Chapter 2: Group

28 23 1
                                    

Chapter 2: Group

"Continue of what you are doing, and you'll get the worse punishment you'll ever think of."

Natigilan ako dahil sa boses na nagsalita sa likod ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang dalawa kong kamay sa magkabila kong gilid.

"Help us, Nikolai," If I'm not mistaken, boses yun n'ong Sheena. "This trash did this to us. Headmistress Minerva needs to know about this."

Marahan kong hinarap ang lalaki. Nakalagay ang dalawa nitong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito habang seryoso itong nakatingin sa akin. The way he stood had an air of superiority and confidence. Hindi rin maitatanggi na estudyante ito ng Celeste Academy sa suot palang na uniform nito.

Celeste Academy...

"Why did you do that?" isang salita ngunit halos malawan na ako ng lakas ng paa dahil sa lamig ng boses nito.

Kahit ilabas ko pa lahat ng nalalaman ko sa kapangyarihan ko, alam ko namang hindi ako mananalo sa isang ito. Presensya palang nito alam ko nang mas bihasa na ito sa kapangyarihan hindi katulad ko. Makikita mong seryoso talaga ito pero parang isang simpleng galaw lang ng mga kamay ko kaya na nito akong itumba ng walang kahirap-hirap.

Napatingin ako sa pwesto kanina ni Tristan. Laking tuwa ko nang makitang wala na sila roon ng matanda. Napatiim bagang ako ng maalala muli ang sinapit ng matanda.

"Bakit hindi mo tanungin mga kasama mo? Pare-pareho lang naman kayong lahat na nag-aaral sa eskwelahan na 'yon na puro mayayabang."

Tumaas ng bahagya ang isang kilay nito at nag-baba ng tingin sa mga kamao kong nanginginig na sa sobrang galit. Makikita sa mga dingding ang mga ugat na tila nagwawala. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil baka bigla nalang silang atakehin ng mga vines ko kapag nawalan ako ng control dito.

"Release them, and I'll let you go. Unscathed." napatitig ako sa mga mata nito. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo kaya dahan dahan kong inalis ang mga vines ko na nakapulupot sa mga kasama niya.

"What the hell, Nikolai!" agad na sigaw n'ong Camille sa likod na siyang ikinairap ng mga mata ko. Ma issue talaga ang isang ito 'no? Hindi nawawalan ng masasabi, e. Kairita!

"Gan'on nalang 'yon? Wala kang gagawin para maparusahan ang isang 'yan?"

Naramdam kong naglakad ito palapit sa akin pero agad rin namang huminto nang pa side-way ko itong nilingon.

Buti naman at marunong din siyang matakot.

"Let's go."

Agad akong nagbalik ng tingin d'on sa Nikolai ang pangalan. Akala ko ang sinasabihan nito, hindi naman pala.

Napatingin ako sa taong dumaan sa tabi ko. Yung Camille. Matalim ako nitong tiningnan na para bang may pagbabanta. Nakita kong akay-akay ng dalawang lalaki yung Drake. Wala itong malay. Napalakas yata ang pagkakatapon ko dito.

***

"MABUTI nalang at hindi ka sinaktan ng isang 'yun."

Nandito ako ngayon sa bahay nila Tristan. Wala yung Nanay at kapatid niya. May pinuntahan ang mga iyon kaya ngayon malaya akong nagigisa ng isang ito dito. Nakwento ko kasi sa kanya ang nangyari kagabi at yung lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan.

"Hindi naman," naiiling itong umupo sa upuan na nasa harapan ko. "At hindi rin naman ako papayag na saktan niya ako 'no. Ako yata si Sue Grimov, ang babaeng walang inaatrasan na laban."

Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. "Kahit na Sue. We both know how capable he is to defeat you. Wala tayo sa kalingkingan ng mga taga Celeste Academy dahil sila, marami silang alam tungkol sa mahika. Walang wala tayo sa kaalaman na 'yun, Sue."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Celeste Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now