Prologue

18 1 4
                                    

From Divina's Journal:

(unknown page number)

Nakilala ko si Rafael habang nag-aaral ako sa SBU. Hindi pa siya nag-aartista noon at mukhang mapayapa pa ang buhay niya. Napakamahiyain pa niya noong una ko siyang makilala. Napakabuti niyang tao at madalas siyang pinapatugtog ng piano sa simbahan tuwing simbang gabi sa chapel na hindi kalayuan sa campus. Oo nga pala, cute din siya. Napag-alaman ko na apo siya ng benefactor ng SBU na si Senior Paeng o Lolo Paeng kung tawagin ng iilan. Mabait si Rafael pero walang motivation sa pag-aaral. Sayang, medyo nakaka-turn off ang attitude niyang 'yon. Buti na lang pogi siya. Kay Rafael ko unang naranasan ang pakiramdam na parang nasa cloud 9, kahit hindi ko alam kung ano 'yon. Nabasa ko lang naman 'yon sa isang foreign book. Pero kaparis ata no'n ay ang alapaap. Hindi pa ako sure, pero parang gano'n yata. Basta para akong papel na natatangay dahil sa hangin na dala niya.

Hindi man literal, pero mahangin din si Rafael. Mayabang, kumbaga. For sure, magko-contradict na rito ang sinabi ko sa unang talata na mabuti naman siyang tao at mahiyain pa nga. Sa ibang aspeto niya kasi pinapakita ang kayabangan niya na alam kong ginagawa niya lang para hindi siya kaibiganin ng mga tao. That made me decide to not approach him anymore. Napakalapit na niya sa'kin, pero ilang kilometro pa rin ang tantiya ko na pagitan ko sa kanya.

Sinusubukan ko siyang intindihin, baka nagkakagano'n siya dahil sa magulo niyang pamilya. Yes, produkto ng broken family si Rafael. Nasa States na ang mother niya at kamakailan lang, namayapa naman ang ama nito dahil sa malubhang sakit at tanging si Lolo Paeng na lamang ang kanyang naging guardian na number one enemy rin niya dahil sa paghihigpit nito sa kanya. Pagkatapos ng pagdadalamhati, nagbukas ang acting opportunity kay Rafael nang ma-discover siya ng isang professional photographer habang tahimik siyang kumakain sa isang mall.

Masasabi kong self-made si Rafael. Hindi siya kagaya ng mga nasa industriya na anak ng mga naunang artista, o nepo babies kaya nagkaroon ng slot sa mga casting ng movies at TV dramas. Lahat ng narating at nakamtan ni Rafael, galing 'yon sa karisma at pagsisikap niya. Nang tuluyan siyang sumikat bilang aktor, nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapag-record ng sarili niyang kanta, na naging paborito ko na rin. Nanatili akong tagahanga ni Rafael. Madalas akong magpunta sa mga event na isa siya sa mga nagiging guest. Sa pagiging avid fan ko, naging close ko na ang manager niyang si Clint pero kahit kailan, hindi ko hiniling na magkaroon ako ng chance na makapagpa-picture sa taong ina-idolize ko. Siya na yata ang first love ko. Wala akong ibang lalaking hinangaan sa ganitong level. Iba siya. Nabulagan yata ako at na-disregard ko na hindi naman siya perfect. Nakakainis pa nga siya kung minsan. Pero hindi na bale, at least sa artista lang ako may fanaticism, hindi sa mga politikong walang isang salita at korap pala.

Tuluyang yumabong ang career ni Rafael ngunit nasira lamang iyon ng isang eskandalo. Nagkaroon ng raid sa isang party event na dinaluhan niya. Nataniman siya ng drugs. Pero ayon kay Clint, hindi 'yon kay Rafael. Kahit kailan naman hindi siya nakagamit ng droga. Never din siyang nag-attempt na gumamit nito kahit madalas siyang kulang sa tulog. Traumatized si Rafael after ng insidente. Lumabas ang drug test result na negative pero hindi man lang sila pinayagan ng management na ipaalam ang result sa media. Iyong artista kasi na kasama niya sa event, kamag-anak ng isang politiko na tatakbo sa eleksyon ang talagang may-ari ng pinagbabawal na gamot.

Naging scapegoat si Rafael. Kaya ayun, marami siyang projects na nawala at pinangako naman ng management na makakaahon pa rin siya. Matatabunan pa rin daw 'yong issue. Ang naging plano, babalik si Rafael sa pag-aaral. He will build his good reputation once more even though it's so unfair on his part. Wala naman siyang ginawang mali. Iilan lang ang taong nakakaalam na inosente siya. Mas lalo na ngang hindi naging maganda ang demeanor ni Rafael. Naging bugnutin siya at alcoholic. Hindi na siya gano'n kagaling na mandaya ng attitude kapag nasa harap ng maraming tao. Pero hindi ako tumigil sa paghanga sa kanya.

My Fair-minded Lady [FINISHED]Where stories live. Discover now