Chapter Ten

2 0 0
                                    

Tinignan muna ni Rafael si Divina nang mapanuri bago sumagot, "Gusto mo bang tawagin kita ng Divs na lang? O kaya Divisoria?"

Napatawa si Divina at sumagot, "Up to you. Okay na 'yong Vina."

"Vina. Okay," sabay ngiti ni Rafael. "By the way, ganda ng sinabi mo kanina about being self-made. Ikaw bilang writer at ako bilang... nevermind."

Parang nag-malfunction saglit si Rafael. He was overwhelmed with the fame he experienced and when the scandal ruined him, he couldn't stand up firmly anymore. Hanggang ngayon, kahit alam niyang wala naman siyang kasalanan, nakamarka pa rin sa kanya ang masamang image at kung sakaling mabibigyan siya ng chance na magpaliwanag, wala rin namang maniniwala.

"Hindi mo kailangang magkwento ng bagay na hindi ka pa handang i-share. Balik na nga muna tayo sa sorting ng libro," pag-iiba ni Divina ng topic. Siya na ang nanguna, tutal siya naman ang expert.

"Alam mo ba, kailangan nating kumita ng marami para sa funds ng university na magagamit sa future programs, kaya hindi tayo pwedeng mag-petiks," dagdag pa ni Divina.

"Tama." Rafael complied quickly. Madali siyang natuto sa paggaya ng ginagawa ni Divina. Halatang expert na ito sa gawain sa library. Nakakahiyang magbagal lalo na't parang makina sa bilis ang kamay nito.

"Siya nga pala, favorite mo ba ang Divisoria kaya ka naging Divi Soraya?" biglang tanong ni Rafael.

"Oo. Paborito ko ang lugar na 'to. Saka star cluster kasi ng Taurus constellation ang 'Soraya'. Taurus ang zodiac sign ko. Tapos, sa Hebrew ang meaning niya ay prinsesa. Pero galing talaga sa salitang 'divine' ang pangalan ko na 'heavenly' ang ibig sabihin," pagsisiwalat naman ni Divina ukol sa background ng kanyang pen name. "Tapos ang Divi, salitang espanyol na ibig sabihin ay 'divide'. Na-amaze din ako sa katotohanan na ang bilang, kapag hatiin mo man nang ilang beses, laging pantay pa rin ang kalalabasan. Gusto ko 'yong gano'n sanang konsepto ng buhay. Iyon bang hindi gano'n kalayo ang agwat ng mahirap at mayaman na kung pwede lang sana, pantay pantay na rin ang perang mayro'n tayo. Pero heto na ang reyalidad noon pa man, hindi na 'to magbabago. Part pa rin 'to ng narrative ko tungkol sa pagro-romanticize ng buhay."

"Anong tawag sa'yo? Fair-minded?"

"Hindi ako sigurado. Pero kung 'yon ang palagay mo, baka nga gano'n pala ako. Paano mo nasabing fair-minded ako kung may prejudice naman ako sa'yo? Na-judge din naman kita," makahulugang tanong ni Divina.

Rafael gulped for a while. Hindi nga niya alam kung ano talaga ang kahulugan ng pagiging fair-minded dahil kahit kailan, wala namang gano'n. Sa bandang huli, hindi pa rin nawawala ang panghuhusga ng tao sa bawat isa at naranasan na rin niyang maging biktima ng trial by publicity culture.

"Oo nga pala. Mas masakit pa 'yon sa suntok mo sa'kin," pagbubunyag naman ni Rafael.

"Because the truth hurts."

"Oo na, oo na. I won't argue with you anymore," kibit-balikat ni Rafael.

Matapos ang pag-uusap, nagpatuloy na sila sa pagso-sort ng mga librong dadalhin sa bazaar. Inabot sila ng isang oras bago maisaayos ang mga libro para sa Christmas bazaar ng SBU. Kinailangan pa nilang maghintay sa L300 van na magpi-pickup ng mga libro. Hindi na kinaya ni Rafael ang antok at hindi na siya nakapagpaalam na iidlip. Nakaupo siya sa gilid lamang ng tambak na makakapal na libro at ginawang unan ang iba sa mga ito. As he dozed with his eyes closed, another pair of eyes gazed at him with admiration for a moment. Of course, walang iba kundi si Divina na kasama niya sa bookshop.

"Kung hindi lang ako naniniwala sa Panginoon, iisipin ko na talaga na produkto siya ng Illuminati o AI. Kasi sa sobrang perfect ng itsura niya, parang hindi na siya makatotohanan. Pero siguro kaya ganito ang feeling ko may ambag pa rin ako sa pag-build ng character niya rito," pabulong na komento ni Divina at hindi man lang natinag sa pag-obserba kay Rafael.

"Baka in love pa rin talaga ako kaya ko 'to nasabi. Malaki naman ang butas ng ilong niya, dry pa ang lips. Tapos kapag gising naman, nakakainis tingnan," pagbawi naman niya sa una niyang remark. Iwinaksi niya agad ang mga naiisip niya kay Rafael. Timing lang din ang pagdating ng van. Nagkunwari na naman siyang seryoso at tinapik ang balikat ng binatang naiidlip.

"Nandyan na 'yong van," pakli ni Divina.

"Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako," sambit pa ni Rafael saka iniayos ang sarili bago tumayo. Naramdaman niya agad ang pangangalay ng kanyang leeg dahil nasandal pala siya sa hard cover ng libro kanina. Natahimik silang dalawa habang tumutulong sa delivery helper na magkarga ng mga librong dadalhin sa SBU.

My Fair-minded Lady [FINISHED]Where stories live. Discover now