagwo-worry siya kung paano niya gagampanan ang ibang trabaho. Kapag hindi siya nakabenta sa bookshop sa Tutuban, wala siyang pera. Hindi naman kasi kasama sa plot at story details na unlimited ang pera niya kaya kahit nandito siya sa dimensyon ng fiction na siya rin ang gumawa, kailangan pa rin niyang magtrabaho.

Nagpahinga na siya sa kanyang dorm at si Rafael naman, umuwi na sa bahay nito. Habang nagmumuni-muni si Rafael, 'di nito maiwasan na isipin si Divina. Ramdam niya ang pagkadismaya nito sa naging desisyon ni Prof Chavez. Hindi maiwasang isipin ni Rafael kung paano makakaya ni Divina ang ganoong setup, as someone who's working and alone for so many years. Naisip niya na kailangan din na may gawin man lang siya para maibsan ang dilemma nito.

"Nag-blow up 'yong post ko. Baka pwede na rin akong mag-outsource ng libro na pwedeng ibenta. Para hindi na mag-worry si Vina kung paano siya magkaka-income," pakli pa ni Rafael. Nagmadali siya sa pagbubukas ng laptop para hanapin ang mga title ng pumatok na libro sa bazaar kanina. Sa tulong ng mga masugid niyang followers, hindi na rin siya mahihirapan sa pag-preorder ng mga libro.

"Baka kahit papaano, mapatawad pa niya ako," kampanteng pakli ni Rafael na may ngiti sa labi. Hindi pa siya dinadalaw ng antok kaya naisipan niyang tawagan si Divina, ngunit madali siyang na-discourage dahil out of reach na ang number nito.

"Did she block me?" worried na aniya. Kung dati, wala siyang pakialam kung sino ang ma-disappoint sa kanya, biglang nagbago iyon nang makilala niya si Divina at malaman ang mga perspective nito sa buhay. Sa isang iglap, parang nagkaroon siya ng motivation na maging mas maayos man lang ang sarili niya sa ngayon. At minsan, sumasagi na rin sa isip niya na dapat katulad na rin siya ni Divina kung mag-isip. In a blink of his eye, Divina changed him and he's still unaware of it.

Sa second attempt niya ng pagtawag, hindi pa rin ito nari-reach. That's the time he tossed his phone on his bed. Daig pa niya ang na-basted kung magmaktol at that moment.

"Hindi man lang niya ako hinintay na mag-explain. Malinis naman talaga ang intensyon ko at gusto ko lang na pareho naming maitawid ang book selling. Pambihirang Divina 'to. Poproblemahin ko pa bukas kung saan kita hahagilapin. Bahala ka na nga. Hindi naman ako 'yong tipo na dapat maghabol at makiusap sa'yo. Daig mo pa ang girlfriend na dapat suyuin," reklamo pa ni Rafael. Hindi niya kayang ipagkibit-balikat ang nangyari kanina. Kung kaya niyang maging pabigat noon, this time hindi na pwede lalo na kung katulad ni Divina ang nagkakaroon ng burden.

My Fair-minded Lady [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon